Part 16: Ang karog ng kahapon...ay ngayon! (move on ba kamo?)

194 13 3
                                    

Kunin mo na ang lahat sa akin, pati na ang aking mahal.. Kunin mo na, alam ko babalik naman sya eh. " hahaha, ang lupet lang ng status ko sa fb.. sinasabi ko na nga ba eh, ang daming mag lilike nun.. pati comments.. wahaha, im so papansin talaga to the world. Hihihi..  

Tsk. Kase naman, nakakainis talaga si myself. Namimiss ko nanaman si Rain.. Kahit pa sabihing magkatabi kami ngayon, hindi ko maiwasang mamiss sya.. Iba eh. Iba yung feeling na nasanay ka na lagi kayong magka usap, nagtatawanan ganon.. tsk. Basta iba. Yung kahit ang lapit nya, ang layo pa ren..  

Filipino subject na namin. As usual reporting nanaman ang peg ni mam. Ayun lumabas muna sya para makipag kwentuhan sa teacher sa kabilang room. Para paraan talaga eh no.. Tropa nya kase yun eh. Namiss ata nya, kaya ayun. Habang nagrereport yung classmate kong si Brent, hindi ko maiwasang sulyapan si Rain.. Sulyap lang parang ang hirap gawin.. pinipigil ko naman eh, eh kaso ayaw sumunod ng mga mata ko.  

Unang sulyap ko ay para talaga syang bato.. parang biglang hindi nya ko kilala.. Lechugas naman, bakit ba parang ako pa naghahabol dito. Ako babae ako dapat hinahabol diba karu? Tsk. Ok pagbigyan, minsan lang naman eh.. im sure naman deep inside nyan ni Rain namimiss nya rin ako, at gusto na nya kong yakapen, kunwari pa yan.. yiiiih..  

Kaso nga lang, ayaw talga eh. Tigas eh.. bato eh. Hay, Yung seryoso talga sya, kunware nakikinig.. Ako naman kelangan ko talgang magconcentrate din, kunwari busy narin ako sa pakikinig.. patake down take down notes pa kong nalalaman, eh nagddrawing lang naman ako ng meteor garden.. papa dao... oh papa dao.... 

"Anong problema ng isang to?" tanong ko sa sarili ko, nilakas ko talga para naman tamaan sya..  

Hindi parin sya nagsasalita. Bwiset, mukhang uubusin nya pasensya ko ah.. inagaw ko yung notebook nya, at sinulatan ng "Hoy Rain, Galit ako sayo!!!' tas binalik ko sa kanya. Buti naman binasa nya.. nagsulat din sya. "baket?' 

Waaaah, baket? Leche!!!!! Ubus na talaga pasensya ko. Sumusobra ka na Rain. Ok fine, you want war? I'll give you war.. bwahaha 

Hindi na ko nagsulat . Feeling nya papatulan ko sya. Deadma na ko, mukha nya fez..  

Nakinig nalang ako sa classmate kong nagsasalitang parang robot. .. 

Akala mong Rain ka epal ka lang. Di kita papansinin kung ayaw mo no.. sige, sulyapan mo lang ako hanggang gusto mo, akala mo hindi kita nakita dalawang beses mo na rin akong ginigiliran ng tingin .. bleehhh!!! Magdusa ka.. tae. 

Ayun, patuloy yung pagrereport si klasmeyt Brent, nung bigla nalang syang umikot sa buong klase habang isa isa kaming pinabunot sa daladala nyang box. Isa isa naming binuksan ang maliit na papel. 

"Ok, ganto yan mga klasmeyt. Sabi ni mam, since ggraduate na tayo ay binibigyan nya tayo ng chance na mas maging close pa sa isat isa. So yung mga papel na binunot natin ay mga pangalan nating lahat yan. Kunwari ako, nabunot ko si Trish, kunwari lang ah. Magkakaroon ako ng quality time with her. Bale chance na maging friends pa kame. " 

"WEh, baka sinadya mo yan ah.. Sino nabunot mo?" klasmeyt #1 

"Eh pano yun, kung ayaw?" klasmeyt #2 

"Bakit naman ayaw? Hindi pwede, kasi lahat tayo gagawa ng kanya kanyang description para dun sa taong nabunot natin, yun yung ilalagay sa year book. Kaya sana mas maging close pa tayo mga klasmeyts." 

"Ano? Bakit naman ganon?!" Tina umaapela, sino kaya ang nabunot nya? Hihihi baka isang chakang klasmeyt.  

"Well, napag utusan lang naman ako ni mam. Sabi niya sa lahat daw ng klasrum ganun ang gagawin." 

"eh pano yung quality time na yun, ibig sabihin dalawang tao ang bibigyan ko ng quality time? Isa ung nabunot ko at isa yung nakabunot sa akin?"- Tina ulet. Parang hindi makapaniwala.. haha, anong trip netong babaeng to.  

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon