👸Chapter5👷

28 4 0
                                    

Audrey POV (Chapter 5)

"Ms. Audrey bakit parang gutom na gutom kayo, hindi po ba kayo kumain kanina? " tanong ni aling Trisha saamin ni Trit, paano naman kasi, pag kauwi namin, nag pahanda agad ako ng kakainin, at kahit mainit pa ay kinain ko na.

Hindi ako sumagot sa tinatanong ni Aling Trisha, kaylangan kong kumain.

"Hindi po kami nakakain kanina mama, ang dami kasing tao sa mall eh" si Trit na ang sumagot.

"Nako, kayong mga bata kayo, sanay na sanay mag papagutom, wag nyo ng mauulit yan! " pag sesermon saamin ni Aling Trisha.

"Opo ma, pasensya na po"

Hindi ko magawang sumabat sa kanila, dahil gutom talaga ako.

Pag katapos naming kumain ay dumaretso agad ako ng kwarto ko, at tinignan lahat ng pinamili ko.

Pero nasa ganong tagpo ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, hindi pa ko nakakalapit ay nag bukas na ito.

"Tsk, kuya ano ba, basta basta ka nalang nag bubukas ng pintuan ko!! " inis na singhal ko sa kapatid ko, halatang kadadating lang nya dahil naka uniform pa sya.

"Nag punta ka nanaman ng mall? " bungad saakin ni kuya, hindi ko sya nilingon pa.

"Hmmn, kasama ko si Trit" kaswal na sagot ko dito.

"Oo, makakaalis ka ba naman ng walang yaya! " inis na sabi ni kuya saakin, hindi ko parun sya nilingon.

"Tsk! " singhal ko nalang, habang tinitiganan ang mga bagong damit ko.

"Nag cut ka ng class" kaswal na saad ni kuya, pero nakakatakot.

Natigilan ako, at unti unti akong lumingon sa pwesto ni kuya Lee, seryoso sya habang nakahawak sa kurbata nya at niluluagan ang pag kakalagay sa colar nya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"P-paano mo naman nalaman? " utal na sabi ko.

"Pinuntahan kita sa room mo, kanina, hindi mo naiisip na pwede kong gawin yun? " seryosong saad nya, nakakainis, nakakatakot sya pag ganyan.

"N-nag punta lang kam-"

"Nag punta Lang? Bakit parang mas mahalaga pa yung pag punta mo sa mall kesa pag attend ng klase? " medyo napataas na ang tono ng boses ni kuya Lee, kaya napatungo ako.

"H-hindi ko na uuli-"

"Dahil hindi mo na pwedeng ulitin!! "

"S-sorry-"

"Gawin mo nalang" mahinang tugon ni kuya pero nakakatakot parin.

Narinig ko nalang ang pag sarado ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwag, pero ang bigat ng dib dib ko, feeling ko ganon kalaki ang kasalanan ko ngayon.

Pabaksak akong napaupo sa kama ko, dahil sa bigat ng nararamdan ko ngayon, parang napakalaking konsensya ang tumama saakin.

Dahil sobrang halaga ng pag aaral kay kuya Lee, lagi nya kong pinangangaralan sahalaga ng pag aaral, nakuha nya yun kay mommy, dahil sa mahirap na angkan lang galing si mommy hindi sya nakapag tapos manlang, kaya bago sya mamatay non, hiniling nya na sana makapag tapos kami ni kuya ng may pag papahalaga sa edukasyon. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ka tindi ang epekto ng sitwasyon ni mommy sa pangangaral ni kuya saakin tungkol don.

Lagi saking pinauulit ulit ni kuya yon, pero hindi ko naman binibigyang pansin, hindi ko pinahahalagahan, katwiran ko, pasado ako at kaya kong makakuha ng mataas na marka kahit hindi ko itutok ang mga mata ko sa libro gaya ng pag tutok ni kuya.

Bahala na nga, lilipas din to. Tama, bukas oh mamaya wala na rin ang tensyon na to. Inayos ko nalang yung mga damit at isinalansan ko sa walk-in-closet ko.

Nag linis ako ng katawan ko para makapag palit ng damit, tinutuyo ko ang buhok ko ng mapatungin ako sa orasan na nakapatong sa study table ko.

"7:00 pm na" mahinang turan ko.

Nag taka ako dahil walang tumatawag saakin para mag hapunan. Kaya nag ayos ako ng sarili at bumaba.

Nakasalubong ko agad si Aling Trisha, sa may sala kaya agad ko syang tinanong.

"Aling Trisha, hindi ba kayo nag luto ng hapunan? " tanong ko dito

"Ms. Audrey, kanina pa po ako nakapag hain ng hapunan, hindi po ba kayo tinawag ni Sir. Andrey? " takang tanong ni Aling Trisha, gusto ko sanang sabihing 'malamang' kaso wag na.

Hindi ko nalang sya sinagot pa at nag punta na ko sa dining area, agad kong napansin si kuya na nakaupo sa may kitchen island, kumakain sya don. Kaya kunot noong nilapitan ko sya.

"Kuya di mo ko tinawag, para sa hapunan! " nataray na sambit ko dito.

Pero taka akong napatingin sa kanya ng bigla syang tumayo at dinala ang kinainan sa lababo, nag hugas sya ng kamay at nag punas, bago sya tumingin saakin.

"17 years ka na, araw araw kang nag hahapunan kaylangan parin bang ipaalala sayo yan" kaswal na saad nya saka nya ko tinalikuran at umalis ng hindi manlang nag papaalam.

Naiwan akong tulala at hindi makagalaw, parang tinusok ng karayom ang parting dibdib ko, dahil sa pakikitungon ng kuya ko saakin.

Galit parin sya saakin.

Sinulyapan ko ang pagkain sa lamesa, para kong nawalan ng gana bigla, madami na yung nakain ko kanina, s
Yun ang dahilan kung bakit hindi ko naalala ang hapunan, dahil busog pa ako.

Buntong hiningang umakyat ulit ako sa aking kwarto, at humiga, dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko,

Kinuha ko nalang ang Laptop ko at nag online nalang sa facebook. Nag browse nalang ako ng nag browse sa news feed, pero hindi ko magawang bigyang pansin ang mga nakikita ko.

Ang nasa isip ko ay si Kuya Lee, galit sya sakin, at parang ang laki ng epekto non saakin.

Nakalipas na ang usang oras na ganon lang ang ginagawa ko, ni hindi manlang ako dapuan ng antok.

Bahala na nga, pupunthan ko nalang si kuya, at mag sosorry ulit ako sa kanya. Bahala ba si batman.



When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now