Part 4 ambaboy mo!

931 19 12
                                    

Yun, matapos ang mga pangyayaring yun, kahit anong antok, di nakatulog si Joy.. Kasi naman sinariwa nya yung pagkakataong muntik na nyang macorner si Prince Andrew eh.. Tsk..isip sya ng isip kung bakit ba kasi andun si Andrew.. Nu naman kaya trip nun..

Hanggang sa mag umaga na..Nagising nalang si Joy sa ingay ng tambol na narinig nya. "Putek naman oh..Ingay ingay. Piyesta ba, bat may mosiko? Tsk, tsk.. Di manlang nila sinabi, edi sana nagpasagala ako.. hay naku, reyna Elena pa naman tong beauty ko. Labasin ko na nga at ng tumigil na."

Paglabas nya.. Yun, kausap na ng step mom ni Cinderella yung isa.. Mukha nga daw tagapalasyo eh.. kasi yung mga buhok, parang wig lang.. may kulot pa sa dulo.. parang pinatong lang talaga.. tsk.. bat kaya ganun noh.. tas yung mga bigote, wagas na wagas sa tikwas oh.. kikintab pa talaga ng suot..

Salamat nalang at pinanganak syang chismosa kaya narinig nya ang pag uusap.."Ah, sir isukat nyo na po sa mga anak ko ang sapatos na yan.. isa sa kanila may ari nyan. Sige na.. bilis" -step mom kung makautos parang tunay eh.. sinungaling pa oh.. tsk... sa puntong to wala si Cinderella sa eksena.. hinanap kasi ng mapupungay at bagong gising na mga mata ni joy eh, di nya maispatan..

Joy's pov Asan na si Cinderella? bruhang yun paimportante pa.. pasuspense pa eh sa kanya naman talaga kakasya yung sapatos.. hehe, kunwari pa sigurong ayaw magsukat.. gusto pangfinale sya.. if I know magmemake up pa yan bago lumabas oh. Tsktsk. para paran lang. syempre nga naman para asakanya ang atensyones ng lahatness. Haha.. galing talga ngbespren ko.. hihi, mana sa akin.. Sige mamaya kana lumabas.. paduguin muna natin ang mga feet ng dalawang panget na to..hihihihi.mga assumerang froglets.. feeling size 5, eh size 9 naman.. wahaha, mga ungas.. di nyo ba alam na si Cinderella lang ang may size 5 na paa dito sa kaharian.. lotus feet yan. Wahaha.. Baka naman nirurugby pa yung kapares, hihi, nasira ata eh..bilis kasi nya tumakbo, ayun bumuka.. kakaibang crystal shoes bumubuka.. hihi. . o sige na ok na ko sa pov ko.. kayo na.. papanget nyo.. wahahahaha!

"Ok sige. Sino po unang mag susukat?"-Lalake from palasyo, dala ang mahiwagang sapatos ni Cinderella.

"Ako! Ako!" sabay pa ang dalawang mongol oh.

"Ako muna. Akin naman yan eh."

"Weh talaga lang? EH laki ng paa mo ah. Akin kaya yan"

Joy's pov-Sige lang away lang kayo. Hihihi. Dito lang ako sa sulok, babantayan ko mga hinlalaki nyo.. Uhmm, sarap kumain ng ubas habang nanonood ah.. hihi.. kulit lang netong si joy eh oh sumusubo pa talaga ng ubas habang nanonood oh.

"Mga binibini, unahin nalang po natin ang mas matanda para walang away." Lalake from palasyo, asar na sa mga pinagkikikilos ng dalawang bruha.

"O sige. Ate, ikaw na..gurang mauna."

"Anong gurang? Bwiset. Umalis ka nga jan. tadjakan kita eh.." yun oh sukat sukat gangsa di talaga magkasya.. pilit na pilit lang..

Joy's pov-Sige kasya yan, pilitin nyo.. haha tae ka pala eh. Lika dito tabasin ko muna.. hihihi. Kuya,eto itak oh. Wahaha, bat halata kay kuya ang pandidiri ha?waaaah. dumi lang ng paa oh.. may mga singit singit lang na dumi sa kuko.. yuck! Baboy!

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon