👸chapter4👷

29 4 0
                                    

Audrey POV (Chapter 4)

NAKARATING kami ni Trit ng mall past 12 narin, kaya dito narin kami kakain, pero nakakainis lang kasi, hindi naman holliday ngayon pero ang daming tao, nakakabwisit lang, wala kaming makitang pwedeng makainan,

"Clee, ano na, naikot na natin yung mall, hindi parin tayo nakakakain" sabi ni Trit saakin,

Kung makapag reklamo naman, ako kaya yung may karapatang mag reklamo dito no.

"Tsk, bakit ba kasi ang daming tao ngayon, kainis!! " inis na singhal ko,

"Mukang no choice na tayo, sa food court nalang tayo kumain"

"What?, no way!! " agad na tutol ko sa sinabi nya

Hindi ko kayang kumain don no, hindi ko maimagine ang sarili ko na kakain don, maraming tao ang palakad lakad sa tabihan mo, ginagawang hallway na, tapos mga nag tatawanan pa at nag chichismisan, mamaya natalsikan na ng laway yung kinakain ko, duhh, kadiri naman.

"Ehh ano, hindi na tayo kakain? "

"Bahala na mamaya nalang tayo kumain, mas pipiliin kong magutom kesa kumain sa food court! " sabi ko saka nag lakad papuntang shopping area.

At agad na nag liwanag ang mga mata ko ng makita ang mga bagong labas ng mga branded na dress, ang bags, lumapit agad ako at sinuri ang mga ito.

Kahit naman kasi hilig ko ang mag shopping, hindi naman ako yung basta kuha nalang, syempre dapat papasa sa taste ko.

Inabot narin kami ni Trit ng hapon, hindi narin kami nakakain dahil naging abala ako sa pag pili ng bagong damit, bakalimutan kk na nagugutom nga pala ako.

"Trit, tinext mo na ba papa mo, sabihin mo na dito tayo sa mall kaunin"

"Nako Clee, hindi kk ma contact si papa baka low bat yung cp nya, baka papunta na yun ngayon sa school" alalang paliwanag ni Trit saakin.

"Pano na yan? " medyo inis na sabi ko,

Paano naman kasi, wag nya lang isuggest na mag lakad kami papuntang school.

"Pupuntahan ko nalang si papa sa school, intayin mo nalang kami dito" sabi ni trit saakin, kahit medyo alanganin ay wala na kong magagawa kunghindi mag piwan nalang dito.

"Sige, bilisan mo nalang huh, iwan mo na sakin yang mga pinamili ko, para makarating ka kaagad" kaswal na saad ko kaya ininigay nya sakin lahat ng paper bag, at mabilis na nag lakad palabas ng mall.

Tsk, naiinis ako, siguro dapat na mag palit ng cellphone si mang Berny, kainis alam naman nyang mahalaga ang cellphone, paank nalang pala kung emergency ,edi hindi sya macontact, kainis.

4:30 na, nakakaramdm na ko ng gutom, anong oras kaya makakarating si Trit. Gusto ko ng kumain.

Nag hintay pa ko ng ilang saglit at naiinis na talaga ako.

4:40 sobrang gutom na ang nararamdaman ko, feeling ko isang oras na kong nakatayo dito.

Tsk, bahala na nga, mag lalakad nalang ako papunta kung saan madali nila kong makikita, lumabas na ko ng mall at umakyat ng overpass, bawal kasi tumawid ehh, hassle naman.

Tapos kainis pa, pag akyat ko, sobrang daming tao, siksikan pa, nakakadiri, kung kanikaninong braso ang nadikit saakin, ang lagkiit shhiiittt.

Swear hindi nako uulit pang umakyat dito.

Nasa kalahatu palang ako ng over pass ng biglang may bumunggo saakin kaya nabitawan ko ang mga bitbit ko at napaupo ako sa sahig.

"A-ahhhhh!!! " tanging nasabi ko sa sobrang sakit ng pwet ko, tinignan ko yung naka bangga saakin, isang lalaki pamilyar sya sakin pero "di mo ba ko tutulungan? " mataray na sabi ko dahil nakatingin lang sya sakin.

Hindi nya ko sinagot at tuminhin lang sya sa relo nya.

"Hindi mo ba pupulutin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang syang tumakbo papalayo saakin.

"Ugghh, jerk!!! " inis na sigaw ko, bwisit malas malas malas talaga.

A/N
Thanks anyway miloves.

Vote if you Like and Comment your Reactions.

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now