2nd week of classes
"Mommy! Aalis na po kami ni Yanna"
Paulit ulit ko ng tinatawag si mommy kaso hindi pa siya bumababa, ang tagal nila parehas ni Yanna, ano bang ginagawa nung dalawang yun?. Isang linggo na din pala ang nakaraan simula nung first day namin sa bagong school. At ngayon panibagong linggo na naman, ang bilis pala ng araw.
"Ma! Baba na po kayo, at baka ma late na kami. Asan na po ba si Yanna?"
Nakita ko naman bumaba na ang nanay ko, kasunod nya ang kapatid ko, bakit ba ang tagal nila? Buti na lang hindi kami service ngayon. Sabay kaming humalik sa pisngi ni mommy at inabutan nya kami ng allowance namin.
10 minuto ang nakalipas...
Papasok na kami sa classroom ng maalala ko na ngayon pala inannounce ni sir na class election, hindi daw pwede last week kasi may mga absent pa, unfair naman daw iyon. May iba akong kaklase na ngayon lang din pumasok, grabe ganun ba sila katamad para ngayon lang pumasok?. At naalala ko din na ngayon pala aayusin ang aming seating arrangement.
Sino naman kaya ang makakatabi ko dito? Sana magkalapit lang kami ni Yanna, wala pa kasi akong masyadong kaibigan dito sa room at si Yanna lang ang palagi kong kasama, kahit break time o kaya uwian kaming dalawa lang ang magkasama.
Pumasok na si sir Joseph, kakaiba talaga tong teacher namin, mukhang ang sungit sungit nya lalo na pag tumingin sya sayo dahil sa mga mata nya pero kung ngingitian mo naman ay lalabas bigla ang mga ngiti sa kanyang mukha. Bipolar ba to? Aga aga mukha syang bad trip, ano kaya ang ngyare? Nakakatakot pa naman yata sya galitin.
"Good Morning class"
"Good Morning sir Viaje"
"Sit down"
Naglakad lakad ng konti si sir, tumingin samin at ngumiti, sabay punta sa teacher's table at kumuha ng papel. Ano kaya nakalagay dun? Bipolar nga yata si sir kanina mukhang galit tas ngayon nakangiti na samin.
"Napansin nyo naman na masaya ako, gusto nyo malaman? Dahil may mga late enrollee tayo at sa section natin sila nasama, mabuti na lang at nakahabol sila sa election at arrangement of seats later."
Pumunta siya sa unahang pintuan at may tinawag siya
"Good morning, pasok kayo. You can sit everywhere pero mamaya aayusin din natin yan."
Kinabahan naman ako bigla kasi ba naman madaming vacant seats ang nakapaligid samin, yung isa sa likuran ko at yung dalawa sa dalawang gilid namin ni Yanna. Ang mangyayari tuloy ngayon yung isa magiging katabi ko at yung isa sa tabi ni Yanna, habang may isa pa pala na mauupo sa likuran ko. Bakit ako kinabahan? Hindi kasi sila babae, tatlong lalaki lang naman sila, ayoko pa naman sa lalaki, wait di ako man hater ah? Ayoko lang talaga.
"At dahil ngayon pa lang kayo pumasok, please introduce yourself to us" ang sabi ni sir
Naunang magsalita yung katabi ni Yanna
"Hi everyone, I'm Ryan Felix Lloyd. I hope we can be friends, lalo na sa maganda kong katabi ngayon * sabay tingin kay Yanna at smile* madaming kinilig, madaming nagbulung bulungan at madami din humiyaw.
Babaero ba to? Well gwapo naman siya, pero mukhang play boys masyado, ginagamit nya yung charms nya magpakilig ng babae, nakataas ang mga buhok nya at lumalabas ang dalawang dimples nya tuwing ngingiti sya, hindi tuloy maiwasan ni Yanna na mapangiti at mag blush din. Sumunod naman nagsalita ang nasa tabi ko.
"Hey, I'm Kent Angelo Perez, 15 years old. Hope we can be friends and miss *sabay lingon sakin, shet bigla ako kinabahan, ang bilis ng tibok ng puso ko* pwede ba sumama sainyo mamaya? New student kami eh, sana maging friends din tayo *sabay ngiti at upo*
Shet, bakit samin pa!? Ang dami dami dyan oh? Hindi ba nya alam new student din kami dito? Pero siguro ayos na to para may maging close man lang kami, gwapo naman sya, matangos ilong, nakataas ang mga buhok at medyo maputi at matipuno. Babawiin ko na tuloy yung sinabi ko kanina na ayaw ko sa mga lalaki, haha. Sumunod ng nagpakilala ang nasa likuran ko.
"I'm Carl Villamor, 15 years old. Nice meeting to all of you thank you" sabay upo at di tulad nung dalawang nauna, hindi sya ngumiti
Mukha siyang masungit at tahimik, gwapo din naman sya at nakataas din ang buhok, seryoso? Lahat sila nakataas ang buhok?
Nag salita na ng konti si sir at sinabi nya na election na daw. Lumipas ang ilang oras at nagbotohan din kami naging maayos naman kahit papano at naging vp internal si Ryan, si Yanna naman ay naging secretary. Dalawang officer na langang natitira muse at escort, sa lahat ng oras ayoko dito, kahit na may itsura ako ayoko maging muse dahil kami lagi ang sasali sa iba't ibang programs sa school lalo na ang Mr and Ms Dutch Ford Academy.
Sa tagal ng pag day dream ko, nagulat na lang ako na nominated pala ako, what the heck?! Sino nag nominate sakin? At papatayin ko talaga! Pangalan ko lang ang nakasulat dun, anong ibig sabihin nun? Wala pa naman botohan ah, panalo agad?
"Wala na bang mag no nominate pa?, si ms. Katherine na ang panalo? Ayos na kayo dun?" Tanong ni sir
Sana hindi sana hindi Sana hindi sana hindi Sana hindi sana hindi Sana hindi sana hindi
"
Opo sir" wika nilang lahat. Hala talkshit anong ngyare?!
Nagulat na lang ako na ang escort pala ay etong katabi ko na kanina pa ako tinitignan, bakit may dumi ba sa mukha ko?
"Excuse me, Kent may dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa nakatingin eh" sabi ko, aba nakakahiya kaya kanina pa nya ako tinitignan.
"Ah, napansin mo pala, wala hehe. Ganda lang ng view"
"View? Asan yung view?" Ano ba pinagsasabi netong view, eh nasa room kami?
"Wala, hehe. Ang sabi ko ang ganda mo" sabay ngiti sakin
Ahh maganda daw ako? Teka lang?! Shet? Syet! At shit! Ano daw MAGANDA AKO?! At mas lalo pa akong nagulat ng biglang nagdabog sa likuran ko yung Carl? Tama ba Carl? Anong ngyayare sa kanila? What the heck?!
Authors Note: Sorry kung late ud, naging busy lang sa mga gala. I hope magustuhan nyo to :))
BINABASA MO ANG
"My First Love"
Teen FictionNung una naniniwala ako sa kasabihan na first love never dies, pero simula nung saktan at iwan niya ako? Nagbago lahat ng paniniwala ko dahil sa kanya, dahil din sa kaya binago ko ang ugali ko, ang sarili ko, at ng dahil sa kanya ayoko ng magmahal p...