Demi's POV
" 10 minutes left." sabi ng teacher namin sa Philippine History.
Kumukuha kasi kami ngayon ng test sa kanya, sabi niya short quiz daw pero badtrip, dalawang pager na testpaper ang exam niya. Short ba to?
Parang wawasakin ko na to'ng ulo ko kasi nakalimutan ko na naman ang mga sagot na pinag-aralan ko kagabi.
Syempre, gumamit na ako ng ipinagbabawal na technique, ang umusisa sa katabi.
"Tol...." mahinang tawag ko sa lalaking nasa left side ko.
Tumingin naman siya sakin na nagtatanong.
"Ano sagot sa Test 3 number 6? Share naman o." sabi ko.
Walang alinlangan ay itinuro niya rin sakin ang sagot. Yes! Kahit papaano may sagot na ako.
Wag kayo ha. Kaya ko naman sagutan lahat ng mga tests pero may mga times din na nakakalimutan ko yung sagot, you need to call a friend. Hihihihi.
May mabuti din palang naidulot yung pagkapanalo namin sa Live Band Contest last week, at yun ay ang pagturo samin at pagtulong sa mga academics. I love it.
Kung nagwowonder kayo, wala dito si Vincent, kaklase ko kasi siya sa subject na to. Eh ang baliw naisipan pa'ng umabsent kahit alam niya na may quiz ngayon, magpapahinga daw siya kasi napagod daw siya kagabi, ewan ko kung ano yung pinanggagawa niya eh.
Nevermind.
"Ok. Pass your papers to the front in 5, 4, 3, 2..." strikto'ng sabi nung babaeng nakapula sa harap.
Hmmp. Akala mo naman ala-favorite teacher ang feeling.
Mabuti nalang at ipinasa yung mga testpapers namin, paniguradong siya ang magchechek nito.
Kinuha na niya ang dalawang bundle ng testpapers sa dalawang aisle desks at saka binaliktad ito.
Amputs. Dont tell me.
"Distribute. We're going to check your papers." sabi nito sabay bigay sa dalawang tao sa harap.
Badtrip! Ano ba'ng sistema to?
Kahit ibang kaklase ko nagulat sa sinabi niya.
Dinistribute na ng dalawang estudyante ang mga testpapers namin.
Naku! Nako nako nako.
"Write corrected by para kung mali yung checker, imaminus natin yung points sa score niya. Ok." dagdag pa niya.
Amputs.
Bored ko'ng tinignan ang testpaoer na hawak ko kaso nagbago lang ang timpla ng mukha ko nung nakita ko ang pangalan ng may ari.
Airah May Agustin.
Tumingin tingin ako sa loob ng classroom para hanapin siya.
Sakto nakatingin siya sakin tsaka siya nagpabebe wave.
Kinikilig ako😁😆
"Okay. Done? Let's proceed, number 1..." biglang sabi ni tanda sa harap.
Dahil sa pagkabigla, binilisan ko ang pagsulat ng pangalan ko sa kaliwang ilalim ng papel ni Airag tsaka pinirmahan.
Maayos naman ang checking ng papers namin, marami lang ang nabadtrip kasi mabilis itong si Professor Tanda mag announce ng mga sagot.
After naming magcheck, binalik na sa amin yung papel namin.
20/50 ang nakuha ko. Amputs?! Bakit?! Sino ba ang nagcheck nito?
Nireview ko ulit yung mga sagot ko.
BINABASA MO ANG
Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]
RomanceMWAM, Major With A Mileage. Famous World-International Teen Band, nagdisband na parang kidlat sa bilis sa isang international Talk Show. Dominic Fordrester, vocalist saka leader ng MWAM band, decided to take the path of a normal teenager that made...