Part 10.2 Team Jayden vs. Team Rain

439 15 22
                                    

Eto na po ako ulit.. Always present, never absent.. hehehe, ewan ko nga ba jan kay karu busy busihan.. haayyy, alam ko namang namimiss nyo ko eh.. hehe kaya eto na. game na ikukwento ko na sa inyo yung mga sumunod na nangyari..

Gusto nyo ba detalyado, oh eto.. gumising ako nung bandang 8 ng umaga. Pangalawang araw ng foundation day kaya wala parin kaming klase nun..wala na masyadong activity ngayon kaya ok lang kung anung oras ka papasok..  Yun. Nag unat unat muna ko bago humikab, tumayo nanalamin. Nakita ang fez kong may ngiti sa mga labi bukod sa muta kong naispatan kong mahuhulog na....baket ako nakangiti? kasi nga diba yung kahapon.. sariwa pa rin na parang lumpia sa isip ko.. ang kilig na nadama nung kasama sya..waaaaah.. naligo na ko.. kumain ng monay na may palamang reno, tas uminom ng paborito kong bearbrand choco bago nagtext ang Rain ko.. Para sa mga pakielamera ng cellphone nang may cellphone, kagaya nyo, eto ang text nya. Ok, kta nlang tau mmya. Ingat. J..

Huh? Ano daw? Kita mamaya? Ingat? Taeng Raincoat!!! Ano to ha, wrong sent lang? sa babae mo to no? may babae ka baaaaaa??????????? At may smiley pa!!!!!!!!!!!!!waaaahhhhh!!!!!! lintek!

Karu- OA nanaman. Kayo na ba ha?

Waaaaaah! Oh Karu, bakit, hindi pa ba??? Sa mga kiligness at pacuteness at pahawakness nya ng kamay ko kahapon, hindi pa ba kame nun? Oh tae naman talaga oh. Sabihin mong hindi pa kami at hindi kita uurungan!! Galit na ko neto! Suntukan nalang tayo karu!!!!!!!!!!! Wala akong sasantuhin!!!!

Karu- lalalala…

Tae. Bwiset lang.. haay.. yaan na nga yan si karu papampam nanaman.. ok balik tayo kay Rain.. Bat ganun, sino katext nya ah? Tsk.. pasumpa sumpa ka pang hayup ka, niloko mo lang pala ko.. tampalasan! Taksil! Walang modo! Gag----- Gag lang.. wahaha! Pinagbabawal pala yan ni karu.. pang level up lang daw mga ganyang words.. hihihi, helow, highschool palang kaya ako..

Hay.. ang dami ko pang segwey eto na nga.. ayun.. pumara nanaman ako ng jeep bago ko siya nireplyan sa walang kakwenta kwenta nyang text. Sabi ko : Thank you nga pala sa manggang hilaw..

Bahala ka jan kung anong iisipin mo.. tutal wrong sent naman kaya magkukunwari nalang din akong nawrong send. Haha, paselos lang.. tae ka kasi. Ganti ganti lang.. tsk.

Ayun. Naghintay pa ko ng ilang minuto bago ko narating yung school namen. Lakad lakad hanggang may makasalubong akong batang lalake na pulubi sa harap ng gate ng school.

“Ate palimos po. Twenti payb lang.” sabi nya sabay himas sa tyan.

“Twentipayb ka jan? wala!” sabi ko kasi wala naman talaga. Kung meron lang, hindi ko rin ibibigay..hehehe

“Sige na ate please. I’m starving na eh. I wanna buy angel’s burger. Buy one take one oh. Yun oh.” Letse tong batang to ah. Dalawang burger pa yung gusto.

‘’Wala nga eh. Ang taba taba mo namamalimos ka.  oh eto dos.” Naawa kaya ako kahit papano kaya ayun, binigyan ko ng dos matapos kong laitin na mataba sya.. hihihi..

Hanggang sa bigla ko nalang nasilayaan papalapit si Jayden..huh? Si Jayden? Talaga? Nakangiti at may dalang angel’s burger..lumapit sya sa amin nung bata at nagsalita..”Oh bata oh. Kawawa ka naman. Sayo nalang to.” Inabot nya. Waaaah, para syang naging anghel sa paningin ko.. Bat ambait nya dun sa bata ah.. Hoy Jayden, pano ko? Diba buy one take one naman yun, bat hindi mo manlang hinati samin nung bata?? Eh antaba na nga nun eh.. tsk.. ayun. Tumakbo yung bata pagkakuha nung burger kaya naiwan kaming dalawa.. Hala, baka kung ano gawin nya sakin.. ihaharrass nya ko ganon? Tsk.. wag po wag po.. hihihihi..

“Hi Joy.” Sabi nya sa akin.. tae, bat parang nahihiya akong tumingin sa mga mata niya? Tsk.. yung kahapon kasi eh.. diba nga pinahiya ko sya. Iniwan ko siya sa ere.. tsk.. nahiya tuloy ako bigla.. yung tipong parang gusto mong magsorry pero ayaw mo.. hihi, gulo ba? Tsk..

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon