👸Chapter14👷

43 3 0
                                    

Andrey Lee POV

PINAKALMA ko ang sarili ko, matapos akong kausapin ni daddy nag karoon ako ng panibagong lakas, panibagong lakas para umasa.

Buhay ang kapatid ko, buhay sya.

Pinatawag ni daddy lahat ng rescue team, ginamit nya ang pagiging mataas nya para mapasunod ang lahat ng tao sa paligid nya, kaya malakas talaga ang pag asang nabubuo ngayon saakin.

"Captain, we have now the list of still missing!! " napatingin kami ni daddy at captain sa isang lalaking nanakbo patungo saamin.

"Ilan lahat? "

"Dalawa Captai-"

"What? " gulat akong napatayo na dahilan ng pag tigil ng pag uusap nila.

Tangina.....

Tangina.....

Dalawa,, sa dami ng na sa mall, sa dalawang yun bakit si Audrey pa... Masama ang loob ko, dahil parang ginagago kami ng tadhana.

"Calm down son" pag papakalma ni daddy sakin kaya napaupo ulit ako.

I cant believe this happening!

"Sino ang naiwan sa loob? "

"Nakompirmang kasama talaga sa naiwan si Ms. Audrey Clee Mendez-" napapikit ako sa narinig ko, hindi ko parin matanggap "- at ang isa ay trabahador ng mall, janitor ito dan, Ace Enrique"

Kingina....

"Captain padating na din po ang mga tao natin mula sa ibang lugar-"

Napatigil sa pag sasalita ang lalaki ng biglang may mga sasakyan na nag datingan, ang mga rescue na tinawag ng daddy ko, nakadating na sila.

"Move! Move! Move! " sigaw ng isang parang may mataas na katungkulan sa kanila.

Nag sipag babaan ang mga man at nilapitan ang patuloy na gumuguhong gusali.

'Please audrey, intayin mo kami, tutulungan ka namin dan'

Nanatiling tuliro ang utak ko, habang pinapanood ko ang mga rescue man na tinatanggal ang mga nag kalat na bato sa paligid ng building.

"Sir. Mahihirapan tayong mahanap ang anak nyo, sa lawak ng mall, hindi natin malalaman kung nasaan sya, lalo na at may isa pang nawawala. Mahuna na ang gusali at isang maling galaw, maaaring tuluyang gumuho ito, malaki naman ang tsansang makita natin ang anak nyo, pero ang maabutang buhay sya ay malabo"

Para kong nabingi, bumilis ang tibok ng puso ko, para kong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo, ang sakit... Ang sakit sa dib dib habang iniisip ko kung anong kalagayan ng kapatid ko sa loob ng gusali

"Please Captain, as much as possible, i want my daughter back, and still breathing " maotoridad na utos ni daddy,

"Gagawin namin ang lahat, ng aming makakaya, pero sa ngayon kaylangan muna naming pag aralang mabuti ang blue print ng gusali para maiwasan ang mga pag guho pa"

Sapo ang ulo ay nalaupo si daddy sa tabihan ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para gumaan ang pakiramdam nya, gayong ako mismo nag wawala ang kalooban sa sobrang kaba, alam kong mahina si daddy ngayon pero pinipilit nyang maging matatag para sakin... Para kay Audrey, kaya hanggang maaari ay pinipigilan kong ipakita ang nararamdaman ko, pagod sya galing sa trabaho at galing sa byahe, wala pang pahinga at wala pang tulog. Hindi ko nanaman maiwasang sisihin ang sarili ko.

'Sorry dad, sorry Audrey'

"Sir, kape muna kayo, kaylangan nyo ng lakas para kay Audrey"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now