*Accident*

26 1 1
                                    

Bago ko pa imulat yung mga mata ko, madami ako naririnig na nagsasalita siguro iba't ibang tao ito. Hindi ko nga alam kung nasaan ako eh, hindi ko alam kung asan si Kent basta ang huli ko natatandaan sinabi ko yung pangalan nya bago ako mawalan ng malay.

Nang imulat ko na yung mga mata ko, puro liwanag at kulay puti lang ang nakikita ko, nasaan ba talaga ako? Luminga linga ako sa paligid ng makita ko ang mga magulang ko at si Yanna na kinakausap ng mga nurse at doctor.

"Iha, gising ka na pala" sabi ng doctor

Gusto ko sana tumayo kaso ang sakit pa ng pakiramdam ko, pero bago ako bumati isang tao ang hinanap ko.

"Ma, Daddy, si Kent po" tanong ko sa kanila

Ilang minuto pa sila nagtitigan bago sumagot, kaya mas lalo ako kinabahan alam ko ako may kasalanan ng lahat lahat, kung hindi ako naglakad hindi siya susunod, kung pinansin ko siya hindi mangyayari to, kung hindi ako tatanga tanga hindi niya ako sasagipin.

"Nak, magpahinga ka muna" sabi nila

"Hindi ma! Gusto ko po makita si Kent!"

"Nasa ER siya, at nasa critical stage pa siya! Ano masaya ka na?!" biglang sabat ni Yanna

Nagulat ako dun, at napaiyak na naman ako, hindi siya dapat ang nandun, mas lalo ako naguilty dahil sa mga nagawa ko sa kanya nadagdagan pa lalo. Hinihiling ko na sana ako na lang yung napuruhan kesa sa kanya dahil deserve ko yun at siya hindi.

Alam ko galit pa din silang lahat sakin, lalo na si Kent. Utang ko sa kanya ang lahat lahat, hindi ko siguro mapapatawad yung sarili ko pag may nangyari pa masama sa kanya. Ang sakit sakit kasi eh, siya na nga lang yung taong tumulong sakin siya pa yung nadisgrasya.

Nagpumilit ako makita si Kent, alam ko hindi pa siya magaling sa pagkahulog sa hagdan tapos nangyari pa ito? Ang sama sama ko talaga. Sinakay nila ako sa wheel chair papunta sa kwarto niya, inantay namin siya malipat sa private na room para pwede na kami pumasok.

After ilang oras na pag aantay, pumayag na yung doctor papasukin kami sa kwarto niya, dali dali ako sumakay sa wheel chair at kahit may dextrose pa ako hindi ko ininda yung sakit. May mga iilang bisita ang nakikita ko dun, ng nag alisan na yung iba tsaka kami pumasok. Akala ko masaya yung madadatnan ko hindi pala.

Mahimbing pa din yung tulog niya na parang walang aksidente nangyari, sana hindi na lang niya ako sinundan, sana hindi na lang niya ako tinulungan. Ilang araw kaya bago siya gumising, nadatnan ko dun yung tito niya siya pala yung nagbabantay kasi lumabas yung mama ni Kent.

Siguro malaki ang galit sakin nun? Baka nga masampal pa ako eh, kasi nang dahil sakin yung anak niya na aksidente, ngayon hindi pa din gumigising. Kasalanan ko ang lahat ng to eh, sinaktan ko na nga si Kent emotionally ngayon naman physically pa.

Napatingin kami lahat sa pumasok dun sa pinto. Ang mama pala niya, na base sa itsura ngayon wala pang tulog. Mas lalo ako naiiyak at nalulungkot, kasi wala akong magawa para kay Kent pero siya ang dami na niya natulong sakin.

Binati nila mommy at daddy pati na din ni Yanna yung mama ni Kent. Kinakabahan ako kasi alam kong galit siya sakin, ako kasi yung dahilan kung bakit nangyari ng lahat ng to eh. Babati na sana ako kay Tita ng magsalita siya.

"Pwede ho ba, iwanan niyo muna kami ni Kath dito?"

Tumango lang sila at iniwan kami sa loob, kinakabahan ako siguro dahil alam ko sisisihin niya ako sa lahat ng nangyari sa anak niya? Isusumbat niya lahat sakin? Ano kaya gagawin niya? Kakamuhian ako? Hindi papalapitin sa anak niya? Kinakabahan na talaga ako sa mangyayari at halos mamawis na yung kamay ko.

"Alam ko ang lahat ng nangyari..." panimula niya

"Tita kasalanan ko po lahat. Sorry po, maiintindihan ko po kung isisisi niyo sakin ang lahat"

"Hindi kita masisisi, kasi baka pag ginawa ko yun magalit pa si Kent sakin, alam ko naman na gustong gusto ka niya. Halos araw araw ikaw ang kwento niya sakin, isa lang yung naging girlfriend niya pero niloko lang siya, sana pag sinagot mo siya hindi mo siya lolokohin. Siguro kung hindi ka niya naligtas? Baka hanggang ngayon andyan siya sa tabi mo aantayin ka gumising? O kaya hindi ka niya iiwan hanggang gumaling ka. Ganyan kasi siya eh kahit ako hindi ko mapipigilan."

"Masaya ako at nagkita tayo Kath, matagal ko na gusto kita makita pero sabi niya tsaka na daw pag kayo na. Kailan nga ba? Haha. Sana Kath pag nagising siya alagaan mo siya ah? Kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya pag nalaman niya hindi mo siya gusto, alam mo madali naman siya mahalin eh, sana malaman mo na mahal na mahal ka na niya"

Sa mga sinabi ni tita mas lalo akong nasaktan, hindi niya alam kung ano pa ang nagawa ko sa anak niya, parang pinipiga yung puso ko sa sakit. Dapat ko na ba bigyan siya ng chance? Gusto ko bigyan siya ng chance hindi dahil sa awa, kundi dahil ginusto ko. Yun naman ang nararamdaman ko eh, kaso iba pa din pag si Carl.

Hindi ko alam kung ano ang mas maganda, isisi sakin ang lahat o ang nangyayari ngayon? Na tanggap niya kung bakit yun nagawa ng anak niya. Masyado pa din masakit sakin lalo na yung mga sinasabi ni tita. Halo halong emosyon yung naramdaman ko, hindi ko din alam kung ano ang dapat ko isagot o kailangan ko ba sumagot pa?.

Halata sa mukha ni Tita na pilit niya pinapalakas ang loob niya para sa anak niya, ngumingiti siya tumatawa siya pero panandalian lang, mawawala din yun sa tuwing makikita niya ang anak niya.

"Saglit lang iha ah?, kausapin ko lang yung doctor"

Lumabas na si tita kaya kaming dalawa na yung natira dito ni Kent, ugh! sana gumising na siya. Miss ko na siya! Pati yung pangungulit niya!.

"Keeent! Namaaan eh bakit ba sinagip mo pa ako?, ayan tuloy nangyari sayo tulog ka, gumising ka na oyy! dalii may importante ako sasabihin sayo at alam ko ikakatuwa mo yun! Kaya dalian mo dyan mag pagaling ka na at gumising ka na! Miss na kita! Wag mo kami iiwan ah? Sasapakin talaga kita pag iniwan mo kami.

Nakatulog na ako pagkatapos ko sabihin yun, sinabi ko sa parents ko na dun ako matutulog kahit isang araw lang nung una ayaw nila pero wala sila magagawa. Si tita ? Ayun tulog din sa sofa, ako lang naman yung nakatulog dito ng naka upo.

Tinignan ko yung itsura ni Kent, yung mukha niya ang amo amo, kahit tulog siya ang pogi niya ang tangos ng ilong, at kahit nakababa yung buhok niya gwapo pa din siya. Walang pinagbago sa gising na Kent ay meron pala yung kulit niya yung tawa niya grabe na miss ko na yun. Hanggang napadako yung mata ko sa lips niya? Halikan ko kaya to ng makabawi man lang? Haha wag na makita pa kami ni tit sabihin PDA.

"Staring is rude"

Nagulat ako kaya napatingin agad ako sa kanya! Gising na siya! Mulat na mulat yung mata niya! Grabe na miss ko siya! Sa sobrang gulat ko napayakap ako sakanya kahit medyo sumasakit yung ulo ko kasi di pa ako masyado magaling. Habang yakap ko siya iyak ako ng iyak at sinasabi yung pangalan niya, pagkatapos nun nakatulog ako sa balikat niya.

Authors Note: Pasensya na sa tagal ko po mag update. Pasukan na po kasi at kailangan magsipag graduating na po ako. Yiiiie. Hahaha. Btw enjoy reading this! :) Also support my another story nasa profile ko po siya. :))

"My First Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon