*Transferee*

34 2 1
                                    

Break time

"Kyaaaaaaaaaaaah! Nakita niyo ba yung taga section 2A? Sila Kent Angelo Perez, Ryan Felix Lloyd ang gwapo nilaaaa! Lalo na si Carl Villamor! Kahit mukhang masungit at di pala ngiti ang gwapo niya! Sya yung pinaka gwapo sa kanila! Kyaaaah!"

Isa lang yan sa mga narinig ko habang naglalakad kami ni Yanna dito sa canteen, grabe bago pa lang sila madami na silang fans? Naks lakas maka hugot lalo na si Carl akalain mo dami pala nagkakagusto dun?. Well totoo naman gwapo naman kasi siya masungit nga lang, teka masungit nga ba?.

Hindi ko pa din makalimutan yung halik nya, nakakainis hindi ko man lang nalaman bakit nya ginawa yun. Wala din akong pinagsabihan tungkol dun kahit si Yanna pa kasi bibigyan lang nya ng ibang meaning yun kung sa mga kaibigan ko naman baka lagyan din nila ng malisya kaya wag na lang, isasarili ko muna to sa ngayon. Lalo tuloy akong naguguluhan sa kanya, kapag kami lang dalawa magkasama parang close na close kami pero dito sa school parang wala lang ako sa kanya.

Inaantay lang namin ni Yanna dito sila Mirah at Gail pati na yung dalawa, sumama na din kasi sila samin, sila din kasi yung nag order ng pagkain namin kaya ayan kami naghanap ng upuan. Natatanaw ko na sila, ang dami pala nilang dala kahit apat na sila nagdadala ng pagkain, di ko naman sila masisisi kasi sila nag insist na sila daw ang bibili madami pa naman yata order namin.

Umupo na sila sa tabi namin, buti nagkasya kami dito sa table medyo madami na pala kami haha. Akalain mo yun kahit di kami magkaka section naging magkakaibigan din kami, okay na din to atleast ngayon may nakakasama kami at may kaibigan na din kami.

"Grabe guys, ang dami pala fans nung tatlo no?". Sabi ni Mirah

"Fans talaga?." Sabi ni Yanna

"Oo naman, kahit anong year may nakakakilala sa kanila, may nagkakagusto din ang dami nga eh." Sabi naman ni Gail

"Diba classmates nyo sila? Tapos nung nasa mall sabi ni Kath kasama nyo din sila, yieeee nice ang swerte nyo!." Sabi ni Janella

"Anong swerte dun? Kung sana artista sila baka matuwa pa ako."

"Kath!, eto talaga gwapo kasi sila kaya swerte kayo naman to ohh, pakilala nyo kami minsan ah." Sabi ni Kim

"Ay, sige haha. Next time papakilala namin kayo, para friends na din kayo." Sabi ni Yanna

Kasalukuyan kami kumakain dito sa malaki nilang canteen grabe ang dami pala tao dito, buti naman maayos at malinis pagkain nila. Usap lang kami ng usap sa mga bagay bagay, nasabi din nila na kung ipapakilala namin yung tatlo sa kanila ipapakilala din daw nila yung mga gwapo nila classmates haha.

Magtatanong sana ako kung san part ng school nila nabili tong yema kasi masarap eh ng bigla may nakatayo sa harap ng table namin at nagsalita.

"Pwede ba maki share ng table? Puno na kasi wala na kami maupuan, tatlo lang kami, kung ayos lang sainyo."

"Oo! Ayos lang samin! Gusto din namin kayo makilala eh" sabi ni Mirah

"Hehe, Hi Kath, Hi Yanna"

"Hello Kent" sabi ni Yanna

Grabe dami dami table samin pa nakiupo! Lumingon lingon ako at puno nga itong canteen pero bakit samin pa!? Daming iba dyan oh! Pinagtitinginan tuloy yung table namin kasi andito sila. Hindi naman sa ayaw ko sila makasama pero ayoko lang magka issue ang isa samin dahil sa pag tabi nila.

Umupo sa tabi ni Yanna si Ryan may iba talaga dito sa dalawang to eh, tatanungin ko nga si Yanna iba na talaga feeling ko sa dalawang to. Si Kent ayan katabi ko habang si Carl naman katapat ko awkward to para sakin dahil dun sa ngyare.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon