*Chance*

21 1 0
                                    

Gumising ako sa kama, teka? Alam ko nakatulog ako sa tabi ni Kent? Bakit nasa kama na ako? At ang mas malala mukhang wala na ako sa ospital, hindi ko din naman to bahay? Laaah?. Hindi kaya nag sleep walk ako?. Talino ko naman nakatawid ako kung ganun! :)

Habang nililibot ko yung paningin ko sa kwarto may mga tao ako naririnig na naglalakad at nag uusap sa labas, naririnig ko nag uusap sila tungkol sa pagkain? Oo nga pagkain! Waaaah! Gutom na ako!. T.T bigla umikot yung door knob dahil sa kaba ko bigla ako humiga at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi pa pala siya gising"

"Sige hon mauna ka na kumain baka mamaya pa gising niyan"

"Aantayin ko na muna po siya, pwede po dito muna ako?."

"Sige basta maya maya kumain ka na din para gumaling ka na"

Unti unti nagsara yung pinto pero di pa din ako bumabangon, pamilyar yung boses pero natatakot ako kung sino to?. Tatayo na sana ako para makita ko kung sino yung naiwan ng bigla siya magsalita

"Kath! Gising na. Kagabi ka pa tulog ah, pano ko ba sisimulan to?. Alam ko at alam mo malaki kasalanan mo sakin, dahil dun sa mga nangyari pero hindi ako mag tatake advantage na gamitin yun para mapunta ka sakin. Tulog ka pa ba? Sana naririnig mo to"

Sa isip isip ko, "engot ka gising ako! bakit kung kailan tulog ako dun mo sasabihin yan?.

"Sana maging tayo no? Unang beses pa lang kita nakita alam kong meron na kakaiba sayo. Mas lalo na nung nakilala kita araw araw ibang Kath ang nakikita ko sayo. Tingin ko may gusto ka kay Carl ewan pero ramdam ko lalo na pag nagkakatinginan kayo, alam mo yung kay Lila? Sobrang nasaktan ako ng ginamit niya kami ni Carl, parehas kami walang alam pero naiinis ako bakit sa kaibigan ko pa? Bakit? Mas masakit kasi eh. Kaya sana makapili ka samin masakit man sabihin pero alam ko naman parehas kami umaasa kaso isa lang naman ang pwede diba?."

Medyo nalungkot ako sa narinig ko sakanya, kahit ako hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Inaamin ko dalawa ko sila gusto, teka tama ba yun? Ganun ba ako ka selfish at silang dalawa ang gusto ko?. Kahit alam ko na meron isang masasaktan?.

"Sana makapili ka ng mas maaga, kasi mas maaga mas mabilis siguro mawala yung sakit"

Iniisip ko kung babangon na ba ako o ano, hindi ko din kasi alam ang gagawin ko. Lalo na ngayon madami pa mga katanungan sa isip ko, hindi pa siguro ako makakapag desisyon kung sino talaga sakanila.

"Hooy! Bumangon ka na! Alam kong gising ka wag ka na umarte arte pa dyan"

Nagulat ako sa sinabi niya, paano nya nalaman? O hinuhuli lang niya talaga ako kung gising ba ako o tulog talaga?. Kaya hindi pa ako babangon.

"Aba matigas ang ulo ah. Ayaw talaga bumangon? Hahalikan kita dyan"

Unti unti na akong kinabahan hindi ko na alam ang gagawin ko

"Abaaa mukhang may gusto ng halik ko at ayaw pa bumangon"

Hindi ko na talagaa alam ang gagawin ko. Kinakabahan na ewan. Babangon o hindi

"Isa"

Ano na? Babangon?

"Dalawa"

O hindi?

"Tatlo"

At bigla ako bumangon! Mas okay na to kesa mahalikan pa ulit mamaya may maka alam na naman at sabihan pa akong malandi.

"Paksheeet ka! Bakit di mo na lang ako kinalabit o tinulak tulak? Kailangan halik talagaa?! At bakit nasa inyo ako?! Oo na narinig ko lahat ng mga sinabi mo! Tsaka pano mo nalaman gising ako ha? Ha? Ha? Ikaw ah sumosobra ka na." sunod sunod kong salita halos di ako huminga nyan wahaha.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon