[ 17 ] Father

2.6K 65 9
                                    

Chapter 17: Father

Nagtatago pa din si Kathryn nang mapansin niya si Ayie na naglalakad na. Madali niya itong nilapitan at hinila papasok sa loob ng building ng school at pumasok sila sa loob ng isang classroom. Inilock kaagad ni Kathryn ang pinto.

"What the hell are you doing?!" tanong ni Ayie kay Kathryn.

"What the hell am I doing? Hindi ba dapat sa 'yo ko tinatanong 'yan?!"

Nilapitan ni Ayie si Kathryn at tinaasan ito ng kilay.

"You overheard us talking, don't you?! Or maybe sinadya mong makinig sa usapan namin. Napaka-low class mo talaga. Chismosa."

"Anong sinabi mo?! Low class? Ako? Hindi ba ikaw 'yon?"

"Oops. Nakalimutan ko na sanay ka nga pala sa pakikipagtalo at kapag nagsasagutan, hindi ka nagpapaawat kaya hindi na ako makikipagtalo pa sa 'yo. I will not stoop down to your level."

"May stoop down stoop down ka pang nalalaman dyan. Akala mo ikinaganda mo 'yan? English ka ng english dyan."

"Because I'm capable of. Palibhasa kasi, mahina ka sa English."

Hindi alam ni Kathryn kung bakit sa tuwing kaharap niya si Ayie ay palagi siyang natatalo. Talo.. hindi dahil sa wala na siyang maisagot dito kung hindi dahil mas napipikon siya.

Mula pa lang talaga noong una niya itong nakilala ay hindi na talaga maganda ang impression niya dito at habang tumatagal mas napapatunayan niya na masama talaga ang ugali nito. Kaya naman pala kahit na ano ang pilit niya na magustuhan ito, wala pa ding epekto dahil kahit kailan ay hindi talaga sila magkakasundo nito.

"Why did you bring me here? Tutunganga ka na lang ba dyan?"

"Anong paghihiganti ang sinasabi mo?"

"Narinig mo pala ang lahat? You shouldve made us feel your presence. 'Yan tuloy, nahuli mo ako."

"Wag ka na ngang magpaligoy ligoy! Sagutin mo ang tanong ko!"

"Napaka-impatient mo naman, Kathryn," mahinahong sinabi ni Ayie.

Lalong naiinis si Kathryn. Parang pinapahaba lang ni Ayie ang pag-uusap. Nagulat siya nang itulak siya nito.

"Naghihiganti ako. Tama ka ng narinig. Ano naman ngayon? Wala kang laban sa 'kin."

"Ano bang nagawa ko sa 'yo? Sa pagkakaalam ko, wala akong atraso sa 'yo o--"

"Ikaw! Panira ka ng plano. Wala pa nga ako sa climax ng binabalak ko, nahuli mo na ako. Tutal nandito na lang din naman tayo, magkaaminan na tayo. Oo, tama ka. Wala kang atraso sa 'kin pero 'yang tatay mo, malaki ang atraso hindi lang sa 'kin kung hindi pati sa nanay ko!"

"Mabuting tao ang tatay ko! Wala siyang ginagawang masama kahit na kanino!"

"Mabuti?" natawa si Ayie. "Oh yeah right. Mabuti sa inyo ng nanay mo dahil may kasalanan siya sa inyo at malamang, bumabawi lang 'yon!"

"Anong sinasabi mo?"

"Clueless ba kayo parehas ng nanay mo o ikaw lang ang clueless?"

"Hindi kita maintindihan."

Naguguluhan na si Kathryn. Ano ang meron sa tatay niya na hindi niya alam? Bakit parang galit na galit dito si Ayie na maging siya kailangan pang idamay?

"We're siblings. Half-sisters tayo."

Tiningnan lang siya ni Kathryn. Hindi niya alam kung matatawa ba siya dito o ano. Parang napaka-imposible nga naman kasi ng sinasabi nito dahil nag-iisa lang siya na prinsesa ng pamilya nila. Tumawa lang siya bilang sagot.

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon