Audrey POV (chapter 8)
NAKALABAS na kami ng prisinto nila kuya pati yung Ace at Trav, fouls alarm lang ang ganap.
"Bro, pasensya na talaga sa abala, hindi ko talaga alam kasi ang gagawin " pag papaumanhin ni kuya, tinanguan lang sya nung Ace saka tumalikod at nag lakad papalayo.
"Sige, una na kami! " nakangiting paalam nung Trav saamin bago sumunod kay Ace.
"Gusto nyo, ihatid ko na kayo, saan ba punta nyo? " habol ni kuya bago makalayo ng tuluyan ying dalawa.
"Hindi na, malapit lang naman kami eh, salamat nalang! " nakangiting sabi nung Trav, bago tuluyang mag lakad papalayo.
Napatungo nalang ako ng bumaling saakin ang paningin ni kuya. Patay na.
"Sakay na" kaswal na saad ni kuya, pero ramdam ko ang pagkainis nya.
Sumakay na din ako at walang nag salita saamin hanggang makarating kami ni kuya ng bahay.
Agad naman kaming sinalubong ng pamilya ni Tritney,
"Ms. Audrey, okay ka lang ba, may masakit ba sayo, nasaan na yung lalaking kumuha sayo nakulong na ba, gaano katagal ang ihinatol sa kanya, nasaan yun at bubugbugin ko, huh Audrey anak ano kamusta ka!! " sunod sunod na tanong ni aling Trisha, pero hindi ako sumagot at nakatitig lang ako sa kanila, nakita ko din si kuya na nilagpasan kami at dumaretso sa taas.
"Ma, natrauma na ata si Ms. Audrey" alalang sabi ni Mang Berney
"Clee, okay ka lang ba? "
Alam mo yung inis ko, umabot na sa limitasyon ehh, gusto kong mag pakalunod.
"Aling Trisha, saan nyo b kasi nakuha yung na kidnap ako, huh!! " inis na singhal ko, pasensya na talaga naiinis ako.
"Ahhh huh?, bakit anak ano bang nangyari? "
"Uggghhh, lumabas lang ako para mag pahangin!!! " inis na sigaw ko. Kaya medyo nagulat sila at nag katinginan pa.
"Ehh, kasi hindi naman kasi kami sanay na lumalabas ka ng bahay, kaya ayun ang biglang pumasok sa isip namin ng hanapin ka ng kuya mo at hindi ka namin makita. " paliwanag ni Mang Berney
"Oo nga, hinanap ka kasi ni Sir. Andrey, may dala pa nga syang pag kain para daw sayo kasi hindi ka kumain, kaya tuloy baka may nangyari sayong hindi maganda" dagdag ni Trit.
Si kuya may dalang pag kain para saakin, whaaaa hindi na nga sya galit saakin, napangiti akk bigla at tumakbo papasok ng bahay, at nag madali akong pumasok ng kwarto.
Nakita ko pa sa kama ko yung pag kain, medyo gulo pero hindi naman natapon kaya kakainin ko parin, tutal nagutom naman ako.
Habang nakain ako ay biglang napaisip ako tungkol dun sa lalaki kanina na nag ngangalang Ace.
Nag tataka lang kasi ako, bakit kaya naka uniform sya ng lang janitor sa mall, kasi kung mahirap lang sya, bakit dun sya nag aaral sa school na pinapasukan ko, ang alam ko ehh exclusive lang yun pala sa may mga pera, saka dito sa subdivision nato, halos lahat ng tao dito may pera at mayayaman, ahhhhh ewan ko bahala na nga sya sa buhay nya.
Dinala ko na sa kitchen yung pinag kainan ko, saka ko nag toothbrush at dumaretso sa kama para matulog na.
KINABUKASAN maaga kaming nakarating ng school ni Tritney, himala dahil hindi kami nag habol ng oras.
Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain, okay lang bagalan dahil maaga pa nga para sa takdang oras ng unang klase.
"Clee, bakit kanina ka pa lingon ng lingon, may hinahanap ka ba? " tanong saakin ni Tritney ng mapansin nya ang pag lingon ko kung saang sulok ng cafeteria.
"W-wala, wag mo kong pansinin! " agad na sabi ko at nag kunwaring nag tuloy sa pagkain.
Tsk, ano bang problema ko, bakit ko ba sya inaantay, bakit ko ba inaabangan ang pag dating nya, naiinis ako...
Hindi pwede.. Kinuha ko yung libro kk at sinimulang libangin ang sarili sa mga notes, kinuha ko narin ang Laptop ko para makapag Browse narin,
Ohh ayos to ahhh, Meteor Showers Calendar. Hmmmn interesting..
"Quadrantids Meteor, Active from January 1st to January 10th , 2018" mahinang basa ko habang nakatingin sa Laptop ko.
Hahaha, ayos ahhh,
"Lyrids Meteor, Active from April 16th to April 25th , 2018"
Binasa ko pa ng paulit ulit ang lahat ng klase ng meteor shower sa buong taon na to, ayos kasi ang lakas makahatak ng mata.
"Nagawa ka na ng Research clee? " tanong saakin ni Tritney kaya nilingon ko naman sya.
Pero may nahagip ang mata ko sa Entrance ng Cafeteria
Perfect build of body, messy hair with light brown dye, and almond black eyed.
Napalunok ako sa lalaking kakapasok lang, suplado at maarte, yan ang mababasa mo sa kilos nya.
Agad akong napaiwas ng tingin ng biglang mapalingon sya sa pwesto ko, ano ba Audrey, umayos ka nga, ano bang problema mo, imposible kasi ehhh...
Tsk, baka kaylangan ko lang humingi ng tawad sakanya, nakukunsensya lang siguro ako, oo tama.
Pero langya lang naman, nakahingi na nga si kuya ng dispensa saka wala naman akong kasalanan.
Oo tama yun nga,
"Haaahh!! " malakas na buga ko ng hangin saka isinara ang laptop ko at tumayo.
"Clee!!! " sigaw ni Trit saakin pero huli na dahil nakatayo na ko.
"Ahhhhhhh!!! " sigaw ko ng dahil sa gulat dahil hindi ko alam na may tao pala sa likod ko at nadali ko sya ng hindi sinasadya.
At ang malala pa, natapunan ako ng juice, basang basa ang damit ko.
"Ugggghhhhh!!!! " inis at gigil na sigaw ko habang pinag manasdan ang basang uniform ko.
"Nako ms. Pasensya ka na!! " rinig kong pag dispensa nung isang lalaki.
"Bakit kasi dan kayo pumupwesto-" natigilan ako ng makita ko kung sinong nilalang yung nasa harapan ko ngayon.
Perfect build of body, messy hair with light brown dye, and almond black eyed.
Ano ba Audrey,ayan ka nanaman ehhh, itigil mo nga yan..
"Clee okay ka lang ba? " natauhan ako sa pag lapit ni Trit saakin.
"Uggh, Triney Lucas, ano sa tingin mo huh? " inis na sigaw ko dito. "At ikaw naman, nakakailan ka na huh, sinasadya mo na ata na mabangga ako ehh!! "
"Excuse me Ms. Mendez, pasensya na pero-"
"Hindi ikaw ang kausap ko, pareho kayong antipatiko!! " inis na sigaw ko sa mismong pag mumuka nila.
"Audrey anong problema dito? " napalingon ako sa nag salita at nakita ko si kuya na papalapit saakin, napansin ko din na saamin na pala nakatingin ang karamihan.
"Kuya Andrey, si Clee natapunan ng juice ehh! " paliwanag ni Clee at tinignan naman ni kuya ang kabuuan ko.
"Change your cloths now Audrey" kaswal na saad ni kuya sakin kaya gulay ko syang tinignan.
"Kuya, look what he done to me, and your telling me to go now!! "
"And what are you want to do then? "
"Lets make it pair" nakangising sabi ko kaya kinuha ko na yung baso ng juice at humarap dun sa Ace.
Pero laking gulat ko dahil pag harap ko sa kanya ay may pumatong na blazer sa katawan ko.
"Mag bihis ka na, sorry di ko sinasadyang tapunan ka" kaswal na saad nya sakin saka ako tinalikuran ako at nag lakad palayo.
Bigla akong namula ng maisip ko kung bakit nya ko pinatungan ng Blazer nya.
Ugggghhhh.
YOU ARE READING
When ms.shop'aholic meets mr.work'aholic
General FictionWhat if. . . You trapped with somebody else, Yung babaeng loudmouthed, maarte, masungit, yung babaeng walang alam kundi ang tumawag ng 'Yaya!!!!' Yung babaeng walang 'alam' talaga. . yung nakakaubos ng pasensya. What if. . . You trapped with someb...