(a/n: Darren Espanto in the Media Section, siya po yung gaganap na Donn Granz sa story ko. Malalaman niyo rin kung sino siya.)😂
Demi's POV
Wednesday, at 3rd day na ng University Week. Malapit na ang Live Band contest, BUKAS na rather ang first competition.
Bukas na kasi ang Performance tsaka ang The Battles ng mga bandang magcocompete kaya dalawang songs ang pinagpapractisan ngayon.
Merong assigned rooms and buildings na pagpractisan ang bawat groups pero linagay kami ni Maam Cabico dito malapit, kabilang room lang actually, ng group nina Airah.
Hindi ko nga alam kung bakit eh. Sabi daw ni Maam maganda daw at bago yung mga instruments.
Pero hindi ako naniniwala dun.
Destined lang kami ni Airah kaya pinaglapit yung rooms namin hehehe.
"Demi!" bumalik ako sa wisyo ko sa sigaw ni Dom sa microphone at tumitingin sakin.
"Nawawala ka na sa beat bogx." sabi pa niya.
Stress na siya.
Alam ko ang aura niya na to. Kilalang kilala ko na ang attitude niya.
Tignan niyo, mamaya si Vincent naman yung pagagalitan.
"Ulit." matigas niyang sabi.
Tinugtog na namin ulit yung first song.
Habang kinakanta ni Dom ang refrain, bigla nalang ulit siyang tumigil.
"Vincent! Nakalimutan mo yung second note bago pumasok yung refrain. At tsaka wag mo masyadong lagyan ng adlibs sa first verse kasi hindi sakto sa song." sabi niya na highblood.
Tumango lang si Vincent sa sinabi ni Dom.
See? Kita niyo?
Then, susunod na naman niyang pagbubuntungan either yung temperature ng room or ang mga instruments.
"Again." sabi niya ulit. "Last verse before papasok yung refrain." tapos tinugtog ulit namin yung utos niya.
Then... Nung magchochorus na at saka yung feel na feel ko na yung beat drop, SANA, bigla siyang nagsalita ulit.
"Ano ba yan? Kuya, pwede mo po bang hinaan yung AC? Antarctica na po yung temperature. Nanginginig na ako saka pinagpapawisan na yung mga kamay ko. Please po. Salamat." sinabi niya yan ng hindi tumitingin samin, pero halatang pissed yung mukha niya. Hahahhaa
Nagkatinginan kaming tatlo at ngumiti nalang sa isa't isa.
Kasi normal na to samin eh, yung pagkatopak ni Dom tuwing practice, dalawang reason lang yan;
Una, may problema yan sa kuya niya, baka may nasira naman to'ng kapatid niya na instruments or gamit niya. Sobrang maalagain kasi ito'ng si bogx ko sa mga gamit niya, mapabigay ng pamilya, friends, or fans niya.
Ikalawa, siguradong 3-4 hours lang ang tulog nito kanina. Ganyan na ganyan siya eh, kung kulang yung tulog niya paggabi, aabutin siya ng pagkamainitin niya. Tulad nung nangyari sa Concert namin last year sa Singapore, 3 hours lang yung tulog niya before show, tapos pinagalitan niya yung nagbigay nung pagkain samin kasi gusto niya daw ng ice cream. Umiyak yung staff, pero nagsorry din si Dom pagkatapos nung concert in a formal way.
Kaya alam niyo na?
Marami pa po yung mga ganap na gaya nito kaso mahihiya na yung forever kung ikukuwento ko pa sa inyo kaya balik tayo dito. Hahaha.
"Ok. Break." sabi niya saka nilagay yung gitara niya sa guitar stand tsaka kumuha ng bottled water sa isang plastic at nagmukmok sa malayong corner ng room.
BINABASA MO ANG
Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]
RomanceMWAM, Major With A Mileage. Famous World-International Teen Band, nagdisband na parang kidlat sa bilis sa isang international Talk Show. Dominic Fordrester, vocalist saka leader ng MWAM band, decided to take the path of a normal teenager that made...