[ 8 ] Study Buddy

4.2K 81 6
                                    

Chapter 8: Study Buddy

Lumabas na ang mga grades nila sa iba't ibang subjects para sa Prelims nila. Hindi inaasahan ni Ayie na magiging kakompetensya niya si Dale pagdating sa grades. Masyado niya itong minaliit at akala niya ay pa-easy easy lang ito kagaya ng kaibigan nito. Normal na estudyante kumbaga. Hindi niya inaasahan na matalino pala talaga ito kahit na mukha nga naman itong matalino.

Naglalakad si Ayie palabas ng school nang makita niya na mag-isa rin na naglalakad si Dale. May mga dala dala itong gamit. Agad niya itong nilapitan at inagaw ang ilan na dala nito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Dale sa kanya.

"Uh... helping you?" patanong na sagot nito.

Inagaw ni Dale pabalik ang mga dinadala niya.

"Hindi ko na kailangan ng tulong mo. Kaya ko na 'to mag-isa. Umuwi ka na lang muna."

"Itinataboy mo ba ako?"

"Hindi. May sundo ka, 'di ba? Baka hinahanap ka na."

"No, it's okay. Sinabihan ko na 'yung sundo ko na hindi ako sasabay ngayon dahil may kailangan pa akong gawin. Tutulungan na kita."

Iniabot ni Dale ang ilan sa mga dinadala niya kay Ayie at sabay silang naglakad. Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Bigla na lang siya nitong kinausap. Mula kasi nang matapos nilang gawin ang project nila ay balik na naman sila sa dati. Hindi na siya nito kinakausap o pinapansin. Ni hindi rin siya nito tinitingnan kung hindi naman kailangan. Kaya naman ngayon, napapaisip siya kung ano ang nakain nito at kinakausap siya nito ulit.

"Isn't it surprising?"

Hindi sumagot si Dale sa tanong ni Ayie at hinihintay niya ang kasunod na sasabihin nito.

"Bigla na lang akong lumalapit sa 'yo. Ang tagal din kitang hindi kinausap tapos ngayon, kinausap kita at tinulungan pa."

"May kailangan ka siguro sa 'kin."

"Well, you can say that."

Natigilan sa paglalakad si Dale nang marinig iyon. Ayaw niya sa lahat ay iyong ginagamit siya.

"It's not what you think, Dale. Lahat naman siguro ayaw na ginagamit sila at alam ko din ang pakiramdam na maganon kaya ayaw kong gawin 'yon sa iba."

"Pero bakit--"

"I want to be your friend, Dale. Kailangan ko ng friendship na ikaw lang ang makapagbibigay."

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon