Part 12: Kung ganon, bat hindi halata?

417 14 56
                                    

Oha, official na. kami na nga ni Rain Andrew Yap. Sinasabi ko na nga ba eh, sya magiging first boyfriend ko.. Nakakaasar lang nakalimutan kong itanong sa kanya kung bakit hindi nya suot yung singsing.. remember, yung wedding ring namin.. kainis. Kaya paguwing pag uwi ko tinext ko agad sya para itanong yun.. Kunwari may bahid ng tampo ang text ko para naman maforce syang lambingin ako.. hihihi

“bat po di m suot yung ring?” nilagyan ko pa nga ng emoticons, yung umiiyak  para kabahan sya.. hihi tignan ko lang kung di ka magpanic buying sa kakaisip kung galit ba ako oh hindi…ayon, sa sobrang pag aalala siguro niya ay napatawag sya saken.. pinatagal ko muna ng ilang ring tas pinatay ko ng limang minute para lalo syang kabahan.. oh diba, ayun, kinabahan nga yun.. wahaha, ang galing ko talagang magpatampo effect.. kinuha ko muna yung blower at pinatuyo yung buhok ko, napaligo kasi ako ng di oras, diba nga naambunan ako kanina. Pati ba naman yon kelangan ko pa iexplain sa inyo ha. Tsk.. suntukan nlang. Mainit ulo ko ngayon. haha

Binuksan ko cellphone ko tapos nag antay ng ilang minuto pa para sa text nya.

Tiktaktiktak. Nakangalumbaba pa ko nun.. pero 30 mins na wala pa ring text..kainis..badtrip lang. bat antagal nya magtext, kunwari pa sya eh miss na nga niya ko eh.. tsk..

Antay pa ulit ng ilang minuto.. wlaa pa rin..tsk. badtrip na talaga ako. Gusto ko ng umiyak kasi parang ambilis nya kong kalimutan. Tae sya. Nakakaaar talaga.

Pumasok na ko sa kwarto ko para matulog nung bigla syang tumawag. “hello?” sinagot kong parang robot, walang emosyon at wala ring pagkurap.

“Labas ka nga po.” sabi ni Rain.. Epal talaga yun, matutulog nalang ako pinapalabas pa ko. Nu ba gusto nya ah, masama kaya akong mahamugan. Tsk..yung bumbunan ko…

“Baket?” tinanong ko sya nang parang robot ulit. Nakaprogram.

“Basta. Lumabas ka na. ngayon na. ” Sabi nya, ng parang nag uutos.

“Matutulog na ko eh..Inaantok na ko.”

“Lalabas ka ba o sisigaw nalang ako dito?”

Waaah, ibig mo bang sabihin anjan ka sa labas ng bahay namen? Tsk..masyadong OA naman. Nagtampo lang ako ng konti, sumugod ka na agad.. hmm, ganyan mo ba ko ka love ha Rain? Hihi

Ayun. Pinatayan ko na sya ng cellphone sabay labas. Binuksan ko gate namin. Nakatayo sya sa gilid. Hawak ang helmet nya sa tagiliran niya habang nakasandal sa motor niya.. Tsk,, si Rain nakamotor,, parang lalong lumakas talaga yung dating nya nun.. lalo na sa suot niyang black leather na jacket. Kainis lang bat lalo akong kinilig sa kanya..yiiiiih…paglapit ko nilapag nya na nyung helmet nya sa motor. Tapos nagtanggal ng jacket.. yiiiih, bata pa ko namamagnet na mga mata ko sa katawan nya.. hihihi,, OM ang muscles.. at ayun, napansin ko lang na suot nya ulit ang couples shirt namin.. hmmm, naalala ko tuloy yung mga nangyari nun…

Dahan dahan akong lumakad palapit pa habang pinipigil ang pag ngiti ko. Pero sya, bat sya nakangiti eh asar na nga ako eh.. tinatawanan nya ko?? Waaah.. badtrip lang.. ang cute nya habang ngumingiti..

Nung nasa harap na nya ako,nilabas nya yung kaliwang kamay nyang galing sa lirukan.Waaah, nagulat nalang ako sa inabot nya sakin ang isang pirasong pulang rose..di ko kaya yun nakita kanina.. tsk.. magic lang.. weh, palabas ka nga ng rabit oh.. sige na isa lang.. hihi

“Wag nyo pong titigan. Kunin nyo po.” Sabi niya nakangiti pa rin. Kaya ayun. Kinuha ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata..

“Para san?” sabi kong parang eng eng. Trip ko lang magkunwaring parang walang alam.. hihi.. ang totoo alam ko naman na paraan nya yun pra matanggal ang tampo ko sa kanya. Epal lang nakakatunaw ang mga titig nya..naumid ako kaya siya nalang ang nagsalita.

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon