Chapter 22

14 0 0
                                    

Nandito parin ako sa bahay nina ehem.. Amiel kung akala niyo natatapos na yung pagiging nga nga ko sa bahay nila grabe namangha ako sa iba't- ibang sasakyan meron sila, tawa ng tawa tong katabi ko dahil parang amaze na amaze ako.. Well totoo naman talaga!

Nakarating kami sa Auditorium ng bahay nila .. ang laki! yan lang pang ang masasabi ko, parang apat na sala na ata namin to!

"So, ano nang gagawin natin?" Pag-uumpisa niya.

"Maghanap na tayo ng mgandang kakantahin!" Lyndon

"Hmm.. I go some research on the youtube and I think mas maganda kung 'let her go' ng the Script!" Sabi ni Andrea.

"Maganda yung song nayan, so ano okay na sa inyo ang kantang yan?! Ireready ko na yung mga instruments!" Sabi ni Amiel at umalis na. Ako? Wala lang ako dito kumbaga display lang ako. Haha

--

Nag-uumpisa na sila pero haayy, ihing ihi na ako... san ba kasi CR dito?

Nilapitan ko ng palihim si Amiel, "huy, san CR niyo dito?"

"Siga ah.. di na nagbago! Psh"

"Sabihin mo nalang!" Ang hirap naman magpigil oh.

"Psh, duon nakikita mo yung malaking aquarium sa likod nun may pintuan pasok ka dun tas liko sa kaliwa dun na!" Watta? Ang layo naman CR nila, samin nga walk in distance lang, iba pa talaga pag Rich kid.

Dahil ihing ihi na nga ako, umalis na ako at hinanap ang CR .

--

Kanina pa ako nandito sabi niya sa likod lang daw ng aquarium eh.. ang dami pa palang pinto dito. Hayst.

"Asan na ba kasi yun?" Haay,bat kasi ang laki nito??

**
Amiel.

Kanina pa yon ah? Wala pa ba siya? Ang dali dali ng naman yung direction na sinabi ko ah?

"Nasan siya nakita mo na?"

"Wala pa nga eh baka naligaw na yun, teka hanapin ko lang!"

"Naku na-Mangyan na naman si Ricatot!" Sabi nung kaibigan niya ata to. Sorry di ako magaling sa memorizing eh.

"Haha, Oo nga sa laki ba naman bahay niyo.. haha! Pero Pre pakihanap yun mamahalin ko pa yun eh! Bwhhah-aww sakit naman nun ate Andrea!" napatawa nalang ako sa kanila, pero teka? Mamahalin? Sino? Si Rica? Psh.

--

Rica .

Sa wakas, I made it nakita narin kita.. whoo dito lang pala sa malapit pinalayo ko pa sarili ko, hays!

Sinarado ko na ang pintuan at ginawa and dapat kanina pako tapos!

Haayy, sarap sa fee-"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" P-panong? Huwaaaahhh...

"Ay s-sorry!" Sinarado niya bigla yung pintuan.

Nanginginig sa hiya akong tumayo at dahan dahan binuksan ang pin-"Nandito ka pa din?!" Napasigaw na tuloy ako sa gulat pano ba naman kasi nakita niya akong.." Ahm, pag nakalimutan mo may tissue jan sa gilid" "aaahhhhhh! Bastos ka!" nakita akong umiihi.. waaaahhh give me a break!! Bat ba kasi hindi ko nilock yung pinto?? Waaahh...

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng..
"A-ahh, ehhh.. A-ano b-baka kasi maligaw ka ulit, K-kaya hinantay kita!"

"Walangya ka!! Bastos bastos, hindi ka pa nakunten--hmm " Syete ano tong nangyayare? Ang alam ko lang .. pero bakit? Bakit nakalapat na yung labi niya sa LABI KO??!

"AaAaahhhhhhhh!!!" *pak sampal ko sa kanya .

"M-manyak! bakit mo ginawa yon?"

"Ang ingay mo kasi eh!" Agad nanlaki ang mata ko.. ganun lang? Naiiyak na ako.. wala na yung first kiss ko.. wala na.. wala-

"Hoi wag ka nang umiyak.. s-sorry na!" Hahawakan niya sa na ako pero tumakbo na ako. Nahihiya na talaga ako.

Spell Awkward.. Kami na agad ang sasabihin.

"Uy Rica kanina ka pa--"

Hindi ko na sila pinakinggan at tumakbo na ako ito yung pinaka ayoko eh. Nahihiya na talaga ako... Arrgh.

**
Andrea.

Busy kami sa pagkwekwentuhan ni Lyndon akalain mo nakauwi na pala yung gago. Haha Close kami niyan pano kasi hindi niya rin sakin nagagawa yung mga alam niyo na. Haha, Isa pa alam ko ding may gusto yan Ricatot haha manhid lang yung babaeng yun at sadyang torpe tong lalaking kasama ko ngayon.

Nag-aayos kami ng mga gagamitin ng biglang nakita ko si Rica na nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya. Tingnan moto kanina pa namin hinahantay..

"Uy Rica kanina ka pa namin hi-nin--tay?" San punta nun?

"Anong nagyare kay Rica Beybeh ko?" Binatukan ko nga. Sira talaga.

"Oh Amiel, alam mo ba kung--"

"Nasan siya??!" Nabigla naman kami dahil .. "nasan siya?!"

"Duon.. "sabay turo ko sa pinto "lumabas, ewan ko nga ano bang nangyare? Huy may practice pa tayo bumalik ka!" Ano ba talagang nangyare?. may marathon ba? Bat ba sila natakbo?

Naiwan kami ni Lyndon ng naka-nganga!! Anyare ang alam ko practice to ah?. Cliff hanger na naman ako..

Playing their IDENTITIES?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon