Audrey POV (chapter 9)
NAKALAYO na yung dalawang kumag, pero ako ito, tulala dala ang malaking kahihiyan.
"Audrey, your acting wierd today, may problema ba? " tanong saakin ni kuya pero dahan dahang umiling lang ako at nag lakad palayo,
"Tritney, sundan mo nga si Audrey baka kung anong gawin non"
Tsk, nakakainis ano ba kasing nangyayari sakin, nakarating ako ng washroom at agad kong tinanggal yung blazer na nakapatong saakin.
At lalo akong nainis ng makita ko ang nakabakat na yayamaning paraiso ko.
"Ughhh, naiinis ako sayo!! " inis na sigaw ko, ano ba kasing meron sa lalaking yon, ang malassss...
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang sg bukas ang pinti ng washroom at pumasok si Tritney.
"Ohh Clee, kinuha na kita ng uniform , small ang size mo diba? " tanong sakin ni Trit habang nilahad yung uniform na naka balot pa sa clear Plastic na may sealed .
Hindi ko nalang sya sinagot at kinuha ko agad yung uniform at dumaretso sa cubicle.
Hindi mawala yung inis ko, hanggang ngayon feeling ko may kung ano mang bola sa loob ng dib dib ko na nakabara.
Ng matapos ako ay agad kaming pumasok ni Trit sa Homeroom namin, at pinag mamasdan ko yung blazer na pag aari nung lalaki.
"Clee, bakit hindi mo pa isauli yang Blazer, baka mapagalitan yung lalaki kasi walang suot na Blazer" mahinang sabi sakin ni Trit, pero inirapan ko lang sya.
"Bahala sya, pati ba naman yun kasalanan ko pa! " inis na sabi ko sakto namang dumating na ang Lecturer namin kaya hindi ko na naisip pa yung bwisit na yun.
Bwisit sya. . .
Nasa kalagitnaan kami ng klase namin ng biglang may kumatok sa may pinto ng room namin kaya napatingin kaming lahat doon.
Si Ate Clariz, kaya napangiti agad ako ng tumingin sya sakin, Sya ang President Student Council.
"Excuse Ms, sorry for interrupting your class, i just want to call for Ms. Audrey Mendez" taka ko syang tinignan, bakit kaya
"Make it past!" Masungit na sabi ng Lecturer namin, pero parang baliwala lang kay Ate Clariz.
Tumango si ate Clariz saka bumaling sakin, tumayo narin ako bilang pag galang sa Senior ko.
"You need to turn back the Blazer of Mr. Enrique, right after your class Ms. Mendez, he's in the detention Room." gulat akong napatingin kay Ate Clariz. "That's all Ms. Thank you and again Sorry! " nakangiting paalam ni Ate Clariz bago tuluyang umalis.
Agad agad,detention agad...
Umupo na ako agad, pero kung kanina nagawa ko pang alisin sa utak ko ang lalaking yun, ngayon ay walang segundo ang wala sya, at naiinis ako..
'Uggghh, this is all your fault perv!! '
Ng matapos ang klase ay nag paalam muna ko kay Trit para ibalik ko ang Blazer nung lalaki, dapat si Trit na ang ipag sasauli ko kaso, kinunsensya naman ako bwisit.
Nasa tapat na ko ng Detention Room pero nag dadalawang isip parin ako.
Bahala na si batman.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto at napapalunok pa ako, hinanap ko agad kung saan nakaupo yung lalaki, nakita ko sya sa di kalayuan, nakaupo habang mah hawak na notes,
Hanggang Detention nag aaral, Good boy huh.
Kinlaro ko ang lalamunan ko at hindi naman ako nabigo na pansinin nya ko at lumingon sya.
"A-ahhmm, y-yung Blazer mo" utal na sabi ko saka nilahad ko yung Blazer nya, tinignan nya ko bago nya sinulyapan ang Blazer nya.
Teka bakit nga ba ko nauutal, bakit ako natatakot, psss Audrey dapat taraan mo sya.
"Ano tititigan mo nalang, ohh bingi ka lang!! " inis na sabi ko sa kanya, pero hindi manlang sya natinag, nakatitig lang sya saakin.
'Ugghhhh, anong problema nya? '
Natigilan ako ng dahan dahan syang tumayo at kinuha ang bag, naglakad sya papunta saakin, daretso sa mata ko ang tingin nya, naka ilang lunok ako bawat hakbang nya napapaatras ako, bigla akong kinabahan ng ilang hakbang nalang ang pagitan namin.
'Ano bang ginagawa nya? '
"B-bakit ganyan ka makatingin? " pinilit kong maging kaswal at hindi mautal pero, hindi ko magawa ng maayos.
Hindi sya nag salita at lumapit parin sya sakin.
"Salamat"
Nakita ko nalang na nasa kanya na yung Blazer nya at isinusuot nya ito.
"Mag papasalamat naman ako ehh, inunahan mo lang ako" mataray na sabi ko sa kanya pero hindi manlang nya ko nilingon. "S-salamat!! " pinilit kong maging mataray at sungitan sya bago ko nag lakad palabas ng Detention room.
Ughhh, nakakainis....
Pag labas ko nakita ko si kuya at ate Clariz na magkasama.
"Ohh Hi Audrey, anong ginagawa- Ace, nakasuot ka na ng Blazer, pwede ka ng lumabas dyan! " nakangiting sabi ni Ate Clariz.
"Audrey, may klase ka pa ba? " tanong saakin ni kuya
"Meron pa"
"Late ka na"
"Oo, papasok na nga ako ehh, sige ate Clariz una na po ako bye kuya!! " paalam ko at nag punta na ko ng Homeroom.
YOU ARE READING
When ms.shop'aholic meets mr.work'aholic
Ficción GeneralWhat if. . . You trapped with somebody else, Yung babaeng loudmouthed, maarte, masungit, yung babaeng walang alam kundi ang tumawag ng 'Yaya!!!!' Yung babaeng walang 'alam' talaga. . yung nakakaubos ng pasensya. What if. . . You trapped with someb...