Chapter 23: Answers
ILANG ORAS NANG naghihintay si Kathryn sa lugar kung saan sila dapat na magkikita ni Dale. Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno nang maramdaman ang unti-unti na pagbuhos ng ulan. Napatingin siya sa relo niya. 9:35 na ng gabi to be exact. 25 minutes na lang at kailangan niya ng umalis doon kagaya ng sinabi niya kay Dale na hanggang alas diyes lang ng gabi niya ito hihintayin dumating man ito o hindi.
Napayakap siya sa sarili. Giniginaw na siya dahil basa na siya ng ulan pero hindi niya naman magawang umalis doon dahil kailangan niyang hintayin ang pagdating ng kaibigan. Wala rin naman kasi na ibang masisilungan doon kung hindi ang mga puno lang at kung sakali man na umalis siya doon sandali ay baka naman dumating ito at akalain na wala siya doon.
Malakas ang kutob niya na darating si Dale kaya lalong hindi rin siya makaalis doon. Alam niya naman na kahit na magtalo sila nito ay hindi siya nito matitiis at kahit na wala itong balak na kausapin siya ay darating ito.
Darating siya, Kat. Darating siya. Kaunting hintay pa. sabi niya sa sarili.
Napapatalon talon na siya doon sa lamig. Nagkacountdown na nga lang siya hanggang sa unti-unting maubos ang 25 minutes na natitira sa kanya. Gusto niya ng umuwi at magpahinga. Gusto niya ng makaligo dahil nilalamig na siya at malakas pa rin ang buhos ng ulan hanggang ngayon.
"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. Times up," mahina niyang sinabi.
She let out a long sigh. Nadismaya siya because she expected too much. Tumalikod na siya mula sa kinatatayuan niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita doon si Dale. Basa rin ito ng ulan at may hawak ito na payong na halatang hindi rin naman ginamit sa kadahilanan na nakasara iyon. Kitang kita rin na tumakbo ito dahil naghahabol pa ito ng hininga.
"Dale..." mahina niyang sinabi pero sakto na ang lakas noon para marinig siya ni Dale.
"Yes, ako nga. I'm here. Nagdala pa naman ako ng payong but I guess I wouldn't be using this anymore since parehas tayong basa na sa ulan. Enjoy-in na lang natin ang paglalakad sa ulan."
Tumakbo papunta kay Dale si Kathryn at niyakap ito ng mahigpit na tila wala na siyang balak na pakawalan pa ito. She's just so happy to see him. Tama siya ng kutob at iniisip, darating nga ito. Siguro ay hindi niya lang ito agad na nakita dahil nakatalikod siya at nakaharap sa puno.
"Thank you, Dale. Akala ko hindi ka na talaga makakarating."
"Nagkaroon lang ng aberya kaya ako sobrang nalate. Nakaabot naman ako bago ka umalis, 'di ba? That's all that matters. Sinipot pa rin kita. Oh, tama na ang tsansing. Bitawan mo na ako."
Sinubukan niyang itulak si Dale pero imbis na maitulak niya ito ay siya pa ang nawalan ng balanse at muntikan na siyang matumba. Good thing, nasalo siya kaagad nito. Hindi man gaanong naglapit ang mukha nila, kinilig pa din siya sa simple act na 'yon. Agad rin siya nitong hinila patayo at naglakad na sila papaalis doon.
Tahimik lang sila at walang nagsasalita. Hindi niya tuloy maiwasan na titigan na lang ang matalik na kaibigan. Kahit na madilim sa daan, maliwanag pa rin naman ang light posts doon kaya kahit papano ay nakikita niya ng maayos ang mukha nito. Walang makikita na bahid ng kalungkutan dito at mukhang hindi siya galing sa breakup kagaya ng inaasahan niya. Nagbreak na nga kaya sila ni Ayie o napurnada din iyon? Napakinggan kaya nito ang voice recording na ibinigay niya o hindi? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip niya pero hindi niya magawang unahan ito sa mga tanong. Gusto niya lang na magkwento ito ng kusa.
"Bakit ka nagpakabasa sa ulan? Dapat sumilong ka na muna. Ang dami namang mga pwede masilungan dito sa labas."
"Baka kasi bigla kang dumating at akalain mo na wala ako doon. Ikaw, bakit ka nagpakabasa sa ulan eh may payong ka naman?"
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?