Chapter 21: Phone
"I'M BREAKING UP with him this coming weekend," sabi ni Ayie sa kausap nito sa phone.
Nakangiti pa ito sa kausap na parang wala lang sa kanya ang sinasabi... na parang napakadali lang sa kanya ang gagawin. Nakaupo siya ngayon sa isang upuan sa loob ng isang milk tea shop sa mall na malapit sa school na pinapasukan nila. Tapos na ang klase nila pero imbis na umuwi ay doon siya nagpahatid sa driver niya. She is pertaining to Dale. Kagaya ng original plan, hihiwalayan niya ito kapag paniwalang paniwala na ito sa kanya at kapag nahulog na ng tuluyan ang loob nito sa kanya at ngayon ang tamang oras para doon.
Noong lunch break nila sa school ay nag-usap sila ni Dale tungkol kay Kathryn. Paniwalang paniwala si Dale sa mga ipinapakita sa kanya ni Ayie at wala pa rin itong kaide-ideya na totoo ang sinasabi ng best friend niya sa kanya. Alam niya naman kasi na may iringan ang dalawa at mula pa noon ay hindi ito magkasundo. Nakikita niya man na nag-uusap ito ng maayos sa harapan niya, ramdam niya naman ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ngayon, gulong gulo na si Dale kaya naman naisipan niyang kausapin si Ayie pero idineny lang nito ang inaakusa sa kanya ni Kathryn na agad rin naman na pinaniwalaan ni Dale.
Paano nga ba naman ito maghihinala at magtataka kung sa mga ikinikilos ni Ayie sa tuwing kasama niya si Dale, mukhang totoo ang lahat. Sweet at maalaga ito sa kanya. Nagawa pa nga siya nitong ipakilala sa pamilya niya kaya naman hindi niya magawang isipin na totoo ang ibinibintang ni Kathryn sa girlfriend niya. Isa pa, masyado niya itong mahal at kung sakali, hindi niya rin ito makakayang iwan.
Unang girlfriend ni Dale si Ayie. Sabi nga nila, iba talaga kapag first love mo. Unang kita niya pa lang dito ay nagustuhan niya ito. Hindi niya naman pinangarap na maging boyfriend nito at masaya na siya na kahit papaano ay nakilala niya ito. Bonus na lang na naging girlfriend niya ito kaya hindi niya ito papakawalan kahit na ano pa man ang mangyari. Oo, mahalaga din para sa kanya ang best friend pero alam niya naman na palagi lang nandyan si Kathryn sa tabi niya at hindi siya nito hahayaan kahit na ano man ang mangyari.
"Mahirap? Mahihirapan lang naman ako makipaghiwalay sa kanya kapag naging clingy siya. Don't worry, kung hindi niya ako papakawalan, hahanap ako ng butas para maghiwalay kami," she continued.
Ininuman nito ang milk tea na binili niya habang nagtitingin tingin sa paligid. May hinihintay ito doon pero habang wala pa ay tinawagan nito ang isa sa mga kaibigan niya para pagkwentuhan.
"He believes everything I say. I can't imagine how Kat looks like when Dale chose me over her. May lamat na ang friendship nila, ano. 'Yun lang naman ang isa ko pang gustong gawin eh. Nag-away na sila because of me."
Napayukom ang kamao ni Kathryn nang marinig iyon. Napakasama nito para gawin iyon sa best friend niya na wala namang ginawa kung hindi mahalin siya. Siguro kung sila lang ni Dale, hindi iyon mangyayari at hindi niya rin sasaktan ng ganoon ang kaibigan.
Kanina pa nakasunod si Kathryn sa kanya. Gusto niya kasi itong mahuli sa akto at hanggang maaari, hahanap siya ng ebidensya na maipapakita niya kay Dale para mapatunayan na niloloko lang siya nito at gusto niya rin malaman kung ano pa ang tinatago o pinaplano nito.
"I'll talk to you later, he's here," pagpapaalam nito sa kausap.
Kumaway si Ayie kaya naman napatingin si Kathryn sa kung saan ito kumaway. Nakita niya doon si Keano na papalapit kay Ayie. Mas lalong nagtago si Kathryn dahil baka makita siya nito. Lalo rin siyang natakot nang mapatingin ito sa pwesto niya pero alam niya na hindi siya nakita nito base sa reaksyon nito. Nginitian nito si Ayie nang makalapit siya dito.
Keano? Anong ginagawa niya rito? Kasabwat siya ni Ayie? tanong ni Kathryn sa isipan.
Nakatayo lang si Keano sa harap ni Ayie at nakataas ang kilay ni Ayie habang nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?