Chapter 14.2: Text
Dumeretso si Kathryn sa CR dahil sa narinig. Hindi niya pa din inaalis ang kamay sa dibdib at nararamdaman niya pa din ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkakaganoon.
Naalala niya na naman ang nakita ar narinig at mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
'May gusto ba ako sa panget na 'yon?! Imposible. Hindi kaya kay Ayie ako may gusto?! Tomboy na ba ako?!'
Napailing siya sa mga naiisip. Alam niya na mali ang naiisip niya at hindi iyon pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng mainlove sa best friend niya o kung natotomboy siya, sa babae.
Sinampal sampal niya ang sarili para matanggal sa isipan niya ang mga gumugulo sa kanya at saka siya naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.
"Umayos ka, Kathryn. Kunwari wala kang nakita o narinig, okay?" sabi niya sa sarili.
Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan ang mukha saka siya lumabas sa CR at bumalik sa pwesto niya sa tabi ni Dale na parang wala lang nangyari. Nagkekwentuhan na ang mga ito tungkol sa ibang bagay at parehas silang nakangiti. Nakikita niya kung gaano sila kasaya na kasama ang isa't isa.
'Bakit ba ako nabibigla sa nangyari? Sinabihan naman na ako ni Ayie na magiging girlfriend na siya ni Dale. Extra lang ako dito kaya ko nalaman. Dapat yata hindi na ako sumama.'
Bumalik sila kaagad sa pag-aaral nang makabalik din doon si Kathryn. Wala na sa mood si Kathryn na gawin ang ginagawa nila kaya sinimulan niya ng kainin at inumin ang pagkain at juice na nakahanda sa lamesa.
"Kat, nakikinig ka ba?" tanong ni Dale.
"Ah, oo. Alam ko na 'yan. Sige na, tuloy niyo lang ang pagrereview."
"May problema ka ba?"
"Wala ah. Wala na ako sa mood. Tinatamad na ako. Kayo na lang ang magreview. Hintayin ko na lang kayo matapos."
Tiningnan siya ni Ayie at inirapan. Tingin niya kay Kathryn ay panira sa mga plano niya. Mas okay sana ang nangyari kung wala doon si Kathryn dahil nahihiya siya na nandoon ito.
Kinuha muna ni Kathryn ang phone niya para kunwari ay magtext pero habang nagkukunwari siya doon ay nakapagsend talaga siya ng text at kay Keano pa. Hindi niya namalayan na naitext niya ito. Umiinom siya ng juice nang makita niya na nagreply ito.
From: Keano
Anong sinasabi mo? Sinong malandi? Ako ba?
Nanlaki ang mata niya at naibuga niya ang iniinom na juice nang mabasa iyon.
"Yuck! Ano bang ginagawa mo?!" naiinis na tanong ni Ayie.
Madaling kumuha ng papel si Kathryn sa mga gamit niya at pinunasan ang naikalat niya na basa.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Dale.
"W-Wala. Nabigla lang ako sa text sa 'kin. Pasensya na."
Madaling pinatawag ni Ayie ang katulong at ipinalinis ang kalat nila doon at nagpakuha din ito ng makakain. Umalis muna din sandali doon si Dale para pumunta sa banyo.
"Ano bang ginagawa mo? Istorbo ka sa 'min eh. Iniintindi ka pa tuloy ni Dale."
"Pasensya na ha? Sinasadya ko kasi eh, 'di ba? Nakakahiya naman kasi na mapabuga dito kaya ginawa ko 'yon para guluhin kayo," sarcastic na sinabi ni Kathryn.
"Umayos ka nga! Sasama sama ka pa kasi dito."
"Pasensya ka na ulit dahil best friend ko si Dale. Gugustuhin niya naman na kasama pa din ako dahil mula pa bata kami, kami na lagi ang magkasama at mas komportable siya sa tuwing kasama ako."
BINABASA MO ANG
Friend Zone (finished)
RomanceAre you willing to sacrifice your friendship for love?