Part 8: Punto por Punto

1.2K 16 26
                                    

Nilapitan ko si Jayden bago ko inisip kung bat sya andun. Anung ginagawa nya dun at bakit sya nagpa iwan? Siguro gusto nya kong masolo..baka nabighani sya nung umahon ako s pool kanina.. hihihi.. ganyan na ba mag kabataan ngayon? Masyado ng mapusok? Hahahaha, ahhh alam ko na, baka hindi na rin nya napigil ang matagal na nyang namumuong damdamin sakin. Tama.yun nga siguro.

Yun. Unti unti ko syang nilapitan habang tumutulo pa rin ang tubig mula sa hair ko. Tinawag ko sya sa pangalan niya. Syempre alangan namang sa pangalan ng iba.. tsk.. “Jayden!” sumigaw ako kahit malapit lang. Papansin lang.

“Ha? Oh Naiwan ka?” hala, takang taka sya eh naiwan din naman sya.

“Oo eh. Epal nung driver hindi manlang nagtingin tingin kung may kulang pa. tsk.. eh ikaw bat ka naiwan?” sabi ko habang pasimpleng tinitignan yung legs nyang ginagalaw nya sa tubig.. balbon nga eh.. haha, sabi ni karu yun daw ang pamantayan ng mabuting shota, yung balbon ang legs, kaya yun agad yung tinignan ko nakaangat na kasi  sya nun sa pool, nakaupo sa gilid tas sinusway yung paa nya.

“Hindi ako naiwan. Nagpaiwan talaga ko. Daddy ko may ari nitong resort na to..” Sabay tayo lang nya. At naglakad papunta sakin.. Parang nakakatense yung scene na yun, kasi nga feeling ko may gagawin sya saken.. haharassin ata ako… tsk.. dapat ihanda ko na ang aking self defense. Mukha pa naman syang manyak nung mga oras na yun.. yiiiiih..karu peram muna ng moment na to, isa lang.. haha

Karu’s pov- si joy po ang manyak dito hindi si Jayden. Kitang kita naman. Harhar!

Ayun. Tinignan nya ako ng may pagnanasa, tapos sabi ko “wag po wag po.. wag po jan may kiliti ako jan. dito,dito po! Dito banda” hahaha.. joke lang.. syempre hindi naman ganun yung talagang nangyari.. eto.

“Ahhh talaga?Wow ang yaman mo pala Jayden.”  Asayo na pala ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalake. Gwapo, maputi, macho, at higit sa lahat mayaman.. haha, pagawa ka na kaya sa daddy mo ng last will and testament para malipat na sayo lahat ng to.. tapos pagtungtong ko ng 18 pakasal na agad tayo.. haha..ano game??

Seryoso sya na para bang may malalim na iniisip.. hindi nagsalita eh.. Ano kaya yun? Napaisip din tuloy ako.. Lumakad sya palayo at iniwan ako pero tinawag ko pa rin sya sabi ko “jayden, Jayden, wag mo kong iwan..” sabi ko na para bang naghihingalo na sya.. Pero ayun, iniwan pa rin ako.

Tumunganga ako ng mga labinglimang minuto bago may lumabas na miss mula sa loob. Alangan namang mula sa labas..tsk.. sabi niya sakin.”Neh (may  ‘h’ talaga pagkakasabi nya), Sabi ni sir Jayden, ihatid daw kita sa kwarto mo. Tara.”

“Kwarto? Bakit, dito ba ko matutulog? Ate, wag. Bata pa ko at wala pa sa isip ko yan.” Ayun. Lumikot yung pag iisip ko dahil sa mga libro ni karu na binasa ko. Bad influence talaga sakin yang si karu.

Tumawa lang si ate nun. Tawang demonyo.. HUWAHAHAHAHAHA! .. diba ganun yun? Tinidor nalang na malaki pwede na syang magcommercial ng lucky me.

Pero, syempre sumunod din ako kasi nga pagod na ko at gusto ko ng magpahinga. In fairness maganda ang room. May sariling banyo at may aircon din. May tv pero hindi ko binuksan kasi hindi ko mahanap yung power. Sumilip ako sa bintana. Walang tao. Tas pagbaling ko sa harap andun si Jayden. Kanina pa pala niya k pinagmamasdan. Waaaah.. namula ang aking natural na rosy cheek at nagulat nalang ako nung bigla nya kong hinila at niyakap tapos hinalikan..

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon