Chapter 12* Throwback

58 4 0
                                    

Jem's POV

One month kaming nag-stay sa resort dito sa Laguna. Ang Isang linggo ay naging isang buwan dahil narin nagustuhan namin yung pakikitungo ng mga tao dito

samin.

Pinadala dito ng mga parents namin yung iba pa naming gamit kasi nga ang akala namin eh linggo lang ang aabutin dito.

Ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa kwarto namin at gumagawa ng kung anu-ano. Nag-momovie Marathon kami then nag-open ng kanya kanyang Facebook accounts.

"Uy Beh, Nakakatawa yung mga pictures natin dito nung Valentine's Ball" sabi ni Aleish.

"Patingin nga??" sabi ko naman.

"Hmmm.. Hahahahha.... Ang epic ng mga mukha. Hala pasa mu sakin gawin nating 4 pics one word, hahaha" sabi ko.. puro kasi mga stolen shots yung nakalagay, sino kayang walangya ang nag-post nito?.

"Gaga! Ikaw na lang!" sabi naman ni Rica habang nagbubuting ting ng mga gamit na ipinadala sa kaniya,

"Uy, Tingnan niyo oh. Nasa akin pa pala yung result ko  nung NCAE nating nung 3rd year pa tayo. Pano kaya toh napasama dito?" sabi ni Rica habang hawak niya yung isang lumang pirasong papel, ayun ata yung binubutingting niya kanina pa.

"Ahh, Yung sakin, nasa akin padin eh.. Hahaha. Tinago ko nakakatawa kasi yung mga results nun. Grabe nakakatawa nga eh, pano kasi  ang no.1 ko nun eh 'Spiritual Vocation',  pwede akong magmadre! Hahaha!" sabi ni Andrea.

"Hahaha. Yung sakin kamo pag-aartista pwede ring mag-direktor. Basta antayin niyo nalang ang pagsikat ko!" sabi naman ni Naehl.

"Hahaha, Libre mangarap friend! Ang layo nga nang kukunin nating course sa mga nakuha natin 'non eh!" sabi ni Andrea.

"Oo nga. Pero anong maganda sakin? Comedian o Dramatic Actress?" pagtatanong ni Naehl.

"Baliw! Mag-direktor ka na lang. Author ka naman eh!" sabi ni Aleish.

"Kaya nga nagtatanong eh! kulit nito." pagsagot sa sinabi ni Aleish.

"Teka, kanina pa kayo naggaganyanan. Anu bang nakuha ko noon?" pagtatanong ko. Nakalimutan ko na kasi eh.

"Aesthetics!" sabay-sabay nilang sabi.

"Kailangan, sabay-sabay? Pero oo nga noh, pagdidirector din yung sakin eh kaso hindi Actress haha. Tapos yung second choice ko eh pagmamadre din. Haha!" pag-aalala ko sa nakuha ko nung result.

"Uy, speaking of Pagma-madre. Hindi ko kamo ine-expect na yung 'The 4 Crazy Ladies' Makadiyos pala! hahaha!" sabi ni Andrea.

"Bakit??!" sabay-sabay naming tanong.

"Pano kasi, wala sila nun sa mga upuan nila. Ewan nagplaplano ata..Eh since dakila akong pakielamera, tiningnan ko yung result nung sakanila. Grabe kamo yung no.1 nila 'Spiritual Vocation' din. Haha, mga maka-diyos din pala yung mga yun!" sabi ni Andrea.

"Hahaha. Baka pag nag-madre sila wala nang magsimba! hahaha!" sabi ni Naehl.

"Grabe, nakakatawa sila. Eh ito.. Kung yung apat eh maka-diyos, Si Rica hulaan niyo?" Pagsasabi ko.

"No.10 kaya sakanya yon. Haha. Grabe napaka-makadiyos mo friend!" sabi ni Aleish.

"Uy, hindi naman ibig sabihin non, hindi na'ko maka-diyos. Grabe kayo!" sabi ni Rica.

"Haha na lang!" sabi namin lahat.

"Uy, pero sure na tayo sa mga kukunin nating mga course ah.. Photography lahat ah!!" sabi ni Andrea.

"Geh,geh =__=" poker Face kong sagot.

"Baliw!" sabi sakin ni Andrea.

"Bakit? sumagot naman ako ah..! sabi ko.

Playing their IDENTITIES?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon