Click the star icon to vote :)
Chapter 2: Crush
"Ano na naman 'yang itsura mo? Mukha kang Christmas tree. Magpapasko na ba?" tanong ni Dale sa kaibigan.
"Hoy! Tigilan mo nga ako sa panlalait mo! Anong Christmas tree ka dyan? Ang cute nga eh."
"Cute? Pailawin ko na ba 'yang mga burloloy mo sa katawan?" natatawang sinabe nito.
Sumimangot si Kathryn. Ang aga aga nilalait na siya ng kaibigan. Tuwing Wednesday ay washday nila kaya naman hindi nila kailangang magsuot ng uniform. Ginagamit naman iyon ni Kat na araw para makapag-ayos at mapansin siya ni Keano. Kaklase na kasi nila si Keano ngayong semester kaya gumagawa na talaga siya ng paraan para mapansin nito. Hindi niya kasi alam kung ano ang gusto nito sa babae kaya lahat ng klase ng ayos na pwede niyang gawin ay ginagawa niya.
Tinalikuran niya ito at nauna siyang maglakad. Agad naman sumunod si Dale at inakbayan siya.
"Ano na naman ba kasi ang theme ng suot mo ngayon?" tanong ni Dale.
"Kikay. Ang hirap naman kasi eh. Kahit anong gawin ko, hindi niya ako napapansin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niya sa babae."
Ginulo ni Dale ang buhok ni Kathryn.
"Ano ba?! Nageffort pa ako magkulot ng buhok ko tapos guguluhin mo lang!"
"Ang kulit kulit mo. Bakit ba kasi ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya?"
"Hindi naman ah? Gusto ko lang naman na mapansin niya ako. Kahit na simpleng pagkausap niya lang sa 'kin, masaya na ako. At least, hindi na ako invisible sa kanya non. Alam niya na nageexist ako."
"Kapag napansin ka na niya, titigilan mo na ba yan?"
"Oo. Gusto ko lang na makilala niya ako kahit sa mukha lang."
"Sige, pagbibigyan kita sa ngayon. Sana huli na 'to."
Habang naglalakad sila ay pinagtitinginan sila ng iba dahil sa suot niya. Kung ano ano kasi ang burloloy niya sa katawan at nasobrahan na ito.
"Panget ba talaga?"
Nagkibit balikat lang si Dale at nauna siyang maglakad papunta sa classroom nila. Pagdating niya doon ay nakaupo sa lamesa si Keano at naggigitara ito kasama ang mga kaibigan. Umupo na lang din naman siya sa pwesto niya at hinintay na dumating doon ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?