Part 15 Pano mag move on?

225 14 11
                                    

Kinagabihan, hindi na ko nakatulog.. Badtrip times 100 sya lang laman ng isip ko.. Lahat na ata ng tupa nabilang ko na, hindi pa rin ako dalawin ng antok.. Badtrip talaga.. Ang inet pa naman, sumasabay pa ung init ng panahon sa init ng ulo ko…

Bumangon ako at naisipan ko munang aliwin yung sarili ko.  Makapag online nga muna sa FB. Papalitan ko na rin sana yung status ko, nilagyan ko pa naman yun ng married to Rain Andrew Yap, hay bwiset talaga, mapalitan na nga..

Yun..unfriend mode na rin kay Rain.. Kala nya ah.. Kase naisip ko lang, kung ayaw nya na fine. Di ko naman pagpipilitan sarili ko sa isang taong ayaw saken.. Kung pwede nga lang idelete lahat ng memory ko na kasama sya eh. Hay…

Pero bakit ganon.. Habang pinipilit kong alisin, lalong bumabalik? Tae talaga. Ayoko ng ganito. Mind torture to.. Binalikan ko mga pictures namin sa fb, hindi para sariwain kundi para ierase lahat. Wala akong balak itira dun. Pero bat ganon, kada litrato, may magandang memory.. tsk, yung simpleng stolen shot nya saken habang nakangalumbaba, naalala kong pagkatapos nun, ang lakas ng tawa nya sa trip nyang picturan ako.. pinaghahampas ko sya nun nung libro ko, hanggang sa nahulog yung isang piraso ng papel na sinulatan ko pa ng tula para sa kanya…

Para kay Ulan

Naglalakad ako sa kawalan,

Nung bigla kang dumaan.

Napatingin ako sayo,

at inisip ang dahilan,

kung bakit ganito nalang

ang aking naramdaman.

Ako’y napangiti,

Hindi alam kung bakit

Bakit ba ang saya ko

Sa twing ikay lalapit?

Kinapa ko ang dibdib ko,

 nawala ang puso ko,

Yun pala kinuha mo.

ayun, nakakadena na sayo.

Sana lang wag mong pakawalan.     

Ingatan mo at wag saktan..

Kase, mahal na kita ULAN.

Hay. Ang hirap.. hanggang gayon kabisado ko pa rin yung tula.. nakakainis bat ba kasi nag fflash back saken…

“Ano to?” Pilit kong tinatago kay Rain, nakakainis kase baka mabasa nya pa yung tula ko… waahh, kakahiya tlaga un.. baka isipin pa nyang patay na patay ako sa kanya…

“wala to , amin na nga scratch lang yan.” Waaah, pilit kong inagaw sa kanya pero ang higpit talaga ng hawak nya eh.. parang mapupunit pag pinilit ko pang agawen..

Ayun, Binasa nya.. ng malakas… Nakatakip kunwari tenga ko, kasi naman eh. Nakaka hiya.. nakakahiya talaga yun…

Nagblush ako, pakiramdam ko ang pula pula ko na..buti kamo kami lang dalawa nandun, wala yung maeepal kong kaibigan.

Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at unti unting nagkatinginan ang aming mga mata… Nakangiti sya. Sabay bulsa nung tula ko. Lumaki mga mata ko nung bigla nyang nilapit sa mukha ko yung mukha niya.. Hindi, parng hindi ko na kaya yung susunod… Pumikit nalang ako habang inaantay kung ano ung gagawin nya…Unti unti… Dahan dahan nya nilapit sa labi ko yung labi nya…

5 seconds, hindi ako makahinga… Hinalikan ako ni Rain! Hindi ko alam,  at wala na kong balak pang alamin kung may nakakita bas a halik na yun, basta ang alam ko ang saya ng puso ko…

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon