Chapter 7: Smile
Dahil iniiwasan ni Kathryn si Dale sa pagtatalo nila ay hindi na ito sumabay sa kanya sa pagpunta sa bahay nina Ayie. Nauna si Dale na pumunta sa bahay nito. Hawak niya din ang panyo ni Ayie na hanggang ngayon ay nasa kanya pa din. Nahihiya kasi siyang ibalik ito sa dalaga.
Pagkadating niya sa tinitirhan nito ay sinalubong siya kaagad nito. Pinapasok siya ni Ayie sa bahay nila at dumeretso sa sala nila.
"Are you hungry?" tanong ni Ayie sa kanya.
"No, thanks."
"Ang tagal naman nung kaibigan mo. Ang pa-importante niya naman."
"Dadating din 'yon."
Nakaupo lang silang dalawa sa sala at parehas silang naiilang sa isa't isa kaya walang nagsasalita sa kanila.
"Ayie/Dale," sabay nilang pagtawag sa isa't isa. Nang dahil doon ay lalong nagka-ilangan sila.
"Bakit?" sabay ulit nilang sagot.
"Mauna ka na," sabi ni Dale.
"Hindi, mauna ka na." sagot ni Ayie.
"Ah-eh.. kasi.."
"Ano?"
Inilabas ni Dale ang panyo ni Ayie. Hindi niya kasi alam ang sasabihin kaya kumilos na lang siya.
"Paano-- Kaya pala hindi ko makita sa mga gamit ko dahil nasa 'yo."
"Sorry."
"No, it's okay. Saan mo pala 'to nakita? Hinahanap ko 'to kahapon pa."
"Naiwan mo sa room. Pasensya na kung ngayon ko lang naibalik."
Nagtaka si Dale kung bakit tuwang tuwa si Ayie nang dahil lang sa isang panyo. Halos yakapin na nito ang panyo nang makuha niya ito. Mangiyak ngiyak din siya dahil doon.
"Thank you, Dale. If you only knew how much important this handkerchief is to me. Ito na lang ang nagiisang naiwan sa 'kin ng Daddy ko bago siya namatay kaya importante talaga 'to sa 'kin. Sobrang saya ko na naibalik 'to sa 'kin."
"Mabuti na lang at nakita ko."
Nagulat si Dale nang bigla siyang yakapin ni Ayie na agad din naman na kumawala sa kanya. Hindi lang nito napigilan ang sobrang saya.
"Thank you again. I also want to say sorry.. for being rude especially to your friend."
"Ah, okay lang 'yon. Mabilis lang talaga siya mainis kaya pinapatulan ka niya."
"May mga bagay kasi talaga na ayaw ko at kapag ganun, hindi ko na mapigilan na manahimik lang. Ikaw na lang ang magpaliwanag kay Kathryn dahil mukhang hindi talaga kami magkakasundo."
Nang tumunog ang doorbell ay madaling tumayo si Ayie para pagbuksan kung sino man ang dumating at si Kathryn na iyon.
"What took you so long?" tanong niya dito.
"Ang ganda naman na bungad 'yan oh. English ka ng English dyan eh."
"Kanina pa kaya kami naghihintay."
"Traffic eh, sorry." pagsisinungaling ni Kathryn.
Talagang nagpahuli ng dating si Kathryn dahil inaasahan niya na mahuhuli din si Dale pero maaga pala itong dumating. Gusto niya din kasi talaga na inisin si Ayie. Sa unang beses pa lang nito na magsalita ay hindi niya ito nagustuhan at mas lalong ayaw niya na sa lahat ng babae na pwedeng magustuhan ng best friend niya ay ito pa.
"Come in."
Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay tumabi siya kaagad kay Dale pero pumwesto siya sa lugar kung saan hindi niya makakatabi si Ayie at papagitnaan sila ni Dale.
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?