Audrey POV (chapter 6)
NASA tapat na ako ng kwarto ni kuya Lee pero nakailang buntong hininga na ko ay di ko parin magawang kumatok.
"Ohh iha, anong ginagawa mo sa labas ng kwarto ng kuya mo, bakit ayaw mong pumasok? " muntik na akong mapatalon ng biglang may nagsalita sa likod ko,
"A-ahhh ano-" hindi kl naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Lee, shiiit.
"Bakit iha? " tanong ulit ni aling Trisha saakin, napatingin ako kay kuya at kunot ang kayang noo.
"Ahh, a-ano, may tinignan lang ako sa office ni daddy, oo yun nga, sige una na ko! " agad na sagot ko saka nag lakad papalayo.
Sa may pool ako nag punta, dahil gusto kong lunurin ang sarili ko ngayon, nakakainiss...
Bakit kasi ang sungit nya ngayon, ano ng gagawin ko, galit sakin Si kuya, kainis.
Maliwanag pa sa labas, dahil bilog ang buwan ngayon, masarap ang simoy ng hangin.
Nahagip ng mata ko ang bike sa gilid ng pool, napangiti nalang ako ng bigla akong may naisip, pampalipas ng oras.
Tumakbo ako sa loob ng kwarto ko at kinuha ang cellphone ko at nag suot narun ng jacket, pagkatapos ay pumunta ako sa pinag lalagyan ng bike.
Tamang tama makapag bike muna, Para marelax ang utak ko. Hindi na ko nakapag paalam kasi busy naman na sila aling Trisha, si kuya ayaw naman akong pansinin.
Sa park nalang ako pupunta, medyo malayo yun dito sa bahay namin, pero okay lang kaya nga ako nag bike para lumapit ang pupuntahan ko.
Malapit na ko sa park ng biglang mag loko ang pidal ng bike ko, hanep pag tingin ko dito, sira...
Sira!!!!
"Ughhh, pati ba naman ikaw, tinataksil ako, anak naman ng tinolang baboy!! " inis na sabi ko habang nakatingin sa bike na ang sarap chopchopin..
Kainis, paano na ngayon to, bahala na nga, ngayon masasabi ko na malayo nga yung park, pero sayang naman kasi yung outfit ko kung uuwi agad ako, maliwanag naman na ying buwan, lalakarin ko nalang papuntang park.
Matagal tagal na rin akong nag lakad, malapit narin ako sa park, natatanaw ko na ang fountain sa gitna, at ang mga swing sa gilid nito, wala ng tao sa park dahil gabi na nga.
Ng maitapak ko ang paa ko sa damuhan ipinikit ko ang mata ko at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin.
Ang sarap sa pakiramdam, pero leche, paano ko aayusin ang bike na to, ayokong lakarin pauwi, sobrang layo talaga.
Umupo ako sa malapit na bleachers na nakita ko saka ko ipinuwesto sa tabihan ko yung bike.
Nakakainis, tinignan kong mabuti yung kadena ng bike ko, nakasala sa dapat na pinaglalagyan nito, okay audrey, kaylangan mo lang naman na itama eh, madali lang yan.
Kahit nadidiri ako sa grasa ay binaliwala ko mu a para hindi ako mag lakad papauwi, makalipas ang ilang minuto, ayos, hahaha ang galing ko.
Pinagpagan ko ang kamay ko saka nakapamulsang nakatingin sa bike.
"Nice one Audrey! " mayabang na sabi ko.
Tinignan ko ying paligid, yung akala ko na ako lang ang tao dito sa park, nag kakamali pala ako, merong isang lalaki na nakaupo sa katapat ng bleachers na kinauupuan ko, at nakatingin sya sakin?
Kanina pa ba nya ko tinitignan, tinignan kong maigi ang itsura nung lalaki, parang nakita ko na sya somewhere ehh, pero dahil medyo madilim hindi ko makita ng maayos.
Kunot noo ko syang pinag masdan, nakatingin na nga ako sa kanya pero para syang seryosong tulala,
Baliw ata to ehh..
Inalis ko nalang yung tingin ko sa kanya, kaya napatingin ako sa bike ko, maitesting nga muna kung okay na.
Sumakay ako sa bike at sinimulang mag pidal, iniikot ko ang buong park, mas makakarelax pala kapag ganito,
Nakakailang ikot na ko ng bigla kong mapatingin sa lalaking kanina, nakatayo na sya, ngayon at parang may kausap sa cellphone, nakita ko ng maayos yung muka nya, para talagang nakita ko na sya, di ko lang maalala
Nakita ko yung suot nyang damit, teka uniform yung ng mga janitor sa mall ahh, ahh baka janitor nga sya dun kaya pamilyar sya sakin. Kasi lagi akong nasa mall.
Tinitigan kong maigi ying katawan nya. At yung muka nya ng masinagan ng ilaw.
'Perfect build of body, messy hair with light brown dye, and almond black eye'
T-teka, naaalala ko na. Sya yung lalaki na nakabangga saakin sa school, yung lalaking iniwan akong nakahandusay-
"Ahhhhhhh!!!! " Shit shit shit
"Miss okay kalang? "
Ang sakit, biglang na out balance yung bike kaya sumemplang ako, ahhh.
"Miss? " bigla akong natauhan na pag aray ko ng biglang may humawak ng braso ko, yung lalaking antipatiko,
"Ahhhh, bitawan mo nga ko, lumayo ka sakin!!! " sigaw ko sa kanya habang tinatabig ang kamay nya na hahawak sana saakin pa.
Ayokong mahawakan ng isang antipatiko na kagaya nya,
"Lumayo ka sakin sabi ehhh!!! " sigaw ko dito nakita ko pa ang pag kunot ng noo nya,
"Itaas mo ang kamay mo, kung ayaw mong masaktan, napapaligiran ka namin!!! "
Natigilan kami bigla nung lalaking antipatiko at napatingin ako sa likod nya, sya din ay dahan dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses na yon.
At sobra ang kaba ko ng makita ang maraming pulis na nakahalera malapit samin, habang nakatutok ang mga baril saamin.
'Whats going on? '
A/N
Whats goin on miloves?Vote and Comments
Thanks a lot.
YOU ARE READING
When ms.shop'aholic meets mr.work'aholic
Ficțiune generalăWhat if. . . You trapped with somebody else, Yung babaeng loudmouthed, maarte, masungit, yung babaeng walang alam kundi ang tumawag ng 'Yaya!!!!' Yung babaeng walang 'alam' talaga. . yung nakakaubos ng pasensya. What if. . . You trapped with someb...