Chapter 11 - Si Elizabeth

68 6 0
                                    

Chapter 11 - Si Elizabeth

Si Sandro Marcos nga po pala (media section). Siya po si Mark sa story ko.😂😂😂

((Gian's POV))

8:00am - Saturday

Paano ba maging tanga? Yung umasa sa mga bagay na akala mo mapapasayo yun pala para sa iba. Katulad ng ticket ng Secret Concert ng MWAM dito mismo sa lugar namin.
Ayan. Tumulo na naman mga luha ko. Tawagin niyo man akong OA, I can't help it, sadyang die hard fan lang talaga ako ng mga iniidolo ko. Ano bang magagawa ko? *singhot*
Andito ako ngayon sa kama ko, tumitingin sa kisame ng kwarto ko, nag-iisip kung ano ba ang pagkukulang ko kung bakit hindi ako nabigyan ng ticket. Am I not enough? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang suporta at pagiging fanboy ko sa kanila? Why? Nande? Doshite? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why? Joke. Pasensya na Liza pero hindi ako panget eh, pero salamat sa lines mo, pampahaba din to ng update ng otor.
Pero hamakin niyo mga pre, todo bigay ako kahapon sa paglilinis at everything sa paaralan. Binigay ko lahat lahat ng energy ko para matapos yung mga gawain don. Tapos ending? Ako pa yung nawalan? Eh yung iba ngang nakakuha ng ticket siguro sit still look pretty lang sila. Huhuhuhu bigti! Joke ulit. Di ko magagawa yun. Kailangan ko pa silang makita bago ako bawian ng buhay.
Pero sa tingin ko eto na yung pagkakataon eh, hindi lang talaga para sakin. Hayyy. Let it go. Matutulog na nga lang ako. Hindi pala ako nakatulog kagabi dahil sa overthinking at pagmuni-muni sa insidenteng nangyari kahapon.🙁🙁
Kinumotan ko yung buong katawan ko at saka pinikit yung mga mata ko. Papatulog na sana ako kaso sumigaw na naman si mama.
"Gian! Yung mga kaklase mo nandito na. May practice daw kayo. Baba ka na dyan!" sabi niya at halatang rinig na rinig ng kabilang barangay sa sobrang lakas.
Practice? Ahh. Ngayon pala yung practice namin for Social Science presentation.
Ang aga-aga naman ni Mark dumating. Hindi ba uso ang Filipino time?

"Gian! Isa! Maligo ka na at bumaba na dito para makasabay ka samin kumain ng almusal kasama mga kaklase mo! Galaw na!" sigaw ulit ni Mama.

Teka, mga kaklase?
Dali-dali akong naligo at nagbihis para makababa na. Pagbaba ko sa hagdan, agad ko'ng nakita si Mama na may bitbit na pinggan puno ng hotdog at corned beef papunta sa mesa.

Nagulat na lamang ako ng makita ko ang 4 na taong nasa mesa namin, nakaupo at mukhang nag-aantay ng pagkain.

"Eto na mga bata. *^___^*" lambing na sabi ni Mama sa kanila.

Wtf? Totoo ba to? Wow. Nakakasuka Ma.

Papunta na ako sa lugar nila at naagaw ko ang atensyon nila. Pero mas naagaw yung atensyon ko kay Dominic suot ang pink na polo at signature glasses at bangs niya na hanggang noo. Parang ang cute niya ngayong araw.... Dont get me wrong kasi nakikita ko siya na naka-uniform kaya nanibago lang talaga ako.

"O ano? Tutunganga ka nalang dyan? Hindi ka kakain?" sabi ni Mama. Shit, natulala pala ako. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon at pumunta na sa bakanteng upuan sa mesa namin. Timing naman kasi good for 8 yung mesa namin, rectangle shaped siya, saka malapad at mahaba.

Magkatabi kami ni Airah at Demi samantalang magkatabi naman sa kabilang side si Mark at saka si Dominic. Si Mama naman nasa edge ng mesa, parang reyna yung feeling niya eh.

Hindi ko mabalewala yung nasa harapan ko ngayon, at sigurado akong pansin na pansin din ng dalawang katabi ko. Bakit? Kasi etong si Mark panay lagay ng pagkain sa plato ni Dominic. Ilang sandali pa ay yayayain siya ng extra rice, ulam at saka papainumin ng tubig, at eto namang si Dominic ay ngumingiti na lamang.

" Uhmmm. Mark, sa tingin ko hindi ko mauubos to'ng linagay mo sa plato ko hehe." sabi ni Dominic.

" Wag kang mag-alala, susubuan kita kung hindi mo na kaya." sabi naman ni Mark. Hayy naku, mapapaface-palm ka nalang talaga sa pinagsasabi niya.

Heart of Music (boyxboy) [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon