👸chapter 1👷

66 4 2
                                    

•ACE POV•

"Nay, 150 pesos, para sa pinaka magandang babae sa balat ng Santiago! " patalon Kong nag punta sa harap ni nanay at nakayuko Kong iniabot ang pera sa kanya

Nag lalaba ang nanay sa may bakuran namin,

"Nako ka talagang bata ka, lagi mo nalang akong ginugulat!!! " sigaw ni nanay habang nakaambang ibabato sakin ang iskoba nya.

"Nay, lalo kang gumaganda kapag nagugulat ka!! " sabi ko habang patakbong nagtungo sa likod ng haligeng nakatayo malapit sa poso.

"Wala akong pakialam kung pumangit ako, isa pa talaga, babanatan na kita!!! "

"Nay naman, sige na hindi na po, ibaba mo na yang iskoba mo, hindi yan ang gamit ko kapag nag-hihilod ako." nakangiting sabi ko habang sumisilip sa pwesto ni nanay.

Ng ibaba na nya ang iskoba na hawak nya ay nag lakad na ko papalapit sa kanya, at iniabot ko ang pera na hawak ko kanina pa.

"Baka naman maubusan ka ng pera nan Ace! " kunot noong sambit ni nanay sakin habang nakatingin sa perang hawak ko.

"Hindi nay, kayang kaya Kong kitain ulit yan, asan nga po pala si Jamia? " pag hahanap ko sa kapatid Kong babae habang lumilinga sa kabuuang ng bakuran namin.

"Puntahan mo nga pala sa Computer shop, gagawa daw sya ng project nya, kanina pa yun! "

"Sige nay, alis na muna ko! " paalam ko Kay nanay palabas ng kahoy naming gate.

Lakad at takbo Kong pumunta sa shop na kinaroroonan ng kapatid ko, ng makapasok ako ay hinanap ko agad sa mga ulong nakikita ko ang isang pink na head ban,

'Tsk, lagi nalang sa dulo pumupwesto! '

Iiling iling akong lumapit dito.

"Jamia, kanina ka pa daw sabi ni nanay! " mahinang tanong ko sa kapatid ko habang pinag mamasdan ang ginagawa .

"Kuya, nahihirapan akong i-abbreviate yung mga sentence, kulang na kasi yung pera ko kaya pinag kakasya ko lang sa limang pages" nakangusong sabi ng kapatid ko.

"Ako nga, tulungan na kita Dan, baka sumakit yang Mata mo kakatitig dyan! " sabi ko sa kapatid ko, inalis nya ang kamay nya sa keyboard at mouse, pumwesto ako sa likodan ng kapatid ko at ako ang nag ayos ng gawa nya.

Ng matapos ako ay pina-print na ng kapatid ko ito, sadyang dapat kaming mag tipid dahil hirap kaming kumita ng pera para pag kagastusan ang lahat ng pangangailangan namin, hindi kami mayaman, pero masaya naman kami, meron kaming buo at maayos na pamilya, kahit kapos ay hindi namin naisip gumawa ng masama, gaya ng tamang turo ng isang magulang, natuto kaming gumalang at magpakumbaba, hindi kami kaylan man naghangad ng mas hihigit pa sa natatanggap namin, natuto kaming makuntento sa paraang meron at alam namin.

Nag hahanap buhay ang tatay ko isang karpintero sa bayan, minsan ay na extra ang nanay sa pag lalaba ng damit ng kapit bahay, para kumita at pang dagdag laman ng sikmura natuto din akong mag trabaho bilang isang janitor sa mall, at minsang kargador din sa palengke.

Ito ang buhay na kinagisnan ko, aangat at uunlad ako sa paraang alam at pag sisikapan ko. Yan ang paniniwala at ang pinanghahawakan ko.

"Jamia! " tawag ko sa kapatid ko bago kami makarating ng gate namin

"Bakit kuya? "

"May assignment ka pa ba, oh project? "

"Wala na po! "

"Tulungan mo na si nanay sa pag lalaba huh! "

"Mmn, iaayos ko lang tong mga paper work ko kuya! " tumakbo na ang kapatid ko papasok ng bahay namin, ako naman ay dumaretso Kay nanay.

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now