Friday in the afternoon
Nasabi samin ni sir Viaje ang tungkol sa mga clubs dito sa school, madami pala silang mga club pero isa lang dapat ang salihan mo. Si Yanna? Nahiwalay sakin dun kasi siya kasama si Ryan sa Dance Club mahilig yata magsayaw yung dalawang yun. Sa mga nakalipas na araw mas naging close sila ni Ryan, Ako? Wala di ko naman sila kinakausap lagi eh si Yanna lang talaga ang madaldal, palagi din sila sumasama samin kahit break time. Parehas kami ni Carl na walang imik tuwing magkakasama kami, masungit yata yun eh grabe lang.
Ako? Ang club ko ay glee club hindi ko yata nasabi sainyo na mahilig ako kumanta , hihihi! Hindi lang talaga halata yan sakin pero mahilig ako kumanta, sa bahay pag boring nag vivideoke ako mag isa haha, si Yanna? Ayaw nun kumanata eh masyadong maarte haha.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa music room, kanina pa kami naghiwalay ni Yanna nagmamadali kasi sya papunta sa dance studio excited yata haha. Madami din pala tao dito sa music room, umupo ako sa may bandang likod at may dalawang vacant seats na katabi ko, sino naman kaya ang makakatabi ko?
Nag mumuni muni ako, ang boring kasi eh, wala pa yung teacher, tapos wala pa din ako kakilala dito hays, nakakahiya naman kasi una kumausap mamaya ma snob lang ako sayang effort ko. Lumingon lingon ako sa labas at saktong may pumasok na dalawang babae isang mas matangkad sakin at isang medyo maliit naman. Vacant yung upuan na nasa harap ko pati na din yung nasa gilid ko at sana dun sila umupo. Sakto natupad ang hiling ko umupo sila sa vacant seat sa harap ko, ngayon lalakasan ko na lang ang loob ko magpakilala sa kanila, para kahit papano may kakilala naman akong ka club ko.
"Hello, ako nga pala si Katherine Buenavista, sana maging friends tayo"
"Hi, ako nga pala si Janella Marie Monteverde, nice meeting you bago ka dito no?" Isang matangkad na babae, may mahabang buhok at medyo maputi masasabi kong maganda din sya kasi maayos sya masyado manamit, nagulat na lang ako ng bigla sya nagpakilala sakin ay may kasama pa siya isang babae
"Hey, ako naman pala si Gail Fuentes kaibigan ko din to si Janella and i know club mates na tayo? Hope we can be friends :))" isang hindi katangkaran na babae na may maikli at medyo kulot na buhok, cute din sya.
"Ah, hehe. Oo bago lang ako nice meeting din *sabay ngiti ko sa kanila* sure pwede tayo maging magkaibigan, ipapakilala ko kayo sa sister ko mamaya, sabay sabay na lang tayo umuwi :)" sabi ko
"Sige sige, aantayin ka namin mamaya" sabi ni Gail
Mababait naman pala sila, kala ko masungit at mataray buti na lang hindi, sigurado akong magugustuhan sila ni Yanna. Onga pala kamusta na kaya yun doon? May mga kaibigan din kaya siya ngayon tulad ko?.
Bumalik na sila sa kani kanilang upuan at pumasok na ang isang medyo bata pang guro, at nagpakilala sya bilang si maam Anna Bella Santos isang mapeh teacher at magiging coordinator namin. Nagulat na lang kaming lahat at napatingin sa pinto dahil sa malakas na katok.
At mas lalo akong nagulat sa nakita ko dalawa tong lalaki, bakit sila nag glee club? Marunong pala sila kumanta? Si Kent at si Carl lang naman yung dalawang pumasok at dahil dalawang vacant seat ang katabi ko no choice pero dun sila umupo. Pinagtitinginan pa nga sila habang naglalakad at may bulung bulungan na ang swerte ko daw anong swerte dun? Tss di naman sila artista para maging swerte ako.
Bago sila umupo nagpakilala muna sila sa lahat.
"Hi, ako nga pala si Kent Angelo Perez from section 2A" sabay wink ano banaman to napaka play boy.
"Hi, ako naman si Carl Villamor also from section 2A" at ganun pa din walang reaction ang mukha nya, di man lang ngumiti o nag wink, pero nagtataka ako kasi habang nagsasalita siya parang nakatingin sya directly sakin, sakin nga ba o sadyang feelingera lang ako?.
BINABASA MO ANG
"My First Love"
Teen FictionNung una naniniwala ako sa kasabihan na first love never dies, pero simula nung saktan at iwan niya ako? Nagbago lahat ng paniniwala ko dahil sa kanya, dahil din sa kaya binago ko ang ugali ko, ang sarili ko, at ng dahil sa kanya ayoko ng magmahal p...