👸Chapter10👷

28 4 0
                                    

Audrey POV (chapter 10)

Tapos na ang lahat ng klase namin at uuwi na kami ni Tritney sa bahay.

"Hindi ka ba pupuntang mall ngayon Clee? " tanong saakin ni Trit ng makasakay ako sa kotse.

Napabuntong hininga lang ako,pass muna ako ngayon kasi kakabati lang namin ni kuya.

"Baka bukas nalang, kaka ayos lang namin ni kuya ehh"

Nakauwi na kami ng bahay at sakto naman kadadating lang din ni kuya, may sariling kotse na kasi sya.

Dumaretso ako ng kwarto ko para makapagpalit ng damit, at mag toothbrush narin, 5:30 palang pero parang sobrang dilim na sa labas, pakiramdam ko sobrang lungkot ng paligid ngayon, parang may hindi tama sa nararamdaman ko ngayon.

7:00 ng tawagin ako ni kuya para kumain, hindi ko alam pero pakiramdam ko ang tahimik at sobrang lungkot lang talaga, kahit wala namang nag bago sa lahat.

Pagkatapos kumain ay dumaretso ako sa kwarto ko para maligo at mag toothbrush, habang tinutuyo ko ang buhok ko ay napasulyap ako sa litrato namin ni mommy, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan,,

'Ano ba tong nangyayari sakin? '

Inihiga ko nalang ang sarili ko ng matuyo ang buhok ko.

'Kalma lang Audrey, napagod ka masyado'

Ipinikit ko ang mata ko pero nakalipas na ang kalahating oras ay hindi parin ako nakakatulog.

Biglang sumagi sa isip ko si kuya, at parang may kung ano man ang nag turulak sakin na puntahan sya.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko ,ay nakira ko nalang na nag lalakad ako lapunta sa kwarto ni kuya dala ang Comforter na nakabalot sa katawan ko.

Hindi ako nag abalang kumatok pa at pumasok na ko sa kwarto ni kuya, nakita ko syang nakahiga sa kama nya at nakapikit, dahan dahan akong lumapit at humiga sa tabihan nya.

"Fuck!! " bulalas ni kuya ng makita nya kong balot na balot at nakahiga sa tabihan nya. "Whats wrong, may sakit ka ba? " alalang tanong ni kuya saka nya tinanggal ang balot na comforter saakin at hinawakan an leeg at noo ko.

"Dito ko tutulog kuya" mahinang sabi ko habang pumipikit ang mata.

"Audrey wala ka namang lagnat, ano bang problema? " tankng ni kuya pero hindi ako nag salita at umiling lang ako bilang sagit ko. "Audrey hindi ka na pwedeng matulog dito, bakit ba ano bang nangyayari sayo huh!! " sigaw na sabi ni kuya habang inaalog pa ko para magising.

"Kuya dito muna ko please, gusto kita katabi ehh" inaantok na sabi ko sakanya.

"Pero Audrey-" narinig ko ang malutong na pag buntong hininga ni kuya saka inayos ang nakaladlad na buhok ko sa muka. "Sige, pero sa couch ako huh" rinig kong sabi ni kuya pero hindi na ko sumagot pa, naramdaman ko nalang na gumalaw ang kama at ilang mga yabag ang narinig ko.

Medyo kumomportable ang pakiramdam ko at nawala ang takot sa dib dib ko, kaya natulog na ko.

NANG MAGISING ako si kuya agad ang nakita ko na natutulog sa couch, napangiti nalang ako ng makita kung paano pinag kasya ni kuya ang sarili nya sa couch, malaki ang couch pero hindi sasapat sa katawan ni kuya para makahiga ng maayos.

Tulog pa si kuya kaya panigurado ay maaga pa, pero tumayo narin ako at nilapitan ko si kuya, inayos ko ang Comforter na nakalaylay na sa sahig, saka ko dahan dahang lumabas ng kwarto nya. Kung ano man yung nararamdaman kong takot kagabi ay nawala na ngayon, kaya medyo masaya at okay ako pag kagising.

Wala nga palang pasok ngayon, sabado at ang unang pumasok sa isip ko ay ang mag shopping .

'Whooa, parang ang tagal na nung huling shopping ko ahh'

Excited akong pumunta sa kwarto ko para maligo at mag toothbrush, lagkatapos ko ay pumunta ako sa kusina at naabutan ko doon si Aling Trisha.

"Ohh iha ang aga mo naman, may pupuntahan ka ba? " tanong saakin ni Aling Trisha, tila gulat sa nakikita nya ngayon.

"Wala naman po, pwede bang ako ang mag luto ng agahan ngayon? " nakangiting sabi ko kaya nanlalaki ang mata nyang nilingon ako.

"Seryoso ka ba dan iha? "

"Hmmn, pero dito lang kayo, hindi ako marunong ehh, baka kung ano ang magawa ko" natatawang sabi ko, tumawa lang din si Aling Trisha saakin.

Sinimulan ko ng mag luto ng agahan, at ang Toasted Bread lang ata ang nagawa ko ng tama sa lahat ng niluto ko.

'Thanks to Toaster'

"Makakain pa ba yan? " tanong ko habang pinag mamasdan ang mga niluto ko.

"Hindi naman sunog ehh, nasobrahan lang sa luto, pwede pa yan, ganun parin naman ang lasa" sabi saakin ni Aling Trisha, kaya napanatag naman ako.

Habang nag aayos kami ng Table, nakita ko na si kuya na pababa kaya gulat na gulat sya ng makita nya ko.

"Audrey, ako lang ba to, ohh maaga ka talagang magising" tanong ni kuya

"Sir. Andrey, iho, hindi lang maaga si Audrey, sya pa ang nag luto ng agahan ngayon!! " nakangiting sabi ni Aling Trisha kaya mayabang akong tumingin kay kuya.

"Pag iisipan ko kung kakain ako" kaswal na saad ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang sama mo talaga!! " sigaw ko dito.

"Tsk, ano kayang mas masama ako oh yang luto mo, bakit ganyan yan? " tanong ni kuya habang sinusulyapan ang mga nakahanda.

"Okay namab ang lasa, saka hindi yan sunog, overcook kang yan!!! " sigaw ko dito.

"Sige na matikman nga, yabang yabang"sabi ni kuya saka umupo, kaya umupo narin ako. "May pupuntahan ka ba? "

"Hmmn, sa mall sana" nangangapang sabi ko, baka kasi sigawan at magalit sya sakin.

"Okay, isama mo si Tritney huh" sabi ni kuya habang nakain, kaya lihim akong napangiti.

'Ayos!! '

A/N
Hi miloves, thanks anyway'
Kaway kaway naman dan, walang date ang next Chapter, bur as soon as possible, promise mababasa nyo na yun within this week, thanks.

Vote and Comment miloves, spread the love....

When ms.shop'aholic meets mr.work'aholicWhere stories live. Discover now