👸chapter13👷

27 2 0
                                    

Andrey Lee POV

Hindi ko alam kung paano ako mag rereact ngayon, kaharap ko ang building na unti unting dumudurog ng pag katao ko.

Audrey, pakiusap panatilihin mong ligtas ka, dahil hindi ko kakayanin na mawalan pa ko ng pamilya. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala sakin.

Unti-unting dinudurog ang puso ko kasabay ng pag guho ng bawat parte ng gusaling kinalalagyan ng kapatid ko. Ang mga luhang matagal ko ng hindi nararamdamang dumadampi sa pisngi ko ay parang mga preso na nag wawala matapos makalabas sa bilangguan. Nag uunahan at tila hindi maubos ang bawat pag patak.

Maraming nag sisigawan sa paligid ko, mga ingay ng ambulansya na sunod sunod ang pag dating, pero nananatili mas malakas ang tibok ng puso ko, na halos dumagundong ang buong mundo ko.

Kapatid ko, parang awa mo na, ipangako mong buhay ka pa at humihinga. Hindi ko kaya... Hindi ko kaya...

"Sir, tatagan nyo po ang loob nyo, ligtas si Ms. Audrey, naniniwala ako"

Hindi ko magawang makinig kahit kanino, pag katapos kong marinig ang mga salitang pwedeng pumatay sakin, parang ayoko ng tumanggap pa ng kahit ano mang salita galing sa iba.

"S-sir, sorry po, kasalanan ko to" umiiyak na sabi ni Tritney, at oo, gusto kong isigaw sa kabuuan nya na kasalanan nya, sya ang yaya ng kapatid ko, sya dapat ang kasama lagi ng kapatid ko, pero wala sya sa tabi ng kapatid ko ng oras na kaylanganin nya ng hihila sa kanya sa kaligtasan.

Eto... Eto yung pakiramdam na wala akong magagawa, kundi ang manisi kahit hindi dapat.

Inihakbang ko ang mga paa ko papalapit sa gusali, inihakbang ko ang mga paa ko palapit sa kapatid ko, kaylangan nya ko, kaylangan ako ng kapatid ko, kaylangan nya ko ngayon.

Patuloy sa lag agos ang mga luha ko habang pinag mamasdan ang gusaling gusto ko ngayong isumpa.

Bawat hakbang ko ay sobrang bigat, pero hindi ko magawang tumigil.

"Sir. Hanggang dito nalang kayo, hindi na kayo pwedeng lumapi-"

"Fuck off" malamig na sabi ko sa pulis na humarang sa dadaanan ko, natigilan sya habang napapalunok na pinag mamasdan ang mata kong nakatitig sa kanya.

Wag mo subukang humarang, kakalimutan kong pulis ka.

"P-pero sir, delekado-"

"Manahimik ka na, hindi ako tanga alam kong delikado dan, kaya suaunduin ko ang kapatid ko!! " galit na sigaw ko sa. Pulis kaya natigilan sya ng saglit.

Hindi ko na makilala ang sarili ko, anong nangyayari sakin, ang gusto ko lang naman ay makita at mahawakan ang kapatid ko.

"Sir, pasensya na po talaga, hindi na po kayo pwedeng lumapit, hayaan nyo nalang po sa mga rescue team ang pag hahanap sa kapatid nyo"

Hindi ko sya pinakinggan nag lakad lang ako pero patuloy nya kong hinaharangan, dalawa na ang humaharang sakin, pero hindi parin ako natigil.

"Padaanin nyo ko, nag mamakaawa ako" umiiyak na sabi ko.

"Kami ng bahalang mag hanap sir, kaya tama na dahil mas matatagalan kami kung pati kayo aasikasuhin namin!! " galit na sigaw nung isa.

"Kaylangan ako ng kapatid -" natigilan ako sa pag sigaw ng may dumapong kamao sa muka ko, napahiga ako at halos hindi makatayo dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko na sinubukang bumangon, hindi ko kaya. Ang sakit sa dib dib.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang binabanggit ang pangalan ng kapatid ko.

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now