The big Incident (Andrey Lee POV)
HUMINGA ako ng malalim pag kaalis ng kapatid ko, bigla akong nag sisi, dahil dapat pinigilan ko ang kapatid ko, kagaya ng dati kong ginagawa, pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nga ba hindi ko sya pinigilan, siguro ay tama lang yon, dahil lagi ko nalang kinokontra ang gusto nya, minsan iniisip ko nalang na baka mamaya kinamumuhian na pala ko ng kapatid ko, sana na ay hindi, dahil para naman sa kanya ang ginagawa ko.
Simula ng mamatay si mommy, ginawa ko na ang mga dapat ay sya ang gagawa, hindi ako nag sisi, hindi ako nag reklamo, dahil gusto ko naman na kontrolado ko ang kapatid ko, lalo na'at babae ang kapatid ko, kung sakali man siguro na mag boyfriend sya at umiyak sya ng dahil doon, hindi ko maipapangakong tao paring akong haharap sa gagawa non sa kapatid ko.
Napamulat ako ng biglang tumunog ang landline namin, tumayo naman ako at inabot ko ito, paniguradong si daddy na ito.
" Hello, Mendez Residents on the line"
"Son, its me, kamusta kayo dan? "
As expected, si daddy nga, araw araw naman syang natawag para kamustahin kami.
"Dad, okay lang, kayo dan, okay lang ba kayo? "
"Oh, don't think about me son, im fine, what about Audrey, i want to talk to her"
"Dad kasi-"
"Nasa mall? "
"Umn, yeh, nag paalam naman sya sakin, then pinayagan ko, galit ka? "
Kinabahan ako ng biglang tumahimik si daddy, pakiramdam ko uulanan ako ngayon ng sermon nya.
"No, son, you got your responsibility very well, and its enough, i know how its hard for you, i always thankful with that, that you can make it"
Sa oras na ito, ako naman ang natahimik, ramdam ko ang sinsiridad ng aking ama, alam ko kung gaano ang pasasalamat nya dahil sa kabila ng nangyaring pag kabawas ng pamilya namin ay eto kami at maayos na tinutungo ang magandang kinabukasan.
"Thanks dad, always take more care, okay! "
"You too son, and take care for your sister"
"I will"
"Bye son"
Nakahinga ako ng maluwag ng naputol ang linya ng maayos ang usapan namin. Ang totoo kasi ay gusto ko syang sumbatan, dahil dapat ay kasama namin sya dito, mayaman kami at lahat ay nasaamin na, pero eto, hindi ko parin maintindihan kung bakit nag papakamatay ang aking ama sa pag tatrabaho, kung pwede naman nyang iutos nalang lahat ng ginagawa nya sa iba, hindi ko maintindihan.
Umakyat na ko sa papunta sa studio room para ayusin ang projector, dahil nga manonood kami mamaya pag uwi nila. Binuksan ko na ang ilaw ng madilim na kwarto, na hindi ko alam kung kailan pa huling nagamit, ang tagal na simula nung huli naming punta dito, at kasama pa namin non si mommy, ang tagal na sobra, hindi ko alam kung gagana pa ba ang mga gamit dito, baka kinalawang at inamag na.
Muli kong sinulyapan ang kabuuan ng kwartong ito, puro masasayang alala ang lahat ng nandito, napapangiti nalang ako habang inaalala ko ang lahat.
Bumuntong hininga ako ng malalim bago ko humakbang papuntang projector, kinuha ko narin ang laptop ko para iconnect.
Ano kayang magandang palabas, horror, oh action.
Tsk, ang hirap mamili, lalo nat parehong babae ang makakasama kong manood. Bahala na nga. Nag log-in muna ako habang nag iisip ng magandang panoorin.
Pagkakita ko, kagaya ng dati puro request nalang ang nandito, halos sumabog na ang account ko sa daming request.
Napailing nalang ako, dahil eto kanina lang ako nag remove ng halos 900 request, ngayon ay eto nanaman.
Nag scroll down pa ako, ng biglang may nakaagaw ng atensyon ko, nanginig at halos namlamig ang buo kong katawan,
Charlene Himenez was feeling worried
3minutes ago.God, please iligtas nyo po lahat ng tao sa loob ng mall, nakakawa naman po sila, hope na nakalabas ang lahat.
Lance and 266likes this 150comment
Like comment share
Mikaela Dela Cruz was feeling safe
15minutes agoThanks Goshhh, buti nalang na late yung driver namin, i was about to go na, when we hear the explode bomb at the mall, thanks. Im not in the mall that early.
Clariz and 456likes this 301comments
Like comment share
Hindi ako makagalaw, para kong tinakasan ng lakas. Para kong nawalan ng isip at inalisan ng kaluluwa.
Ang kapatid ko.....
Agad kong kinuha ang cellphone ko. Alam Kong ligtas sila, kanina pa sila nakaalis, malamang ay nakalabas na sila, at pauwi na ngayon, alam ko yun, at sigurado ako.
Nakatatlong ring na pero hindi parin sinasagot ng kapatid ko ang cellphone nya, lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"Answer the damn fucking phone Audrey!!! " nanginginig na sigaw ko habang nag palakad lakad sa loob ng kwarto. Hindi ako mapakali, sobrang kaba na ang nararamdaman ko
"Fuck it!! " inis na sigaw ko habang pinatay ko ang call sa kapatid ko at hinanap ang number ni Manong berney
Hindi ako makakapayag na ganito lang ang lahat, alam kong ligtas ang kapatid ko.
"Manong Berney, nasaan na -"
"Sir"
-
-
YOU ARE READING
When ms.shop'aholic meets mr.work'aholic
General FictionWhat if. . . You trapped with somebody else, Yung babaeng loudmouthed, maarte, masungit, yung babaeng walang alam kundi ang tumawag ng 'Yaya!!!!' Yung babaeng walang 'alam' talaga. . yung nakakaubos ng pasensya. What if. . . You trapped with someb...