Karog ng Part 16 - sa library 0.0

251 13 15
                                    

Tik tak tik tak. Wala na kaming subject kaya amboring na.. Kung meron man kwento kwento nalang ang mga teachers. Lam mo yun, eto dapat yung masayang moment, yung tipong mapapayes ka dahil at last, wala ng kelangan pang gawing kung anu-ano para pumasa. Pero, bat ganon, nabobored ako.. parang wala manlang nangyayaring kakaiba. Namimiss ko na yung date..yung dating mga moments.. yung mga awayan., parang kanina lang pala yun.. hehe, basta. Badtrip kase si mam bakit kelangan pang pag bati-batiin ang mga tao.. hehehe.  

Nakatingin ako sa kawalan nung biglang may nagtext saken. Yung dalawang baliw, hinahanap na pala nila ako.. kalahating oras na kasi ako sa library. Feel ko kasing mag isa eh. Yung hanapin ang sarili ko. Hehe Letse, hindi ko Gawain yun. Mga abnoy naghahanap ng sarili eh di tumingin sa salamin tsk. Diba.. 

Yun nga. Sabi ko asa canteen ako, hehe libre ko sila ng halo halo.. sigurado ambibilis maglakad nun. Nakikini kinita ko na kaya.. wahaha. Yun, matapos kong masend, ayun napapangiti ako.. tas lam mo yun, may feeling ko may nakatingin saken.. waah, sa library ako diba.. ano bang meron sa library? Libro? Tanga Multo? Waah.. naisip ko na ano nga kaya kung may multo dito sa library na to.. ang tahimik pa naman sobra.. as in dalawa lang nakikita ko eh.. magkakalayo pa kami ng upuan.. tae.. kinikilabutan ako at parang natatae na rin.. sakto pa naman na nanood ako ng horror kagabi.. at library pa yung scene.. tsk.. kwento ko gusto nyo? Hihihi 

Ayun nga may isang estudyante, nasarhan sa library.. tapos nirape ng guard.. waah, tas pinatay.. wahhh ulet.. lecheng guard yan.. kaya pala ang sama ng tingin ko kanina ke manong guard nung pumasok ako.. tsk.. ayoko na tama na nga. Kinikilabutan na talaga ako. Biglang may lumapit saaken. Nagpakilala, ang lamig. Ang lamig ng kamay. At boses galing sa ilalim ng lupa.. shet lumulutang sya.. wahhh. 

Ok fine. Napasigaw ako sa imagination kong yun. Grabe, nakakahiya talaga. Pumikit nalang ako at tinry ko matulog. Kahit saglit lang.. ayoko muna ng ingay galing sa mga chakang klasmeyts ko. 15 mins naidlip ako... sabay hikab... napasigaw ulit ako nung malaman kong may katabi na pala ako. 

"Nak ng teteng naman oh. Nung ginagawa mo ba jang hayup ka!" Si Yanskie katabi ko na pala. 

"Ano ba ginulat mo ko. You're so cat. Para kang pusa. Wala manlang ingay." Sabi ko nalang. Hindi ko na binanggit na natatakot ako. hehe. Lam mona baka lalo pa nya akong takutin.  

"Letse ka.. tulog ka ng tulog dito. Pumunta pa naman kami ng canteen. Hilo na kame kakaantay sau ah. Tara na. halo- halo diba" 

"Wahaha, halo halo your face.. hihihi. Sa panaginip ko kumain na ko kaya busog na ko. Hehehe" 

"ungas ka!"  

"Anong balita sa mga kakosang klasmeyt? May lumapit na ba sayo? Tanong ko, naalala ko kase yung palabunutan eh. 

"Ewan ko dun. Wala namang lumalapit saken eh. Baka nahihiya sa sobrang alindog ko.. hihihi naiintindihan mo naman diba. " 

"tampal gusto mo? Sabagay ako rin eh. Ala pa den.bakit kaya" 

"Wets lang, may nagtext." Binasa ko muna. # lang eh.. "nabunot po kita" 

"Tsk. Sino kaya tong tao na to? Di manlang nagpakilala.. hmp. Maitext nga ren. 'sino ka po?' magalang para maganda maisulat hehehe 

"Hoy tara na nga. Dun muna tayo sa batikos, mas masarap tumambay dun" nagyaya na palibhasa gutom. Ganyan yan, nagmamadali pag gutom. 

"Wait lang Yanskie, wala ka bang nararamdaman?" wahaha, tatakutin ko sya, di ako papayag na ako lang ang matakot.. hihihi 

"Natatae baket" 

"Hindi yun. Yung iba pa. Pakiramdaman mo yung babaeng yun." Tinuro ko yung isang freshman na nakatayo malapit sa pinto. 

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon