Part 3: Tara na sa palasyo..

926 17 0
                                    

HAPPY BIRTHDAY JOY!!!!!!!!!

 Waaaah, sayawan na po mga tol... Sa puntong to, nasa palasyo na sila ni Cinderalla.  At gaya ng pinlano nya, late sila ng 20 mins. Syempre natural na ang mga mata ng madlang pipol ay nakapako sa kanila. Eh gaganda lang talaga ng itsura nila oh. Hanep lang sa slit tong si Joy, parang wala ng bukas. Gang balakang na ata ang slit eh.. tsk. Nu kulay ng panty? Wahaha, baka dirty white, bwiset lang. Yun, nakakabadtrip pa ang kulay ng gown nya, pula. Malditang maldita ang datingan.. Si Cinderella naman, pinalitan ang mala tiger look two piece na suot, di rin kasi pumayag si FGM na lapastanganin ni Joy ang mahinhing image niya eh..  Sa gabing yun, wala sa bokabolaryo nila ang salitang ‘simple’. Tsk, eh kinarir talaga ang pag aayos eh.. Hay, syempre, gaya ng mga nababasa natin sa fairy tale, di sila nakilala ng step mom at step sisters ni Cinderella. Bat kaya, eh wala naman silang mascara diba? Make up nga lang eh. Bobitz ata mga tao dun eh.. Hehe.

Sinadya talaga ni Joy na dumaan sa harap ng mga ungas na step sis oh.. nagparinig pa. "Sino yung may nunal na yun, yak naman oh ang laki ng nunal sa baba ng ilong. Parang kulangot lang.. Wahaha! Permanenteng kulangot. Hehehe" Lakas lang talagang mang asar sa mongol#1.  Syempre napatingin sa kanya.. Eh di nga sya nakilala diba, yun, inambahan sya ng suntok..tsk.

"Hoy, ikaw ang pangit noh. Sino ka ba ha?"

"Paki mo? Dun ka nga muna kay Belo. Unfinish ka pa ata eh. Nyahahaha!" Grabe naman tong si Joy, reyna na ata to ng panlalait eh.. hehe

Sabay direcho lang ng lakad oh. di na nya hinintay makahabol ang ungas.

“Nu ba yan, bat ang chachaka ng mga tao dito.. Wala ba silang taste sa pananamit? La manlang sense of fashion oh.Di nila kami gayahin ni Cinderella, in na in tsk. Uy Cinderella, don’t forget yung sinabi ni FGM ah. Dapat bago mag twelve midnight nasa bahay na tayo. Hirap na baka maging basahan ang mga itsura natin. Nakakahiya lang." buti kung ikaw lang ang mukhang basahan, eh kasama mo ko eh. haha, dapat lagi akong maganda sa mga mata ng ibang tao . Yun oh, kunwari pang concern eh sarili pala iniisip.. Eh sa bagay, may point sya, si Cinderella kasi kahit basahan ang suot eh mukha paring maharlika.. Waaaah, nu ibig sabihin nun? Eh pag si joy ang nagsuot ng basahan? Waaaah, baka dumami barya niya, baka marami lang maglaglag.. Hihihi.

"Wag kang mag alala Joy, tatandaan ko yan. Tara dun tayo malapit sa mahal na prinsipe."

Waaaah, landi lang talaga netong si Cinderella ah, talagang walang sinasayang na oras.. tsk. Gusto agad dun sa tabi ng prinsipe..Para paraan din eh noh.

"O sige ba tara, at magbreak dance tayo para kapansin pansin. Wahahaha, ano, game ka ba?"-Joy parang sira lang. Wag mo naman hawaan si Cinderella sa kasaltikan mo oh. Matino yan.. tsk..At alalahanin mo naman ang slit mo, tae naman oh.

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon