Heart of Music Prologue

551 8 1
                                    

(a/n: kung sa may mga readers o wala, whatever paniguradong wala namang magbabasa nito. Ishashare ko lang naman yung mga bagay-bagay na lumilibot sa utak ko since
puro naman walang kwenta. I started reading stories like boyxboy and I was inspired to make one. Kaya suit yourself if you want to read or not.)

Gian's POV

5:00am na ng madaling araw at heto ako, gising na gising yung diwa ko, pinapanood ko kasi ang bandang bumubuhay nalang sa akin ngayon, ang Major With A Mileage!

Sino ba ang hindi nakakilala sa kanila? Siguro yung mga tao nalang na malayo sa kabihasnan ang hindi nakakilala.

But anyways, the reason kung bakit gising pa si ako is because kinakailangan ko'ng manuod ng isang talk show na 3 hours with Major With A Mileage via live stream since live sila sa New York.

Kanina pa'ng mga 2:00am nagstart yung show eh alam naman natin na hindi pareho yung oras kaya pinagtiyagaan ko talagang magpuyat at uminom ng 1 liter na kape.

Hindi boring yung show kasi mga idol ko nga sila, at hamakin mo'ng trending sila sa twitter worldwide na inabangan talaga sila ng buong mundo maglive. Nakakabaliw mga tol.

Sa mga hindi nakakilala sa Major With a Mileage (siguro sa mga nagbabasa ngayon since sa utak naman to nang walang hiyang otor ng storyang to) oh sige, ikukwento ko sa inyo.

Ang Major With A Mileage ay Filipino/International band, na kumakanta ng mga tagalog songs, english songs, thai songs, japanese songs at iba pa, ang pinagkaiba lang kasi sa mga sikat na banda ngayon is ang impact nila sa mga tao despite sa young age (na kasing edad ko lang), ay puro biniyayaan talaga ng mga talento lalong lalo na ang bokalista ng banda, si Dominic Fordrester.

Haaaaaaaaaaaaaaaaaayyy...

Hindi ko maexplain yung feeling kapag siya na yung pinag-uusapan.

Parang nababakla na ako sa kanya mga bes.

Oo lalaki siya, cute, magaling kumanta, magaling sa mga instruments, at higit sa lahat ay voice changer siya. Akalain mo yung mga kantang matataas na parang mapuputol na yung mga ugat mo sa leeg ay parang mani lang sa kanya?

Kaya niyang magboses babae at lalaki, nakakabilib talaga. Eh sino ba naman ang hindi mabibilib sa ganyang talento? Aber?

Sayang at isa lang ako'ng fan niya,
malayo sa malayo na makikilala niya ako at malayong malayo sa malayo na maging kami, JOKE.

Alam niyo ba na walang babae o lalaki na may issue tungkol sa kanya?
Wala siyang pinopormahan at walang pumoporma sa kanya, well siguro dahil medyo bata pa siya (16 years old? Hell no.)

Ai basta, nakaka-istorbo kayo sa pinapanood ko, ginawa niyo pa akong story teller sa kauna unahang POV ko.

Bahala na nga kayo jan.

Badtrip, mukhang matatapos na yung program na naging sanhi ng pagkadismaya ko.

".... Well, thank you very much Major With A Mileage! Give them an applause they deserve!" sabi nung host.

"And now, for the moment that your fans are waiting, let's hear your announcements? Tours? New album? Do you have tours or concerts? Invite your fans." sabi nung host.

Naka-focus yung camera sa apat na miyembro ng banda.

Syet! Ang perfect nila! Yung ilong talaga ni Dominic yung nagdadala eh.
Nagkatinginan muna yung mga miyembro sa isa't isa na waring sumesenyas na 'Go.'

Hinawakan na ni Dominic yung microphone tsaka nagsalita.

"..... let me take this opportunity to announce that......" napatigil bigla si Dominic.

Medyo tumahik yung studio nila. Pati ako, tutok na tutok sa sasabihin niya, yung heartbeat ko nalang yung naririnig ko.

"....... we are apologizing to our fans worlwide and we must tell you that we are officially DISBANDING." sabi niya sabay baba ng microphone.







Nabingi ako sa sinabi niya. Ano daw? DEMANDING?

"Pardon Dominic?" tanong ng host sa kaniya.

"................ We are disbanding Major With A Mileage." at ayun, sinabi niya yun ulit at napanga-nga ako sa narinig, pati narin yung host ng show.

Pati yung mga audience sa studio walang imik at tanging ang mga panga lang nila na pawang nakasabit.

Hindi ko namalayan na unti-unting tumutulo yung luha ko sa mga mata ko.

"What?! What could be the reason for this Dominic? Tell us why please. We deserve to know the reason." sabi ng host na halatang gulat pa rin.

Mukhang magkakagulo na sa studio nila dahil ang ibang mga fans ay nagwawala at nag-iingay na sa loob.

Pinatigil muna sila nang ibang staff at tsaka na nagsalita si Dominic.

"Well, the reason why we are disbanding is because we need rest and school. Since we already spent too much performing and singing, we didn't realize the value of life. We also need to have time to have normal lives just like normal teenagers out there. We need to focus ourselves, for now, in studying so that in the distant future, we can present our diplomas to the agencies and institutions we want to be part of. I hope you guys will understand." sabi niya.

"Ohh, and can you give us any information to where are you going to continue schooling? To what school are you going to go to?" tanong naman nung host.

"We have to apologize but we decided to leave it as a secret to where but fortunately we already are in a university and we are absent for about months now. Hahahaha." sagot naman niya with matching tawa-tawa pa.

"I understand, and some of your fans will. But for how long? How long will you perform and own the stage again as Major With A Mileage?"

Nagtinginan muna silang apat bago ulit magsalita si Dominic.

"On behalf of my members... maybe after 2-4 years? I don't know, we're not that sure." sagot niya.

Umingay ulit yung studio at meron pang mga sumisigaw at nagwawala.

4 YEARS?!!!

Puta ang tagal naman ata nun, pwede bukas bumalik na kayo?

"I hope your fans will understand your sudden disbandment but I am still happy for you guys. Good luck." sabi nung host saka inaakap sila.

Maka-chansing ha. Sumosobra ka na talaga.

Pumapahid na ako ng luha ko ng biglang bumukas ang pintuan.

SI MAMA!

"Oh Gian? Ba't ang aga mo'ng gumising? Akala ko kasi naiwan mo na namang bukas yang laptop mo eh. Ano ba yan?" tanong ni Mama sa akin.

Tinignan ko siya habang tumutulo ang luha ko.

"Kunyeta kang bata ka! Ano to? Kape ba to? Wag mo'ng sabihing hindi ka na natulog?!" sabi niya pagkatapos niyang amuyin ang mug ko.

Umiling lang ako sa kanya.

"Ay papaluin talaga kita! May pasok ka pa ngayon pero sinakripisyo mo tulog mo para dyan?! Hayy nakung bata ka." sabi ni Mama saka nalang lumabas ng kwarto ko.

Ano na gagawin ko?

What to do tol?

Tinignan ko yung laptop ko, nakita ko na rumo-roll na yung credits ng show saka wala ng lumalabas.

My favorite band, they disbanded. They frigging disbanded!

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon