*Special Girl*

40 2 0
                                    

Kinabukasan

Maaga ako pumasok mag isa, Oo tama mag isa hindi ko kasabay si Yanna ngayon hindi naman kami nag aaway pero may plano kami ni Ryan ngayon ooooops! Wait lang wag kayo mag conclude agad agad! Hindi ako taksil na kapatid haha. Plano na niya kasi manligaw in public and ask Yanna to be his girl! Yiiiiieeee kilig, nag pm pa siya sakin kagabi para sa plano.

FLASHBACK

Messages :

Ryan: Kath! Favor patulong naman oh?

Me: Tungkol saan?

Ryan: Gusto ko na tanungin si Yanna kung pwede ba maging kami na, you know hehe.

Me: Ahh, anong gusto mong mangyari?

Ryan: Ganto yung plano.....

After ten minutes

Me: Sige ako ng bahala

END OF FLASHBACK

Kaya ngayon naka set na yung plano, si Yanna na lang yung kulang ngayon. Halos lahat ng classmate at batchmates namin alam yung plano kaya nagulat ako ng may biglang bumulong sakin at sinabi paparating na ang kapatid ko, kaya hinanda ko na ang sarili ko,

"Sis, ba't aga mo pumasok?, di mo man lang ako inantay?"

"Pasensya na sis, may inayos lang ako"

"Ahh, sige ayos lang yan."

"Ayy! Sis diba nililigawan ka ni Ryan?" biglaan kong tanong, medyo nagulat pa nga siya eh

"Oo naman bakit?"

"Kailan mo siya sasagutin?"

"Sa tanungin niya ulit ako, kaso ang tagal na niya di nagtatanong ulit" malungkot niyang sabi

"Ah kaya pala" sabi ko

"Kaya pala ano?!" medyo iritado niyang tanong

"Bago ako pumasok kanina sa may quad may kausap siyang tatlong babae saya nga nila, sa sobrang saya di niya ako napansin" wika ko

Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagbalibag ng upuan at tumakbo papalabas, sumunod na lang ako sa kanya dahil alam ko na kung saan siya patungo.

{ QUADRANGLE }

Halos patakbo na ako kung maglakad, ang bilis kasi maglakad ni Yanna, kahit may nababangga na siya waka na siayng pakielam, eto na natatanaw ko na si Ryan. Habang palapit ng palapit, matatanaw mo si Ryan masayang nakikipag usap na may halong landi sa

tatlong magaganda at matangkad na babae.

"Hoy Ryan!!" pasigaw na tawag ni Yanna

"Oh, dumating ka na pala, bakit?" nakangisi niyang sagot

"D-diba nililigawan mo a-ako?" inis na may halong kaba na tanong ni Yanna

"Oo naman" masayang wika ni Ryan

"Hindi pa nga tayo, lumalandi ka na? May babae ka kaagad? Sino ba talaga laman ng puso mo?" pasigaw na tanong ni Yanna, medyo nahihiya pa siya kasi yumuko siya bigla

Ilang minuto pa ang lumipas bago sumagot si Ryan

"Alam mo naman ikaw lang ang laman ng puso ko tinatanong mo pa?" habang sinasabi niya yan tinaas niya ang mukha naka yuko ni Yanna.

Madami nag hiyawan, sigawan at tumili ng "ayiiee" agaw atensyon kasi sila dito sa quad, di agad nakasagot si Yanna at bakas sa kanyang mukha ang pagka gulat kaya nagsalita ulit si Ryan.

"Yanna, will you be my girl?" masayang sabi ni Ryan sabay bigay ng teddy bear, chocolate flowers at higit sa lahat bracelet na may heart na design, kulay silver siya na babagay sa kutis ni Yanna.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon