Dominic's POV
"Alright! Then, that's it for today! Great job guys." sabi ko sa mga kasamahan ko pagkatapos naming magrehearse.
"Whooo! Thank God!" sabi naman ni Demi tsaka iniwasiwas ang mga kamay nito.
"That means, we're done, right?" tanong naman ni Vincent.
Tumango naman ako bilang tugon. Nagpack up na siya tsaka parang nagmamadali.
"Uy uy uy. Teka, saan ka na pupunta?" tanong ni Kuya JP na nagpapahinga.
"May date kami ni Mark ngayon eh, sorry. Need to go kailangan ko pa kasing asikasuhin ang lugar na pupuntahan namin, byee." sabi niya tsaka umalis nang music room ang university.
"Ba't nagmamadali yun? Eh anong oras palang ah? Di niya ba alam na may last class tayo?" tanong ni Kuya JP.
"Oo nga Kuya eh. Hayaan mo na. Pahinga na muna ako ha. Total may 2 hours pa naman bago yung final subject natin." sabi ko naman.
Hayyy. Umupo na ako sa choir seats dito sa loob nang room at nagpahinga na.
Bukas na pala gaganapin ang sing-off nang RITTM at Mystery with a Magic. Pfft.
Well, ready naman kami anytime, nagpapractice lang kami ngayon para sa Nationals na. In case you're wondering, may event ngayon sa cultural center nang university at lahat nang students nang Western High ay need umattend. University meeting daw para sa gaganaping UWeek next month, ang mga selected students na pupunta sa Nationals for moral support, at tsaka may bagong building daw na ioopen ang Western High next year. I wonder kung ano yun.
Pero mas pinili naming magpractice dahil hindi ko gustong makipagsiksikan sa loob nang cultural hehehe.
Ilang saglit pa ay narealize ko na naiwan ko pala ang bag ko sa room namin kanina. Iniwan ko dun dahil same room lang naman kami mamaya sa last subject namin.
"Kuya, Bogx. Nakalimutan ko na naiwan ko pala ang bag ko sa room natin, samahan niyo naman ako." tayo ko sa kinauupuan ko.
"Bogx, I'm lazyyyy. Si Kuya JP nalang." sabi ni Demi na nakahiga sa upuan.
"Pagod pa ko Dom. Di naman kalayuan yun eh. Ikaw nalang." sabi naman ni Kuya JP.
"Fineee." sabi ko nalang then proceeded out.
Nasa kabilang building kasi yung room namin kaya ang init nang sikat nang araw. Nasa kalagitnaan na ako nang building nang mapansin ko'ng nagvivibrate ang phone ko.
Tinignan ko ang phone ko. Si Vincent ang tumatawag.
I answered the call while walking.
"Op? Ano atin?" tanong ko kaagad sa kaniya.
'Nakita mo ba si Mark? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan eh.'
"Hah? Hindi. Galing akong music room, kakalabas ko lang."
'Ahh, ganun ba? Sige. Text mo ko kung makita mo siya ha. By the way, dumaan ako sa room natin dahil gusto ko'ng uminom, dala ko ang tumbler mo ngayon hehehehe. Thank you. Bye.' sabi niya tapos binaba ang tawag.
Aba bastos to'ng si Vincent ah? Iinom pa din sana ako. Haays.
Pagpasok ko nang room namin, hinanap ko na kaagad ang bag ko kaso nabigla ako kasi hindi ko nahanap sa desk ko.
I searched everywhere at wala ako'ng nakitang bag. Nasaan na yun? Sa pagkakalaam ko, sinabi ni Vincent na dumaan siya dito at kinuha ang tumbler ko. Did he meant na kinuha niya ang buong bag ko? Kaya tinawagan ko siya.
BINABASA MO ANG
Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]
RomanceMWAM, Major With A Mileage. Famous World-International Teen Band, nagdisband na parang kidlat sa bilis sa isang international Talk Show. Dominic Fordrester, vocalist saka leader ng MWAM band, decided to take the path of a normal teenager that made...