*Explanation*

21 2 0
                                    

"Mama!! Aalis na po kami ni Yanna!" pasigaw ko sinabi

Naiinis ako kasi kahapon pa nila pinaguusapan yung sa panililigaw ni Ryan kay Yanna at ngayon hindi pa din matapos tapos. Hindi naman sa naiinggit ako pero wtf, anong oras na kaya late na kami di pa ako masyado nakakapag aral sa quiz namin, chikahan sila ng chikahan dito.

"Hay nako Kath! Naunahan ka na ng kapatid mo, ikaw wala pa ba nanliligaw sayo? Sagutin mo na sayang oras aber" pang iinis sakin ni mama

Laging ganto si mama, sasagutin agad? Grabe naman yun. Hindi kasi ako pala kwento lalo na sa mga lovelife na yan, si Yanna lang may alam nung kay Kent kaya walang alam si mama na may nanliligaw na sakin pipilitin nya kasi ako papuntahin yun dito eh tas ipakilala sa kanya. Nako! Chichikahin lang nya yun.

"Ay nako mama may nanliligaw na po dyan si Kent yung kaibigan ng boyfriend ko." wika ni Yanna

Aba, ang daldal talaga neto sa susunod hindi ko na sya pagsasabihan. Buti nga di ko nasabi yung tungkol sa kiss, nako kung sinabi ko yun? Wala na alam na ni mama yun.

"Meron pa mama, mas bagay nga sila nun eh si ano.." pahabol na sabi ni Yanna kaso bigla may nag doorbell kaya siya na din nagbukas ng pintuan

"Si..., uyy Carl!"

Bigla ako nagulat? Sino kaya yung kumatok? Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya di ko na lang pinansin at baka yung katulong lang yun.

"Ano na naman Carl? Hindi nga nanliligaw yun ang kulit mo pala eh! Tsaka alam mo yun wala ako pag asa dun!" singit ko sinabi

"Baliw ka! Sabi ko eto oh si Carl nasa bahay, siya yung nag doorbell" sabi ni Yanna

Haalaaaaa! Shemaay!! Nakakahiya!! Sinabi ko pa wala ako pag asa dun! Nye asa!Pwede ba lumubog muna dito? Waaaaaah!! Nahihiya tlaga ako! Ayoko na muna magpakita sa kanya pero siya tong sulpot ng sulpot.

"Ah, sya ba hehe. Tara na pasok na tayo."

"Sis, ihahatid daw nila tayo andito si Ry, sa labas oh. Tara na!"

Kitams, kanina ayaw pa pumasok nalaman lang nasa labas si Ryan nauna pa sakin. Nagpaalam lang din kami kay mama at umalis na, hmm bakit di nila kasama si Kent? Baka absent ulit. Ano kaya sakit nun?.

At dahil si Ryan ang driver gusto daw nya katabi si Yanna kaya ayun kaming dalawa ni Carl sa likod. Oh well this is awkward, awkward nga ba? O para sakin lang? Nah, nakakahiya pa din yung nasabi ko kanina eh.

{SCHOOL}

Nag park lang si Ryan kaya pinauna na nya kami kaso ayaw sumama nung girlfriend nya sabay na daw sila ni Ryan so kaming dalawa ni Carl yung magkasabay ngayon. Hmpf! Ramdam ko sinasadya ni Yanna yun nako bahala siya super clingy nya kay Ryan magsasawa yun sige siya!.

Kaya binaba kami ni Ryan sa may gate, grabe ang gentleman nga ni Carl eh inunahan pa niya ako lumabas na para bang nagmamadali. Kaya pag labas ko inunahan ko siya, tignan lang natin.

"Nagmamadali pumasok?"

"Ay! Sino kaya ang mas nagmamadali satin pumasok? Inunahan pa ako lumabas ng sasakyan? Ang gentleman mo grabe!"

"Look, wag ka ng magalit"

"Hindi naman ako nagagalit eh, actually tuwang tuwa ako. Ba't naman ako magagalit?"

"Hay, ayoko na makipagtalo pa."

"Owkay, anyway mamayang dismissal daw mag uusap usap tayo nila Benjamin tungkol dun sa nangyari nung isang araw, and kailangan din natin mag usap madami ako gusto itanong sayo."

"Okay, fine. See you later."

Pagkatapos niya sabihin yun tuluyan na ako nauna sa kanya at pumasok sa room, siguro wala naman makakahalata na magkasabay kami diba? Oh wait si Kent pumasok na!! Bakit may benda sa ulo nya? Kawawa naman siya ano kaya nangyari?. Dali dali ako pumunta sa upuan nya para kamustahin siya.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon