Part 6.2 Highest

446 17 9
                                    

Setting: Sa gym. Kasalalukuyang nagttraining ang team nila Tina ng volleyball nung dinalaw sya ng kaibigan niyang si Joy. Malayo pa lang ay alam na nya na si Joy yung paparating kasi nagchecheer na kaagad sa kanya. Wala lang. Mahilig lang talaga mag cheer ang kaibigan nyang yun. Kaya naman pag totoong game na, gusto nya na palaging andun si Joy, para pang asar lang sa kalaban.

Saktong biglang nag10 mins water break nung pagdating ni Joy. “Tina, ano, kamusta training natin? Mukhang hapong hapo ka na ah. Pag di mu na kaya, sub ako ah.. hihi”- eh pangarap kasi din niya maging volleyball player, di nga lang pumasa.. panu kasi, tatalon nalang tinatamad pa..tsk.. ayaw pa humabol ng bola..

“Ako hapo? Sinong nagsabi? Haha, eh kayang kaya ko kaya tong mga to. Itumba ko pa tong  bago eh. Epal. Ang yabang lang. Matangkad lang sakin..tsk.” ang tinutukoy ni Tina ay ang bagong member ng team. Si Jhoan. Unang salang ay parang napabilib nito ang lahat sa paglalaro. Bukod sa matanggkad ay masyadong magaling kaya ayun, nabadtrip si Tina. Sinasapawan daw ang galing nya. Tsk.

“Ay yun ba? Yung balbon? Haha.. balita ko mas magaling sayo ah..hihi” Joy, hilig lang talaga netong mang asar.

“Nyeh. Hindi ah. Ako kaya ang the best dito. Tsk. Badtrip lang talaga ko ngayon, meron ako eh.. Partida may dysmenorrhea pa ko neto humahataw pa rin ako sa pagpalo. Tsk, iba ‘ko eh.. ako lang nakakagawa nun. hehe “  Habang ginigiliran ng tingin si Jhoan.

“Wuuuh, gumaganyan ka pa.. Magseryoso kana kasi sa practice. Wag puro legs ang panlaban mo.. haha.. Oh teka, mukhang si Jayden yun ah.. tsk..” tanaw nya si Jayden mula sa entrance ng gym.. Kasama nito ang dalawang teammate.. Papalapit ata sa kanila.

Nagkunwaring nagpaalam kay Tina at naupo sa bench. Kunwaring pa text text. Mukhang ginagamit na nya ang highschool slashed pamatay moves na natutunan nya sa pagbabasa ng isa sa mga libro ni Karu.. na magkunwaring walang nakikita.. papansin para mapansin ni crush. Nagpaypay pa sya, kunwri init na inet.

Sukbit hair sa tenga mode ang drama nya nung umupo sa gilid nya si Jayden.. Habang ang mga mata ng mga girls sa gym ay nakapako sa kagwapuhan ng katabi niya.

Ilang minuto pa ay nagtataka na si Joy kung bakit hindi sya kinakausap ni Jayden. Kaya kinapalan na nya ang mukha niya.. Sya na mismo ang unang bumati..

“Hi Jayden.” Lunok mode. Naamoy kasi nya ang natural na amoy nito.. haha.. highschool palang nang aamoy na eh noh.. tsk…inhale lang sya nang inhale nun.. parang ayaw na nya iexhale.. haha

“uy Joy.. Kaw pala yan.. Hindi kita napansin eh.. sorry ah.”

“Ganon? Kainis.. bat hindi mo ko napansin?? Sa bagay, ang daming magagandang girls dito sa gym..Sino ba naman ako para mapansin mu.. ang isang hamak na katulad ko..hay..” –Joy, tama na.. tatamaan ka na daw kay karu.. haha

Give it up to Joy. (JOY’s POV MUNA lahat. Tinatamad na magkwento si karu.)

“Ayyy, tampo agad? Haha.. hindi kaya. Tahimik ka kasi. Kala ko hindi ikaw. Hmmm, naligaw ka nga pala dito sa gym? Siguro may inaantay kang crush no..sino?”- at talagang nakatitig si Jayden saken ah.. love it.. sige pa. konti nalang ilapit mu pa fez mu.. hihi

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon