Agad- agad akong umalis ng bahay, matapos akong tawagan ni mama. Pinapapunta nya ako sa bahay ng mga tito at tita ko, medyo malayo layo yun kaya nagmadali na ako. Hindi din naman ako nahirapan sumakay, dahil nag tricycle na lang ako. Hindi ko alam bakit agaran ang pagtawag ni Mama, mukha pa siyang nagmamadali.
Nakarating ako sa bahay, pinagbuksan ako ng mga maid nila. Oo, mayaman sila. Dahil ilang taon din sila naging ofw kaya nakapag ipon sila. Pag pasok ko nakita ko agad silang lahat dun ang Mama ko, si Yanna at si Ryan. Teka? Ano bang meron?.
Nagmano ako kay Mama, at nagsimula na siya magsalita.
"Hindi ko alam kung anong gulo ang pinasok mo, pero sana alam mo kung saan ang daan palabas."
Teka? Ano bang ibig sabihn nito? Ano bang nangyayari? May dapat ba akong malaman?
"Po?" ayan lang yung tanging nasabi ko dahil wala talaga akong maintindihan
"Sis, humihingi ako ng patawad. Sa mga inasal ko nun, nagulat lang ako at nagtatampo dahil wala ka man lang sinasabi sakin. Andito naman ako para pagsabihan mo ng problema eh, bakit ayaw mo sabihin? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan pa?"
"Hindi sa ganun, ayaw ko lang madamay ka pa. Sorry. Nagiging makasarili na naman ako. Wag ka mag alala, aayusin ko na lahat ng to."
Pagkatapos nun, nagyakapan kaming tatlo nila Mama, ang sarap sa feeling na maayos na kaming lahat. Pero teka? Pati ba sa family issues kailangan andito si Ryan? Hindi sa ayaw ko pero hindi ba dapat private na to?
"Ryan, hindi sa ayaw kita nandito pero bakit ka andito? I mean? Dito pa sa bahay ng relatives namin. Bakit dito pa tayo, humingi ng tawad sa isa't isa? Pwede naman sa bahay ah."
"Hindi lang naman kasi yun ang pakay namin, may iba din kami gusto sabihin sayo" sabi ni Ryan
"Teka? May hindi pa ba ako alam dito?"
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Mama at napalingon agad ako sa kanya
"Mama?"
Pero isang malungkot na tingin lang ang ibinalik niya sakin
"Yans?"
Nakalingon siya pero agad agad umiwas.
"Ryan? Ano bang meron?"
"Napag-pasyahan kasi ni Yanna na hanapin na yung tunay niyang mga magulang"
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, parang parang parang ayoko muna mangyari yun. Ayoko muna mahanap niya yung mga magulang niya. Oo tawagin niyo na akong makasarili, pero bakit ba? Kukunin lang nila si Yanna samin, matapos nilang ipagtaboy tsaka sila babalik? Ayoko pa.
"Ano? Hindi pwede! Ayoko pa!"
"Alam namin ganyan magiging reaksyon mo, pero sana intindihin mo naman si Yans, matagal na siyang nangungulila sa mga magulang niya." bilis na sagot ni Ryan
"Bakit? Hindi pa ba kami sapat sayo ha? Ayaw mo na ba samin?"
"Kath, hindi sa ganun. Mahal ko kayo, mahalaga kayo sakin kasi kayo yung pumalit sakanila, kayo yung nandyan sa panahon na kailangan ko sila. Pero sana maisip mo din, iba pa din yung makikilala ko sila, iba pa din yung makausap ko sila, yung makita ko sila" agad na sabi ni Yanna
"Siguro nga, siguro panahon na para hanapin natin yung mga magulang mo"
Matapos ang ilang usapan, napagpasyahan namin umuwi na. Si Yans at Ry doon na sa sasakyan ni Ryan, inaya niya kami ni Mama pero tumanggi kami "privacy" na nila yun. Kaya nag commute nalang kami.
Pagkauwi, umakyat agad ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Binuksan ang laptop at nag online sa skype, nasabi kasi sakin na mag oonline daw si Papa sa skype. Titignan ko lang kung bukas na siya. At bukas nga!
BINABASA MO ANG
"My First Love"
Teen FictionNung una naniniwala ako sa kasabihan na first love never dies, pero simula nung saktan at iwan niya ako? Nagbago lahat ng paniniwala ko dahil sa kanya, dahil din sa kaya binago ko ang ugali ko, ang sarili ko, at ng dahil sa kanya ayoko ng magmahal p...