[ 16 ] Truth

2.7K 66 6
                                    

Chapter 16: Truth

"Oh my gosh! Have you heard the news? May girlfriend na daw si Keano!"

Napatingin si Kathryn sa mga babaeng nag-uusap. Alam niya naman na siya ang tinutukoy ng mga iyon. Napatungo siya at nagpatuloy sa paglalakad nang mapatingin siya sa lalaking umakbay sa kanya.. si Keano.

"A-anong ginagawa mo?"

"Sinasamahan ang girlfriend ko?"

"Bakit nakaakbay ka pa sa 'kin? Nakakahiya."

"Nakakahiya? Anong nakakahiya dito?"

"Pinagtitinginan kasi tayo ng mga tao."

Ayaw ni Kathryn na nang-aagaw ng atensyon. Sanay na siya na maging regular na student lang: Tahimik ang buhay, ginagawa lang ang gusto at nagpapakasaya na walang ibang iniintindi. Naninibago siya sa sitwasyon nila ni Keano. Nawala sa isip niya na kilala pala ito sa school nila.

"Wala namang masama doon ah? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Hindi ako sanay."

"You'll get used to it," nakangiting sinabi nito.

Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Dahil ba sa unang boyfriend niya si Keano o dahil hindi siya komportable dito dahil iba ang gusto niya?

"Ang lalim yata ng iniisip mo?"

"May naisip lang ako. Madami lang akong tanong sa isipan ko."

"Want to share it with me?"

"Wag na lang."

Hinawakan siya sa balikat ni Keano at iniharap siya sa kanya.

"I know its hard to pretend na gusto mo ako but can you please try?"

"Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kita magets."

"Ipapaintindi ko sa 'yo mamaya. For now, umarte muna tayo."

"Ha?"

Kinurot siya sa magkabilang pisngi ni Keano. Pinilit niya na lang naman na ngitian ito. Pagharap niya nakita nila si Dale at Ayie na magkasama. Tinitingnan lang siya ng masama ni Ayie at naalala niya ang sinabi sa kanya ni Keano na naghihiganti ito sa kanya. Dahil doon ay nginitian niya ito.

"Kayo na pala, panget?" tanong ni Dale.

"Oo, kami na. Ang tagal ko din hinintay 'to. Isipin mo, 'yung crush ko, crush din pala ako kaya naging kami na," nakangiting sagot ni Kathryn.

Napapangiti na lang si Keano dahil marunong din palang umarte si Kathryn. Kung titingnan nga kasi ay mukhang masaya talaga siya sa nangyayari.

"Masaya ako para sa 'yo. Tol, alagaan mo 'tong kaibigan ko ah?" sabi ni Dale kay Keano.

"Oo naman. Ako pa! Sige, mauna na kami. Ang ganda mo nga pala ngayon, Ayie pero wag ka naman sana sumimangit dyan. Nakakabawas ng ganda," sagot ni Keano.

"Whatever!" naiinis na sagot nito.

Umalis na doon sina Keano at Kathryn. Pumunta sila sa canteen. Vacant time pa naman nila kaya kumain na lang muna sila. Iniwan muna siya sandali doon ni Keano para bumili ng pagkain nang lumapit ang dalawang kaibigan nito na sina Levi at Evan.

"Hi!" bati ni Evan dito.

"May kailangan ba kayo sa 'kin?"

"Wala naman. Kakausapin ka lang namin tungkol sa kaibigan namin," sagot ni Levi.

"Ano ba 'yon?"

"Seryoso 'yang kaibigan namin sa 'yo kaya sana di mo siya saktan. Alam namin na tinutulungan ka niya pero sana wag mo din siyang gamitin. Masakit 'yon," sabi ni Evan.

Friend Zone (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon