Chapter 19* Xyq

33 3 0
                                    

Brant's POV

Andito kami ngayon sa Bar nina Lelouch. Mga Baliw ayaw daw nila pumasok dahil tinatamad.. Dahil isa akong dakilang masunurin, Gumaya ako! Wala eh, iba talaga pag gwapo!

Pero Syempre Joke lang yun maliban dun sa word na 'Gwapo' ang totoo niyan may problema talaga si Lelouch.

"Pre! Bakit siya pa? Bakit sa dinami-dami sya pa? " sabi ni Lelouch habang tumutunga ng alak.

"Ayos lang yan mapapalitan pa naman yan eh!" sino paba ang magpapayo niyan.. edi yung kaugali si Amiel. Si Cody lumabas muna dahil naasiwa daw sa BroMance nung dalawa..hahaha

"Anu bang ginawa ko para gantuhin ako? Minahal ko naman siya ah, pero bakit.. bakit nagkulang ba ako?"

"Hindi ka nagkulang Pre, nasobrahan ka lang!" Pftt.. Kanina pa ako tawang-tawa sa dalawang to! gusto niyo bang malaman kung anong pinoproblema ni Lelouch?, Actually kung ako yung nasa posisyon na siguro maiintindihan niyo siya.. pero, pero.., Basta pano kasi na overfeed niya yung pusa niya ayun Dedo! joke ayun nasa ospital ng mga Hayop alangang Tao? Hayst, No comment na nga lang!

Hinayaan ko muna sila sa mga nararamdaman nila sa buhay nila, Ngayon alam ko na bakit umalis Cody..hahaha. Magche-check na nga lang ako ng Facebook ko baka may Chicka Babes dun.. Tagal ko na din walang nakakasamang babae noh,

Grabe andaming nagmessage sakin.. Putek tama hinala niyo.. Puro Babae ko yung nasa message.. hahaha inaantya siguro nila ako sa Condo ko sorry sila lumipat na ako.. Marami na kasing nagpapatauang babae sa Condo na yun eh.

Habang nakikibalita ako sa newsfeeds ko biglang may nag POp na message sakin. Si Claudine.

Claudine: Hello! Kamusta ka?kamusta  kayo jan? Kamusta Siya? Sorry busy talaga ako sa mga nagyayari sa Career ko.. hehe Balita naman jan oh!

Typing...

*PoP*

Claudine: Ang bilis no? 2 months na gad ang nakakalipas masya ba kayo jan? kasi ako wala akong mga kaibigan dito snobero silang lahat..haha

Oo nga noh, 2 months na ang nakakalipas. I think she's really busy kaya ngayon niya lang kami naka-kamusta, Pero sa loob ng dalwang buwan na yun kami lang ang laging nakakausap ni TJ. Never ko yang nakausap sa ibang babae mukhang loyal talaga ang loko.

Me: Ayos lang kami, Mukhang mahal ka pa nga rin ng loko eh.. Hindi ko pa yun nakikitang nakikipag-usap sa ibang babae mukhang loyal sayo.. hahaha.. Gusto mo ba mag Chat na lang kayo ang hirap kaya maging kupido dito..hahaha..

✔Seen by Claudine.

Teka ano to? Seenzoned na lang ba ako ngayon? Haayy mukhang hirap pa magdesisyon ah..

Hinayaan ko na pang muna siya bala siya mag hahanap na lang ako ng--*POP*

Claudine: Sorry tinawag ako ni Direct...  Hmm.. Sige Plissss.. Gusto ko rin talaga siyang makausap.  Io-open ko na lang skype ko.. Geh tawagan mo na siya.. Yiiee.. Im excited makikita ko ulit si TJ ko..

Psh.. Sila na Love birds Psh, Teka anong oras na ba? hmm.. Okay sakto lunch Break matawagan na nga..

Calling TJ-utot...

Playing their IDENTITIES?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon