*Kiss Sa Cheeks*

61 3 1
                                    

Saturday in the afternoon

Kanina pa ako napapagod, kanina pa sumasakit yung paa ko, at kanina pa din ako ginugutom. Eto kasi si Yanna eh nagpasama sakin bibili daw sya nung susuotin nyang pang sayaw para sa opening ng mga club next friday. Eh halos kanina pa kami ikot ng ikot wala pa din syang makita, actually madami na kami nakitang pang sayaw etong babae lang talaga na to ang maarte kesyo di daw bagay sa kanya, masyado daw malaki, masyadong mahaba, lahat na yata nireklamo nya. -_-

Halos maikot na namin yung buong mall kakahanap ng damit nya, mas madami pa nga akong napiling damit kesa sa kanya eh. Arte talaga nito kala mo kagandahan haha joke lang syempre maganda naman sya pero mas maganda pa din ako haha.

"Sis, kanina pa tayo ikot ng ikot, hindi ka ba napapagod? Gutom na din ako tara pahinga muna tayo?."

"Ha? E wala pa nga ako nahahanap oh, ako yung maghahanap ng damit pero mas madami ka pang nabili kesa sakin" sabi nya

"Ang arte mo kasi, ang dami na natin nakita, dami mo na naman reklamo tss."

"Oo na, oo na. Teka lang sis si Ryan ba yun?." Sabi nya

"Ha?, ako nakakahalata na sayo Yanna ah, puro ka Ryan dyan."

"Seryoso kasi ako, tignan mo dun sa labas ng nbs si Ryan yun ohh" sabi nya na medyo

pasigaw.

Wala na akong nagawa kaya tumingin na din ako. At shet oo nga si Ryan nga yun hala, di kaya kasama nya si Carl? Hindi pa ako handa makita pagmumukha nun, nahihiya pa din ako shet sana di nya kasama, teka nga bakit ba ako yung kinakabahan? Wala naman masama ngyare ah? Stay calm Katherine stay calm. Mukhang nakita na kami ni Ryan dahil bigla syang kumaway sa gawi namin, pagkatapos nun ay lumakad sya palapit samin.

"Hi Katherine, ahm hi Yanna" sabi nya na mukha pang nahihiya kay Yanna

"Uy, Ryan andito ka pala, sino kasama mo?" Sabi ni Yanna

Sana hindi sila kasama, sana hindi sila kasama, sana hindi sila kasama, sana hindi sila kasama, sana hindi sila kasama, sana hindi sila kasama.

"Ah, inaantay ko lang sila Kent may binili lang kasi sila saglit" sabi ni Ryan

Sila? Pero si Kent isa lang dba dapat siya lang? So tama nga hinala ko? Kasama yung pesteng lalaki na yun? Hays, buhay nga naman. Bakit ganto kaliit ang mundo? Akala ko di ko sya makikita ngayon tss, nakakainis.

Sakto pagsabi ni Ryan nun ay ang paglabas ng dalawang naguusap at naglalakad papunta samin? Mukhang alam na talaga nila andito si Ryan hanep naman.

"Uy, Yanna, Katherine andito pala kayo, anong ginagawa nyo dito?" Sabi ni Kent

"Maghahanap ng pampatay dyan sa kasama mo" sabi ko ng pabulong kaya si Yanna lang ang nakarinig, siniko pa ako ng loka.

"Ah, hehe bibili kasi ako ng damit pang sayaw namin sa friday kailangan kasi eh, nagpasama lang ako sa kapatid ko" wika ni Yanna

"Ay!, Oo nga pala kailangan ko din bumili, meron ka na ba Yanna?" Tanong ni Ryan

"Ha? Wala pa nga eh, ikaw may nahanap ka na?"

"Wala pa din eh, gusto mo sabay na tayo bumili ngayon? Hatid na lang kita mamaya sa bahay nyo. Kung ayos lang sayo :) si Katherine? Pwede na sya ihatid nila Kent" sabi ni Ryan

"Sige, papaalam lang ako sa kapatid ko, *sabay lingon nya sakin, gusto ko sana sabihin na Oo narinig ko katabi mo lang ako diba? Kaso ayoko sya mapahiya* "Sis, sabay na kami ni Ryan bumili ng damit ihahatid naman daw nya ako eh, makisabay ka na lang daw kila Kent at Carl" sabay kindat nya sakin.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon