*True Colors*

33 1 0
                                    

Kinabukasan

Hindi pa rin maayos kalagayan ko, ewan siguro nga mahal ko na siya pero ayoko lang aminin pa sa kanya at sa sarili ko. Mabigat pa rin yung nararamdaman ko, nahalata nga yun ni Yanna kaya di na lang din siya kumikibo.

Pumasok kami ng room ng medyo tahimik hindi ko din alam kung anong meron pero ang tahimik din sa labas ng room siguro ayos na din to kailangan ko din ng katahimikan, naninibago lang siguro talaga ako.

After ng ilang klase wala pa din ako kibo, sumasama ako sa kanila pero di naman ako nakikipag usap. Yung mga lalaki naman wala din kahit si Ry wala dito, pero sa ngayon ayoko na muna sila makita gusto ko muna manahimik kahit sandali.

"Kath, ayos ka lang ba? Pansin ko kanina ka pa tahimik?" tanong ni Janella

"Ayos lang ako, di lang talaga maganda gising" nagdahilan na lang ako.

Kinausap din ako ni Kent after ng break time, sinabi niya yung practice namin para sa club umo-o na lang ako dahil ramdam ko wala talaga ako sa sarili ko. Simula kahapon hindi ko pa siya nakikita, si Benj naman kinausap din ako kung bakit ako agad umalis nung nasa rooftop nagdahilan na lang ako na kailangan ko na umuwi nun kaya di na ako nakapag paalam pa.

Nag iba na din yung tingin ko kay Lila, simula sa mala anghel nya mukha at ugali na noon ay akala ko totoo nagbago ang lahat simula kahapon. Wala pa ako pinagsasabihan kasi baka isipin nila naiinggit ako kaya ko sinasabi ang mga yun o kaya sinisiraan ko siya.

Nung lunch naman nag paiwan talaga ako sa room kasi gusto ko talaga mapag isa tsaka kasama din nila yung mga lalaki ayoko muna sila makita kahit isang saglit lang. Siguro mga lima lang kami dito sa room dahil lahat sila kumakain sa canteen kaya tahimik talaga ng naramdaman ko nag vibrate yung phone ko.

***beep***

From, Carl

"Hey, ayos ka lang? Bakit ayaw mo kumain? Bakit di ka sumabay samin ngayon?"

Hindi ko alam kung dahil ba sa text na yan mababawasan yung lungkot ko o ano pero dahil wala talaga ako sa wisho ngayon binalewala ko yung text nya at hindi na lang nag reply, ilang minuto ang nakalipas ng mag vibrate ulit ang phone ko.

***beep***

From, Carl

"Alam ko at nararamdaman ko iniiwasan mo ko dahil sa nangyari kahapon, pero nag aalala ako sayo. Kung ayaw mo pa mag reply aakyat na ako dyan at bibigyan ka ng pagkain o ako mismo magpapakain sayo."

Sobrang kumalabog ang dibdib ko nun, yung pintig din ng puso ko ay bumilis na parang may kabayo sa loob ng katawan ko. Dahil ayoko na ng gulo pa dali dali ako nag reply sa text nya. Nanginginig pa yung kamay ko dahil sa pagmamadali makapag reply at baka hindi siya makapag antay at umakyat agad dito.

To, Carl

"Ayoko lang sumama, hayaan mo muna ako. Gusto ko lang manahimik muna ngayon gusto ko lang mapag isa kahit ngayon lang"

Ilang minuto na yung nakalipas pero wala pa din reply, siguro hinayaan niya muna ako. Bumalik na sila at tahimik lang nya ako tinitigan, ilang minuto pa dumating na yung teacher namin at nagsimula ang klase hinihiling ko na sana matapos na itong araw na to at makauwi na ako.

Huling subject na ito at medyo atat na ako lumabas ewan ko kung bakit, Filipino yung last subject namin kaya medyo inaantok na ako. Storya pa naman yung topic namin ngayon tungkol sa isang babae nagmahal pero hindi kinaya yung mga problema nila kaya bumitaw na lang agad agad, kahit yung lalaki eh gusto pa lumaban wala na siya nagawa dahil umayaw na ang babae at mas ginusto ang tahimik na buhay.

"Katherine tayo, ano ang masasabi mo tungkol sa storya? Dapat ba siya bumitaw agad agad? O lumaban pa hanggang sa makakaya?." tanong ni sir

Wala ako sa wisho kaya kailangan pa sikuhin ako ng katabi ko para magising ako sa realidad na tinatawag ako ng teacher namin.

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon