Part 8.2 Nung mga oras na nacrushan kita.. waaaaah

530 13 41
                                    

“Hoy! Anong problema mo? Bat ka tingin ka nang tingin?” Hindi na ko nakatiis,  sumulat ako sa intermediate  pad, tas pinapasa ko sa isang classmate namin habang abala si mam sa pagsusulat sa blackboard. After kasi  ng Filipino subject namin, nagsimula na kong ma conscious kasi nga lagi kaming nagkakatinginan ni ulan..yung tipong wala ka namang intensyong tignan sya, pero napapatingin ka ng kusa..lam nyo yun. Tsk.  Epal lang, nahuhuli nya ko.. Pero siyempre, nahuhuli ko rin naman sya..ganti ganti lang..haha, para kasi syang tanga kung makatingin eh.

Nakita kong binasa nya yung sulat ko at nagsimula syang magsulat. Mejo matagal syang magsulat nun kaya naasar ako, para kasing sinasadya niya eh..ayun, bumalik sakin yung papel eto nakalagay  “Ha? Ikaw nga jan eh. Siguro crush mo ko no?”

Grrr. Ang kapal naman ng fez nya.. tinitignan lang crush agad.. hay nako… hindi ko na sana sasagutin yung sulat nya eh. Kaso nagkatinginan nanaman kami.. nahuli pa nya kong kumakain ng boy bawang nun.. hindi naman bawal kumain ng boy bawang sa klase ni mam, kasi tinda nya yun eh..hehe

Eto sinulat ko. “Kapal mu. Wag mo kong matext text sa # kong ito ah. 09335527299 … “ tas yun, pinaabot ko na sa kanya.. pero nung inabot ko sa classmate ko, parang nagsisi ako kung bakit yun yung nalagay ko.. baka kasi isipin talaga niyang crush ko sya.. feeling lang siya..wahaha, showbiz lang.. wag muna aminin..

Nakita kong napakamot sya ng ulo tas nilabas yung cellphone niya. Ilang minuto pa, may nareceive akong text…matapos ipasa sa classmate ko yung papel.

“Pasave ng # ko. –Rain”

 Waaaaah. Bwiset lang.. bat ba ganun yung text  nya? Parang naghahamon ng makipagtextmate ahh. Tsk tsk.. bahala sya..ayoko nga syang itext.. ayoko muna, wala akong load eh..

Pero syempre, sinave ko pa rin.. hihihi. Yun. Tinago ko na yung cp ko kasi masama na ang tingin ni mam. Galit pa naman yun pag may nahuhuling nagttext sa klase nya..

Maya maya pa ay huminto si mam sa kakalecture at parang uminit ang mata nya sa papel na binabasa ng classmate ko.. Waaaaah….nakagat ko yung ibabang labi ko nung mapagtanto kung ano yun.. tsk, yun yung papel na sinusulatan namin ni Rain ah.. tsk tsk.. epal lang talaga.. kung alam nyo lang kung ano yung feeling ko nung mga oras na yun. Parang gusto kong maglahong parang bula ng tide.

Napatakip ako ng mata nung binasa ni mam yung nakasulat.. umiling sya. Ibig sabihin, patay kami.. tsk tsk. At etong epal na kaklase kong si Jude, sukat ba namang iflames yung pangalan namin ni Rain..Tae talaga.. isa na to sa mga karanasan kong hindi malilimutan..Game

FLAMES

Rain Andrew Yap

Joyce Anne Calderon

R=2

A=5

N=5

D=2

E=4

Y=2

Total=20=L=LOVE!!!

Yun.. Syempre hiyang hiya talaga ko nun.. eh, asa pa kong tatahimik ang buong klase sa nangyari.. tsk tsk.. eh halos lumabas na yung mga ngala ngala nila sa katatawa eh.. tsk.. akala pa ni mam ako yung nagsulat nun. May hawig daw kasi penmanship namin ni Jude.. tsk tsk.tae talaga.

Tinignan ko sina Yanskie at Tina, ang mga walanghiya, hagalpak din sa katatawa.. mga traydor.. tsk tsk.. kainis talaga. ang ginawa ko tuloy pinulo ko yung nakakalat na goma sa lapag tas tinira ko silang dalawa.. sakto dalawa yung goma.. hehe, alang basagan ng trip.. yun. sapol sila.. eh kaso nga lang lalo silang natawa.. At si Raindrops, bat ba pati sya tumatawa?? Hayyy..wala na kong nagawa kundi tanggapin ang kahihiyan ko.. isang araw na puno ng kahihiyan.. tsk tsk..

Karog: Sa Mundo ng Pantasya (Special Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon