Chapter 10: Alone
Ngayong araw na ito ay hindi sumabay si Kathryn sa kaibigan na si Dale sa pagpasok sa school. Hanggang maaari kasi ay gusto niya na muna na mapag-isa. Gusto niya ng katahimikan at kapayapaan kaya maging siya mismo ay tahimik lang.
Matapos ang gabing iyon kung saan siya sinaktan ni Keano, patuloy lang siyang umiyak at umiyak. Sarili niya ang sinisisi niya sa nangyari sa kanya. Nagagalit siya sa sarili dahil nagpaniwala siya sa mga pinagsasabi sa kanya ni Keano. Imbis na isip ang utak ang pairalin, puso ang pinairal niya kaya naman nasasaktan siya ngayon. Naiinis din siya sa sarili dahil masyado siyang nagpadala sa emosyon niya at hindi niya nabantayan ang mga salitang binibitawan niya. Napaamin tuloy siya nang wala sa oras.
'Paano na ako haharap kay Keano nito ngayon matapos nang pinagsasabi ko sa kanya? Nakakahiya talaga.'
Pagdating niya sa classroom niya ay nakita niya kaagad si Keano at ang dalawang kaibigan nito na kasama si Dale at nagkekwentuhan. Tiningnan siya ni Keano at ni Dale pero agad rin nilang inilihis ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagkekwentuhan. Umupo na lang siya sa upuan niya at tumungo.
'Kailan pa naging magkaibigan ang dalawang 'yon? Kung makapag-usap sila, akala mo ang close close nila,' tanong niya sa isipan niya.
Ngayon ay nagsisisi na siya sa ginawa niya. Ipinagtabuyan niya si Dale palayo sa kanya dahil masama ang loob niya. Ngayon tuloy ay wala siyang ibang makasama doon Hindi niya rin naman gusto na kasama si Ayie.
"A-Ayie.."
Tiningnan lang siya nito at tinaasan ng kilay. Hindi ito nagsasalita pero kita naman dito na naghihintay ito sa sunod na sasabihin niya.
"Close naman na kayo ni Dale, 'di ba?"
"Hm, I can't really say that were close but we are still getting to know each other more."
"Alam mo ba kung bakit niya kasama sina Keano?"
"Why are you asking me that? Aren't you his best friend? Why don't you ask him that?"
Sandaling tumalikod si Kathryn sa kanya at nag-make face. Napapahiya siya sa harap nito. Humarap siya kay Ayie ulit at ngumiti.
"Tingin mo ba tatanungin kita kung alam ko?" sabi niya habang nakangiti.
"You better ask him about that and not me."
"Kahit kailan, wala na talaga tayong pag-asa maging magkaibigan dahil dyan sa ugali mo. Siguro ang sweet mo kay Dale pero pagdating sa 'kin, ganyan ka." naiinis na sinabi niya. "Flirt," mahinang dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?