Chapter 19: Miss
Hindi alam ni Kathryn ang gagawin. Nakatayo lang siya sa labas ng bahay nina Dale pero wala siyang ginagawa doon. Mga limang minuto na din siyang nakatayo at nakatingin sa bahay nila pero hindi siya kumikilos o umaalis sa pwesto niya.
'Sasabihin ko na ba talaga o hindi?' tanong niya sa isipan.
Naglakad siya paalis doon. Parang nawalan siya ng lakas na loob na ipagtapat kay Dale ang lahat. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan dahil baka makaapekto iyon sa pag-aaral nito.
'Hahayaan mo lang ba siyang masaktan, Kathryn? Kawawa naman siya. Ginagamit lang siya ni Ayie. Palalagpasin mo lang ba iyon?' tanong sa kanya ng isipan niya.
Naglakad na naman siyang muli pabalik sa pwesto na kinatatayuan niya kanina. Kailangan niya ng kausapin si Dale. Huminga muna siya ng malalim.
'Baka isipin niya na sinisiraan mo lang si Ayie sa kanya. Baka dahil don mag-away kayo at layuan ka niya ulit. Masasaktan ka na naman ng sobra' sabi ng puso niya.
Napakamot siya ng ulo. Gulong gulo na siya. Aalis na sana siya doon pero natigilan siya nang may magsalita.
"Kathryn, ikaw ba 'yan?"
Dahan dahan siyan napatingin sa babaeng nagsalita, ang mommy ni Dale.
"Ah eh... Hi tita! Ako nga po."
"Anong ginagawa mo dyan sa labas? Bakit hindi ka pumasok sa loob?"
"Napadaan lang po kasi ako. Hindi naman po talaga--"
"Tara sa loob. Saktong sakto at nagluto ako ng carbonara. 'Di ba paborito niyo ni Dale 'yon?"
"Ah.. O-opo, tita."
Mas nilapitan siya ng Mommy ni dale at saka siya nakipag-beso dito. Hinawakan din siya nito sa magkabilang balikat at itinulak papasok sa loob ng bahay nila.
"Kumain ka na muna dito bago ka umuwi. Ipapahatid na kita kay Dale at dumidilim na."
"Hindi na po, okay lang ako."
"Nahiya ka pang bata ka. Noon, gustong gusto mo na hinahatid ka ng anak ko. Hindi ka naman na bago sa 'min."
"Tita, okay lang po talaga ako. Hindi na po kailangan."
"Hindi ako papayag. Umupo ka na, wag ka na mahiya."
Sapilitan siyang pinaupo nito sa sofa at saka tinabihan.
"Bakit ka ba nahihiya sa 'min ngayon? Naninibago ako sa 'yo, iha."
"May girlfriend na po kasi si Dale eh--"
"Ah, oo nga pala! May girlfriend na 'yung batang 'yon. Sayang naman at ikaw sana ang gusto ko para sa anak ko. Kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanya. Hindi ko pa nakikita 'yun eh. Hindi rin nagkekwento sa 'kin 'yang si Dale. Mamatay matay na ako sa curiosity tungkol sa girlfriend niya."
"Okay naman po siya tita."
"Ayun lang? Sabihin mo naman sa 'kin kung ano ang itsura niya. Maganda ba siya? Maputi? Matangkad? Matalino? Mabait?"
Kitang kita sa mukha ng mommy ni Dale ang pagka-curious. Talagang kitang kita na naeexcite ito na pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Halatang halata na interesado talaga ito na makilala ang girlfriend ng anak.
Sa totoo lang ay ayaw ni Kathryn na pag-usapan si Ayie. Alam niya ang totoo. Ayaw niya naman na siraan ito sa mommy ni Dale. Ayaw niya rin naman na malungkot ito kapag hindi siya nagkwento kaya wala siyang choice.
"Maganda siya, maputi, matangos ang ilong, matangkad at matalino,"
Napangiti ang mommy ni Dale sa narinig. Nasatisfy siya sa naging sagot ni Kathryn. Hindi niya inaasahan na ganoon ang girlfriend ng anak. Inaasahan niya kasi na simple at plain lang ito o kaya naman kagaya din ni Kathryn.
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?