Chapter 4: New Friend
Mag-isang kumakain ngayon sa cafeteria ng school nila si Kathryn. Wala kasi doon si Dale dahil may inaasikaso ito.
Kahit pala nakakaasar 'yung best friend ko na 'yon, nakaka-miss pala kapag wala siya. Ang hirap maging loner.
Nagulat na lang siya nang may biglang humatak ng isang upuan at tumabi sa kanya.
"K-Keano?"
"Hi!" nakangiting sinabe nito.
Nanlaki ang mata niya dahil doon. Hindi niya inaasahan na ang crush niya pa mismo ang lalapit sa kanya para kausapin siya. Hindi rin siya makapaniwala na kinakausap siya nito.
"H-Hello."
"Okay lang ba sumabay sa 'yo kumain?"
'S-sasabay ka?" nauutal na tanong niya.
"Kung okay lang sa 'yo."
"Sure."
Inilapag nito sa lamesa ang pagkain na binili niya at sumabay kay Kat sa pagkain.
"Kathryn, 'di ba?"
"O-oo, Kathryn nga."
"Friends?"
"Totoo ba 'yan?"
"Ayaw mo ba?"
"Syempre gusto ko!"
Biglang namula si Kathryn dahil doon.
"Bakit ka namumula?"
"Namumula? H-hindi ah!" depensa niya.
Napangisi ito sa reaksyon ni Kathryn. Natutuwa siya sa itsura nito. Kahit na halata na kasi ang totoo ay nagdedeny pa ito. Tumungo na lang si Kathryn at kumain para itago ang pagkakilig. Gusto niyang tumili sa sobrang pagkakilig. Para siyang na-starstruck dito.
"Bakit mag-isa ka yata ngayon?" tanong ni Keano.
"Busy kasi si Dale. Babalik din naman siya mamaya. Ikaw? Nasaan na 'yung mga kaibigan mo?"
"Busy sila sa mga girlfriend nila."
"Wala ka bang girlfriend?"
"Wala. Bakit? Interesado ka?"
"Bakit naman? Hindi kita type ano!" pagsisinungaling niya.
"Ganun ba? Ibig sabihin mga kagaya ni Dale ang gusto mo?"
"Eh?"
Inilapit ni Keano ang mukha niya kay Kathryn na ikinagulat ni Kathryn. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
"May tinatago kayo ni Dale ano? Siguro boyfriend mo siya at ayaw mo lang sabihin."
"Asa! Hindi ako magkakagusto sa nerd na 'yon! Hindi ko siya type."
Tumango tango na lang si Keano at bumalik sa pwesto niya.
"Kung ganun, ano ang gusto mo sa lalaki?"
"Syempre, gwapo, matangkad, maputi, malakas ang dating, medyo bad boy, makulit at huli sa lahat, 'yung gusto din ako."
"Parang ako lang ang dinescribe mo ah? Mukhang nagmamatch lahat ng 'yon sa 'kin."
Napaisip bigla si Kathryn sa sinabe ni Keano. Nanlaki ang mata niya nang maisip ang huli niyang sinabe.
''Yung gusto din ako.' May gusto sa 'kin si Keano?' tanong niya sa isipan niya.
Keano snapped his fingers para maagaw ang atensyon ni Kathryn.
"May mali pala doon, wala akong gusto sa 'yo pero lahat ng 'yon, nagmamatch sa 'kin. Wag ka mag-isip ng kung ano."
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?