Gian's POV
7:06pm
"Ba't ka ginabi ha? San ka galing?" rinig ko pagkaapak ko palang nang bahay.
"Community service, Ma." sabi ko nang tipid habang nilalabanan ang antok.
"Maghahapunan ka pa ba Gian?" dinig ko pa na tanong ni mama pag akyat ko nang hagdan papuntang kwarto ko pero hindi na ako nakasagot dahil nga sa pagod na nararamdaman.
Thank goddddd!
Bumagsak ako sa kama ko pagkatapos kong sinara ang pintuan nang kwarto ko.
"~I'm tired. Salamat makakatulog din~." sabi ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa gilid nang kama ko at nakita ko ang poster ni Dominic Fordrester.
Hay Dominic Fordrester...
Napalitan nang ngiti ang kapaguran ko at napaupo ako ng pormal nang dis oras dahil sa saya nang makita siya.
"Hmmm... Hindi malayo picture mo sa personal na mukha mo no? Ang cute mo pa rin. Sorry poster Dominic Fordrester, kasama ko na ang totoong Dominic Fordrester eh. Pero don't worry, ikaw pa rin talaga." sabi ko sa nakasabit na poster.
"Kahit napakamaldito mo sakin, alam ko'ng mahal mo pa rin ako, Palma." dagdag ko tsaka tumayo at nilapitan ang pwesto nang poster kasama ang mga merch nang MWAM.
Kinuha ko ang Exodus stuffed toy at ngumiti ulit na parang timang.
Well... It's a mission well done for today.
Day 4 down, forever until he forgives me to go.
_________________________________-flashback some time ago-
"Palma ka man o Fordrester, ikaw pa din yung Dominic na gusto ko! Cute mo!" sigaw ko pa nung nakapasok na sila nang puting van.
Hinampas ako ni Mark sa ulo.
"Hindi ka talaga namimili nang oras mang inis sa kaniya no? Kita mo naman, galit pa siya satin. Wag mo munang guluhin, baka mas lalong magagalit eh." sabi niya habang hinihimas ko ang ulo kong kakahampas lang.
"Shall we?" yaya samin ni Maam Cabico at nauna nang maglakad.
Papunta na kami ngayon sa office nang president nang school, at alam ko na alam niyo din na hindi sa magandang rason.
We deserve to get punished. I, rather.
Nakarating na kami sa harapan nang opisina. May babaeng nakatayo dito at hinarap kami.
"Please wait for a while... Mr. Formon is still with someone." sekretarya to nang president nang school.
Napaupo naman kami sa bench sa gilid nang office habang hinihintay ang signal na papasok na.
Hindi ko mapigilang hindi manerbyos. I mean, sino ba ang hindi? Kasama ka sa scandal nang Nationals. Pota.
Ilang sandali pa ay may lumabas sa opisinang hinihintay naming pasukin.
Lalaking nakasuit at nakaglasses. Mukhang nasa 50s ito at foreigner.
Napalaki ang mata ko nang maanalyze ko nang maigi ang facial features niya.
"K-Kendrik Johnson..." ang lumabas sa baba ko nang nakalampas siya sa pwesto ko.
Hindi ko na narinig ang footsteps niya, huminto siya siguro sa paglalakad.
Tumingin ako sa likuran ko at kaharap na niya pala ako ngayon.
Napaatras ako nang konti at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]
RomanceMWAM, Major With A Mileage. Famous World-International Teen Band, nagdisband na parang kidlat sa bilis sa isang international Talk Show. Dominic Fordrester, vocalist saka leader ng MWAM band, decided to take the path of a normal teenager that made...